Nang sumunod na mga oras ay sinadya kong iwasan si Tyron para kahit papaano ay may matapos akong trabaho. Mamaya na niya ako landiin kapag wala nang pinapagawa si Nanay. "Gulat na gulat ako! Hindi nga agad ako nakahuma!" "Kahit naman siguro ako ay iyon din ang magiging reaksiyon." Nag-angat ko ng tingin mula sa pagtutupi ng mga nilabhan kaninang mga kurtina dahil sa naulinigan kong pag-uusap mula sa dalawang katulong na kakapasok lang. May extension room ang laundry area, at dito nagtutupi, namamalantsa at nag-aayos ng mga bagong laba bago iakyat sa taas at ihatid sa bawat silid. Kasalukuyan kaming nandito ni Ate Lucy at ang dalawang bagong dating ay ang na-assign sa paghahango ng mga nasa dryer at tapos nang isampay sa labas. By schedule kasi ang paglalaba sa bahay na ito, at ngayon

