Init na init na ako sa pesteng flag ceremony na to. Bat lagi na lang ganto yung first day ko? Ang malas lagi eh. Pero sa tingin ko etong g10 ang pinakamalas. Isipin nyo ibinalik yung section A, kaklase ko na naman yung dating A at syempre kasama na don si Christian. Hindi sa bitter ako sa di pagpapansinan namin, ayoko na lang talaga sya makausap at maging kaklase period.
"Hoy siene! Nakikinig ka ba?" mahinang sigaw sakin ni nercy.
"Oo"
"Sige nga, anong sinasabi ko?" tanong nito.
Aishhh epal talaga si nercy sa iniisip ko kahit kailan.
"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko rito.
"Oh diba, di ka nga nakikinig" singhal nito.
"May iniisip lang kasi ako"
"Ano naman kayang iniisip ni siene?" tatango tango nyang sabi habang nakatingin sakin.
Epal talaga to.
"Wala ka na don" sabi ko dito.
"Ayy nagdadamot ka?" pang-aasar nito sakin.
"Hindi, ayoko ko lang talagang i-share sayo" mataray na sabi ko dito.
"Ang attitude mo ah, kakainis na to" inis na sabi nito sakin.
Di ko na lang sya pinansin at saka tumingin sa stage.
Ang bagal at nakakaantok ang speech ng principal promise. Paulit-ulit lang naman yung sinasabi nya simula g7 ako narinig ko na yan sa kanya.
"Thank you and enjoy your first day" nakangiting pagtatapos ng speech ng principal.
Ayun, makakaupo na ako sa wakas.
"Hoy siene?" mahinang pagtawag sakin ni nercy.
"Ano na naman!?" inis na tanong ko dito.
"Upo muna tayo sa bench" yaya nya sakin.
"Ayoko" pagtanggi ko.
"Bakit?" tanong nito.
"Baliw ka ba? May klase kaya tayo"
"Saglit lang naman, ang dami kasing estudyante ang nagsisiksikan, ayokong makisiksik" pagpapaliwanag nito.
Sabagay may point naman sya, sige tambay muna kami.
"Sige tara" yaya ko dito.
Umalis kami sa mga estudyanteng nagsisiksikan at umupo sa bench.
"Grabe, completer na tayo ngayon" nakangiting sabi ni nercy.
"Oo nga eh, gustong gusto ko ng mag senior high" nakangiti ring sabi ko.
"Nakaka excite, malay mo sa senior high ka magka boyfriend, Yieee" tukso sakin nito.
"Tigilan mo nga ako"
"Ano ka ba naman siene, g10 na tayo't lahat hindi ka pa nagkaka boyfriend?"
"Eh ayaw ng crush ko sakin" nakangusong sabi ko.
Totoo naman eh, ayaw sakin ng crush ko, kakainis sya. Kung ayaw nya akong i-crushback.. Ayoko din syang mawala sa buhay ko, boom kilig.
"Ang ganda mo tapos matalino, anong ayaw nila sayo?" nagtatakang tanong nito sakin.
Kung sya nga di alam, ako pa kaya? Duh, ang utak talaga nito.
"Common sense naman oh, kung Ikaw nga di alam malamang di ko din alam kaya wag mo kong tanungin" inis na paliwanag ko dito.
"I think alam ko na kung ano yung ayaw sayo ng crush mo" seryosong sabi nito.
Madami kayang pwedeng kaayawan sakin at alam ko yon.
"Ano naman?" curious na tanong ko.
"Your attitude, peste ka!" Bulyaw nito sakin.
"Ay pasmado ka?!" inis na tanong ko dito.
"Ang taray mo kasi minsan, masungit din minsan, di ka marunong mang entertain, kapag may crush ka di ka nagpapa cute!" mahina pero pasigaw na sabi nito.
"Alam ko naman yon, pero nercy naman kahit kailan di ako magpapa cute sa crush ko"
"Ayaw mong magpa cute kay Dustin? Malakas epekto non sa mga boys promise" nakangiting sabi nito.
"Kaya pala di gumana yang pagpapa cute mo kay jaypee mo!" sarcastic na sabi ko.
"Tingnan mo ang sama talaga ng ugali mo siene, tara na ngang pumasok bago kita pakainin ng d**o" inis na sabi nito at saka tumayo at nagsimulang maglakad.
Grabe talaga ang mga tao kapag napipikon, ang hirap spellingin eh.
"Hoy nercy! Hintayin mo nga ako!" sigaw ko dito.
"Bahala ka dyan, bitter" mataray na sigaw nito sakin at mas lalong binilisan ang paglakad.
Di ko na sya hinabol, hindi ko hilig ang maghabol sa taong ayaw magpa habol.
