Sobra ang badtrip ko dahil dun sa nangyari. Di ko alam kung bakit iisipin ko yun hanggang ngayong gabi.
Aishhh sumasakit ang ulo ko.
Ang daming tanong ang gusto kong masagot. Una, bakit nya ako binigyan ng bulaklak, pangalawa, bakit nya ako kinausap, pangatlo, bakit nya sinabing see you in g10 kahit alam ko namang magkikita kami kahit di kami magkaklase, at pang-apat, bakit nya sinabing classmates, eh ramble pa rin ata yung sectioning.. Aishhh, ewan na i stress yung brain ko.
"Ashi, bumaba ka na kakain na tayo!" sigaw ng ate ko sakin.
Grabe, di lang pala si nercy ang malakas ang bibig, si ate din.
Tumayo na ako sa kama at saka lumabas ng kwarto. Sobrang bagot ko at sa sobrang bagot ko ang bagal kong maglakad.
"Hoy Ashi, wala ka sa buwan para magpabagal bagal dyan" mataray na sabi sakin ni ate.
Nawala ang bagot ko, nainis bigla ako kay ate.
"Kaysa naman sayo ate, di ka naman maganda pero nagtataray ka dyan" singhal ko dito at umupo.
"Anong di maganda? For your information my dear sister mas maganda ako sayo" mataray na namang sabi nito.
Saan ba pinaglihi to? Ang taray ng puchaa eh. Pero sorry sya, mas mataray ata ako.
"Excuse me ate, sa pagkakaalam ko wala pa yang mukha mo sa paa ko" nakangisi kong sabi.
"You b***h!" Sigaw ni ate sakin.
Hahaha pikon na naman sya, nakakatuwa.
"Hoy kayong dalawa ay tumigil dyan, pag uumpugin ko kayo eh" sabat naman ni kuya.
Hayy umeksena na naman ang paepal na si kuya na wala namang ibang ginawa kung hindi ang magbida bida sa harap nina nanay at tatay.
"Hoy kuya, pwede ba wag kang epal dyan?" mataray na sabi ni ate.
Hahaha, war na naman silang dalawa.
"Hoy kylie! Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan, kuya mo ko ah, kala mo naman may naipagmalaki ka na eh" sabi naman nito kay ate.
Grabe talaga mga kapatid ko, mga pikon.
Tumingin sakin si ate at saka ngumisi. Hahaha loko talaga to si ate. Sabay sumenyas na sya.
"Wala nga kaming maipagmamalaki ni Ashi, eh ikaw anong maipagmamalaki mo?... Ahh" sabi ni ate na animoy umaktong nag-iisip at saka tumingin sakin.
Haha, sasabihin ba talaga namin? Lt talaga si ate. Pero sige para masaya.
"Siguro yang maipagmamalaki mo kuya.. Yang itlog mo, haha" sabay na sabi at sabay din kaming natawa ni ate.
Nagsalubong ang kilay ni kuya at saka kami tiningnan ng masama ni ate.
"Kayo ngang tatlo ay magsitigil, nasa harap tayo ng pagkain eh" ma autoridad na sabi ni tatay.
Napatigil kaming tatlo kasi si tatay na yon, si big boss ng bahay namin, haha.
"Kumain na lang kayo" sabi naman ni nanay.
Isang pang big madam ng bahay namin.
Nagsimula na kaming kumain. Sobrang tahimik namin. At nung nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang nagsalita si tatay.
"Sa inyong tatlo, congratulations" sabi nito sabay subo ng kanin.
Lahat nga pala kami with honors. Si kuya senior highschool na with honor at si ate g10 completer with honor.
"Thank you papa" sabi ni kuya.
"Thanks, pa" sabi naman ni ate.
So, no choice ako kundi ang maki thank you din.
"Salamat po, tatay" sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Ng matapos kami ay umakyat na ako di naman ako ang nakatoka sa ligpitin ngayon eh.
