Naging mabilis iyong byahe papunta sa probinsya namin. Madaling araw kaming lumisan kaya tanghali na no'ng dumating kami. Nagpahinga lang sandali iyong mga kasamahan namin bago nagsimulang i-set-up ang mga kakailanganin para bukas kung kailan ay official na sisimulan ang free medical mission. Bilib din ako sa mga volunteer na kasama namin, mapa-medical practitioner man o hindi ay tulong-tulong sa lahat ng mga gawain. Nasaksihan ko iyong passion ni Tyron para sa ganitong gawain na pagtulong sa mga nangangailangan. Lahat ay pawang nakangiti habang naghahanda para bukas, hindi ko kakitaan nang pagod at para ngang excited pa sila. "Doc, dalaga pa ba iyang assistant mo?" pabirong tanong ng isang dentista kay Tyron habang inaayos namin iyong mga ipapamigay na gift packages para sa mga darat

