Hinintay kong si Tyron ang magbubukas sa'kin nang usapin tungkol sa totoong kalagayan ni Kryan pero lumipas ang ilang mga araw na wala pa rin itong nabanggit. Naabutan na nga lang nang pagsisimula ng klase iyong paghihintay ko. Naghahanap lang talaga ako ng tiyempo at ako na ang magtatanong sa kanya. Inuuna niya kasi muna ang panlalandi kaya lagi kong nakakalimutan. Dahil sa nalaman kong kalagayan ni Kryan ay ngayon mas naintindihan ko na kung bakit sobrang alaga ito ng pamilya ni Tyron. "Akira, iyong bilin ko ha." Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Nanay. Katatapos lang naming mag-agahan at ngayon ay naghahanda na akong pumasok para sa unang araw ko bilang college student. "Opo, Nay," nakangiti kong sagot. "Hindi po ako sasama sa mga bagong kakilala sa paaralan at

