SA ISANG iglap ay mabilis na naglaho si Betina sa kanilang paningin matapos nitong yumakap at magpaalam sa kaniya. Maluha-luha siya habang iniisip ang mga alaalang nabuo nila ni Betina sa Bear City. Nang magbalik tanaw siya sa kapatagan ay naroon pa rin nakatayo ang katawan ni Andrius. Napuna niya rin ang biglang paglaho ng mga taong bumalik na rin sa kanilang tunay na anyo. Tinanaw pa niya ang mga oso at maging ang kabayong si Lincoln na tila malungkot sa kaniyang nalalapit na paglisan sa Bear City. Kaya naman habang may oras pa ay maayos siyang nagpaalam sa mga ito. "Masaya ako dahil minsan sa buhay ko ay naranasan kong maging mabuti para sa katulad ninyo. Asahan n'yong dadalhin ko ang lahat ng ating pinagsamahan hanggang sa kabilang mundo, mga mahal kong oso." Narinig niya ang marahang