Ng makaakyat ako sa kwarto ay nagpahinga lang ako saglit at tsaka pumasok sa cr at naligo. Pagkatapos ko ay nagbihis at nagpatuyo na ako ng buhok ko gamit ang blower.
Matapos kong magsuklay ay dumapa na ako sa kama ko at saka nag cellphone.
Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng sss ay napakaraming estudyante ang nagpost na ang caption ay "Thanks, G." Tas nandun yung picture ng certificate at medal nila. Marami ring nagchat sakin ng congratulations at nag thank you ako sa kanila. Pagtapos non ay pinatay ko na ang cellphone at natulog. Yes, bakasyon na kami simula bukas.
••
"Ashi! Ashi!" malakas na sigaw ni ate habang kinakatok pa ng malakas yung pinto ko.
Aishhh, bat ganyan sapak ng mga ate sa umaga? Malala na eh.
Kaya kung ako sa mga lalaki wag silang magjo jowa ng mga ate, totoyoin lang lagi.
"Ashi!" malakas ulit nitong sigaw.
Kaingay ng puchaa.
"Bakit ba?" malakas rin na sigaw ko.
"Bumangon ka na dyan, andito sa baba mga pinsan natin" malakas na sigaw nito.
"Ate, boba ka ba? marami kaya tayong mga pinsan, be specific naman" Inis na sigaw ko dito.
"Hoy, Ashi! wag mo kong mabobo bobo dyan ah, sina tupe ang nasa baba!" sigaw nito at saka ko narinig ang yapak na paalis.
Buraot talaga si ate kahit kailan.
Nagmadali na akong maligo at mag-ayos. Buti naisipan nina tupe na pumunta dito samin, hindi na ako paniguradong mabo bored ngayong araw.
Ng tuluyang tapos na akong mag-ayos, nagmadali na akong bumaba. Pagbaba ko nakita ko na ang mga hinayupak na prenteng prente ang mga upo habang kumakain ng pancake at tsaka may juice pa.. WOW, nahiya naman ako sa kanila, bahay ko to pero di pa ako nakain tas sila lamong lamon? Dagukan ko tong mga to eh.
"Bat kayo napadalaw?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ka ba masayang makita ang mga mukha namin, Ashi?" nakangiti pang tanong ni Nini sakin.
Nginitian ko sya.
"Hindi"
"Ang sama mo talaga, Ashi" singit naman ni wawie.
"Andito kami, kasi birthday ko ata" singit naman ni jax.
"Birthday mo pala eh, bakit dito pa kayo pumunta? Bahay kaya namin to?" sarcastic na sabi ko.
Hahaha pikon din tong mga to parang si ate at kuya.
"Sinusundo ka kaya namin kasi late ka na namang magigising, remember swimming party ang birthday ko" sabi ulit ni jax.
Ayy, swimming pala birthday nito? Big time ah. Kakahiya ka naman Ashi di mo kaagad tinatanong ng ayos ayan pahiya ka.
"Biro lang"sabi ko ng nakangiti at nag peace sign sa kanila.
"Aba'y kumain at maggayak ka na hindi yung putak ka ng putak sa harap namin iwanan ka namin eh" sabi naman ni josh.
"Eto na nga, wag nga kayong nagmamadali" maktol ko pa sa kanila.
"Anong wag magmadali? Late na nga tayo, dapat kanina pang ala syete ang alis natin, kung di ka ba naman pa VIP at bumunganga kanina siguro nakaalis na tayo" mahabang sabi ni cess.
"Oo na kasalanan ko na mga hinayupak na to" sabi ko at tinalikuran na sila para makapag ayos na ako ng dadalhin ko.
"Wag kang magdala ng maleta ah?! Isang araw lang tayo don!" sigaw sakin ni Nini.
Alam ko naman yon,duh.
Mabilis akong nag ayos ng mga dadalhin kong gamit. Nagpalit na rin ako ng damit kasi swimming daw. Tas nagdala ako ng shades para pak na pak ang awra ko. Ng matapos ay bumaba na ako.
