Naging regular na panauhin ng mansion sina Kristelle at ang anak nito sa sumunod na mga araw. Patuloy pa rin ang pagdadala nito ng mga pagkain para sa lahat ng mga katulong kaya bidang-bida ang kabaitan nito maging kay Nanay. Lagi rin itong nakakasama ni Tyron at may mga lakad sila na kasama ang anak nila. Hindi naman masakit tuwing nakikita kong parang buong pamilya silang tatlo, parang kurot lang naman ng nail cutter. Dumagdag pa iyong usap-usapan naririnig ko sa mga katulong tungkol sa kung gaano kabagay si Tyron at Kristelle kaya minsan ay parang gusto ko na lang muna umalis tuwing dumadating si Kristelle at Kryan. Pero saan naman ako pupunta? Araw-araw nagpupunta rito sa bahay ang mag-ina at hindi naman pwedeng araw-araw akong aalis. Ayoko namang sumbatan si Tyron o sabihin sa ka

