Ilang sandali munang nakipagtagisan sa'kin ng tingin si Kristelle bago malamig na ngumiti sa'kin. "Thank you," tila nang-uuyam niyang pasasalamat. Pumasada pa sa'kin ang tingin nito na tila ba kinikilatis ako. Matapos gawin iyon ay tumalikod na ito at taas-noong naglakad paalis. Wala naman ako sa beauty pageant pero pakiramdam ko ay sumailalim sa panghuhusga ang beauty ko! Pagkawala ni Kristelle sa paningin ko ay muntik na akong bumuway mula sa pagkakatayo. Kung nagtagal lang siya nang kahit konti ay hindi ako sigurado kung kakayanin ko pa ring manatiling kalmado at magmukhang hindi apektado sa mga narinig ko mula sa kanya. Hindi ko pala kayang maging unbothered queen dahil naba-bother talaga ako sa ganda niya! "Akira, bakit ang tagal mo?" Napapiksi ako at dali-daling isinara ang