"Ay! Oh! Ang taray, naka plain white na croptop at black short si VIP" pang-aasar sakin ni wawie.
"Tigilan mo nga ako wawie"
"Kinabog ang may birthday" sabi naman ni cess at nagtawanan sila.
Mga abnoy talaga.
Di ko na sila pinansin at saka dumiretso sa kusina at saka kumain ng agahan. Habang nakain ako ay tiningnan ko ang oras na nakasabit sa taas ng ref. Pucha? 8:50 am na? Aba 9 na miya miya. Nagmadali na akong kumain at pagtapos ay dumiretso ako sa cr para mag toothbrush at pagtapos ay pumunta na ulit ako sa sala kung nasan sila.
Naabutan ko silang kausap si ate. Edi sila na ang close.
"Oh, ayan na pala si Ashi, tara na" sabi ni josh.
"Tara na, di ka talaga sasama ate kylie?" magalang na tanong ni jax kay ate.
"Hindi eh, may gala ako kasama ang mga friends ko mamayang 10" malumanay na sabi ni ate.
Bat sa mga pinsan namin malumanay tong magsalita pero sakin? Grabe sya. Hustisya naman oh.
"Ah sige, una na kami ate, ingat ka sa gala mo" magalang na sabi ulit ni jax.
Kung di lang talaga namin pinsan si jax, iisipin kong gusto nito si ate.
"Sige, kayo rin mag ingat" nakangiting sabi ni ate.
Ang sarap sabunutan ni ate ang plastic masyado eh, kakairita.
Nag ngitian na lang sila at saka tinalikuran si ate. Sabay sabay kaming lumabas tapos nakasabay ko si jax.
"Ashi" pagtawag nito sakin.
"Bakit?"
"Close pa din naman kayo ni Christian diba?" biglang tanong nito sakin.
Bat naman nya naitanong? Alam naman nyang di na kami nag-uusap ni Christian simula nung nag g9 kami.
"Hindi ko masasabing close kami, pero di na kami nag-uusap unless kakausapin nya ako.. Bat mo nga pala naitanong?" pang uusisa ko dito.
"Ahm, invited kasi sya sa party ko" paliwanag nito.
"Ah talaga?" parang walang ganang tanong ko.
"Oo.. bakit di ba ayos sayo na invited yon?" tanong ulit nito.
"Wala akong pake kung invited sya sa party.. swimming at pagkain ang ipinunta ko hindi sya" paliwanag ko dito.
"Ah" yun na lang ang nasabi nya at di na ulit nagsalita.
Nakarating kami sa sasakyan namin at mabilis kaming sumakay. Sinabihan ni jax na kung pwede bilisan yung takbo kasi late na raw kami, sinunod naman ni manong. Kaya mga bente minuto lang nakarating na kami sa resort.
Pagbaba ko palang namangha na ako sa ganda ng resort. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nahagip nito ang pangalan ng resort.
"COLEMENAR" mahinang basa ko.
Ang ganda ng pangalan at ang ganda din ng loob. Di ko inaasahang may ganitong lugar. Punong puno ng payong ang taas ng pool meron ring mga bilog na sa tingin ko ay ilaw, tas yung mga cottage ang laki, yung mga check-in rooms naman ang ganda at ang linis, ang lawak ng pool tapos parang mall yung style ng background. Ang ganda promise.
"Ang ganda ng resort na to jax" namamangha ring sabi ni wawie.
"Iba kasi pag big time" pang-aasar ni cess sa kanya.
"Hoy, we're not big time" sabi ni jax kaya napatawa kami.
"Edi hindi" sabi naman ni Nini.
"Tara na ngang pumasok, naghihintay na siguro sila kanina pa" sabi samin ni jax kaya dali-dali kaming pumunta sa isang kwarto don sa pang event room.
