Hindi ko pa lubusang nahamig ang sarili nang muling bumukas ang pintuang pinasukan ni Kristelle at ng anak niya. Lihim akong napapiski dahil akala ko ay bumalik ito, pero si Ate Lucy ang muling iniluwa ng pinto. "Mabuti at nandito ka!" natitilihan nitong sabi at nagmanadaling lumapit sa'kin. "Alam mo ba ano ang latest doon sa pinag-uusapan natin no'ng bago kayo umalis ni Sir Tyron?" excited niyang tanong. Sa sobrang excited niya ay wala siyang napansin sa kasalukuyan kong estado. "Hindi mo kakayanin 'to!" Napapaypay pa siya sa sarili bago bahagyang lumapit sa'kin upang bumulong,"Sir Sir Tyron pala at Ma'am Kristelle ay may anak!" Mas nagiging makatotohanan pala ang bangungot kapag sinasabi ng ibang tao. Kanina kasi ay pilit pang tinatanggi ng isip ko, pero ngayon ay hindi ko na kaya p