Pagbukas ng pinto ni jax napanganga na naman ako. Sobrang ganda ng ayos. AS IN, mapapa sanaol ka na lang haha.
"Eto na pala ang birthday boy" sabi ng ate ni jax sa mic.
"Magbigay ka na ng speech mo bro" sabi ulit nito.
Nagpalakpakan ang mga bisita kaya umupo na kami sa isang table para makinig sa speech ni jax.
Inilibot ko ang paningin ko, lahat pala talaga naka pang swimming na outfit.
"Ehem, Ehem" sabi pa ni jax sa mic kaya nagtahimikan na.
"Di ko na pahahabain itong speech ko kasi langoy na langoy na ako" sabi nito kaya nagtawanan kami. Luko luko talaga "Gusto ko lang humingi ng sorry kasi naghintay kayo ng matagal.. Sinundo pa kasi namin yung pa VIP naming pinsan na si Ashi" sabi nito sabay tingin sakin at ngumisi. Aba loko talaga ang puta "Yun lang and thank you sa pagpunta and enjoy" nakangiting pagtatapos nya sa walang kwentang speech nya.
"Grabe pare, 16 ka na" sabi ni Josh kay jax.
"Oo nga pare eh, nga pala dun lang ako saglit sa mga tropa ko" sabi ni jax dito.
Tumango na lang kami, ngumiti ulit sya at saka kami tinalikuran.
"Dun muna ako" sabi ni josh sabay turo sa lugar na may maraming babae.
"Pak boy talaga" iiling-iling na sabi ni Nini.
"Btw, cr muna ako mag re retouch ako, maraming gwapo eh" sabi naman ni wawie.
"Ako din sama" sabi naman ni cess.
"Ako din" sabi naman ni Nini.
"Ikaw Ashi?" tanong sakin ni wawie.
"Kayo na lang" nakangiting sabi ko.
"Sige" sabi nito at sabay sabay silang kumaway at tinalikuran ako.
Kung pak boy si josh, pak girl naman sila haha.
No choice ako kundi maglakad. Ang ganda talaga ng lugar. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin dun sa kumulbit sakin.
"Ate" sabi sakin nung bata.
"Bakit?" mahinahong tanong ko dito. Bata eh.
"Buo" sabi nito.
"Huh?" nagtatakang tanong ko.
"Buo mo to" sabi nito sakin sabay abot ng 3x3 na rubrics cube.
Luh? Anong alam ko dyan? At tsaka saan naman nya nakuha yang cube na yan?
"Ah, eh" kakamot kamot sa ulo kong sabi.
"Dali na ate" pagmamakulit nito sakin.
"Sige na nga" sabi ko kahit di ko alam ang gagawin ko.
"Yey, salamat ate, dito ka magbuo ah kukuha lang ako coke saglit" paalam nito sakin.
"Sige" nakangiti kong sabi.
Ngumiti lang ito at saka tinalikuran ako.
Ng makaalis yung bata, dun ko palang tiningnan yung rubics cube, pano ko to bubuuin?hayy kawawang Ashi. Inikot ikot ko to pero wala pa ring nangyayari.
Nakakita ako ng paa sa harapan ko, aba ang bilis naman nitong bata na kumuha ng coke.
"Nakabalik ka na pala bata" nakangiti kong inangat yung ulo ko, pero...
"Christian!?" gulat na gulat na sabi ko.
"You look pretty and sexy in your outfit" nakangiti nitong sabi.
Di ako makapag salita, bat ba kasi sya parang kabute, litaw ng litaw bigla.
"Wala kang pattern sa pag buo nyan no?" tanong nito sakin.
Tumango ako bilang sagot at saka muling tiningnan ang cube.
Ang hirap talaga buuin.
"Siene" banggit nito sa pangalan ko na ikinabigla ko kaya napatingin ako sa kanya "Kapag magbubuo ka ng cube, You should... BEGIN With The BASE" seryosong sabi nito at tinalikuran ako.