Nawala na si nercy ang bilis naman non. Nasa 2nd floor ako ng hagdan tas yung room namin nasa 3rd floor pa tapos pang apat pa na room. Binilisan ko na lang kasi first day nakakahiya na sobra naman ang late ko.
"Siene" pagtawag ni nercy matapos kong makalapit sa kanya.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Sabay na tayong pumasok, nag i start na sila oh" sabi nito at itinuro ang room namin.
Patay kami neto, gabayan sana kami ng kapatid ni nercy na Buddha.
"Good morning miss, sorry we're late" magalang na sabi ko sa ginang na nasa unahan.
"Bakit kayo late? Di naman siguro kayo naghanap ng section kasi alam nyo na?" mataray na tanong nito.
Patay! Anong idadahilan namin.. isip, siene... Aha! Alam ko na.
"Miss kasi po marami po kaninang nagsisiksikan sa daan paakyat eh mainit po kaya nagpahuli kami" magalang ulit na sabi ko.
"Is that so?" tanong nito sakin.
"Yes miss"
"Ok, get inside" sabi nito.
Hoooo, galing ko talaga magpalusot.
Sumenyas samin si sheena na don kami umupo sa tabi nya sa dulo, tatlo naman kasi ang upuan. Nang makaupo kami ni nercy ay nagpatuloy sa pagsasalita si miss. Puro lang sa mga requirements at tatalakayin namin bukas ang sinasabi nya, nakaka antok.
Pilit kong iniintindi yung sinasabi ni miss pero di ko talaga maintindihan kasi inaantok talaga ako. Itatanong ko na lang kay nercy yung mga napag-usapan.
Puyat kasi ako dahil inisip ko ng inisip kahit di ko naman dapat isipin itong lintek na first day nato..
Iniisip ko kung kakausapin ba ako ni Christian, kung friends na ba kami ulit, kung kakausapin din ako ni Dustin kase piling ko alam nya na may crush ako sa kanya kaya iniiwasan nya ako.
Classmates kasi kami nung g9 we're best friend and at the same time seatmates kaya super close, pero I didn't expect na magkakagusto ako sa kanya.. Nag first move sya, umasa naman ako, ayan tuloy hopia ako.
Sino ba naman ang di magkakagusto sa taong tinulungan ka sa pagdadala ng project mo kahit di kayo magka group, laging gusto kang katabi, laging gusto kang kumanta, laging gusto kang naiinis, lagi kang gustong kasabay mag lunch.. Oh diba tanga ko nagkagusto ako sa ganyan.
"Hoy siene, ano naman bang iniisip mo?" tanong sakin ni nercy kaya napatigil ako sa pag-iisip.
"Wala pa bang next teacher?" pagtatanong ko dito.
"Wala pa daw kasi recess ngayon, wag mo ngang ibahin yung usapan, anong iniisip mo?" pagbabalik nya ng tanong nya.
"Bakit ba tinatanong mo pa?" mahinang singhal ko dito.
"Gusto ko ngang malaman, lutang ka ba ghourl?" pang-aasar nito sakin.
"Mukha ba akong naka lutang para sabihin mong lutang ako?" sarcastic na sabi ko.
"Alam mo siene.. f**k you ka!" inis na inis na singhal nito sakin.
"Nercy naman.. May 'you' na nga may 'ka' pa anong pinaglalaban mo?" nakangising tanong ko dito.
"Gusto mong malaman ang pinaglalaban ko? Ang ipinaglalaban ko ay yang peste mong ugali!" Inis na sigaw nito sakin at natawa naman si sheena don pati na ako.
"Nercy, langgaw ba yung ugali ko para sabihin mong peste?" natatawang tanong ko dito.
"Oo nga naman nercy, wala namang pesteng ugali" tatawa-tawang sabi ni sheena.
"Alam nyo kayong dalawa.. Mga mukha kayong unggoy" sabi samin ni nercy at tsaka umub-ob sa desk.
Tumingin naman sakin ng nakangisi si sheena. Yung mga ngisi pa lang nitong luka nato gets mo na eh para ba namang si ate kung ngumisi.
Lumapit sya kay nercy at tsaka hinagod yung likod nito.
"Galit ka na nyan, nercy?" tatawa-tawang tanong ni sheena dito.
Pero si gaga ayun ayaw talagang mamansin.
"Nercy, lalapit sayo si jaypee" mahinang bulong ko dito.
Bigla naman syang umangat at nag-ayos ng buhok.
"Asan na, asan na ang bebe jaypee ko?" kinikilig pa ang tinig nito.
Kadiri talaga ang ma inlove. Buti ako crush lang.
"Wala na, nakita kasing nakatungo ka" sabi naman ni sheena.
"Ano ba yan! Bat di nyo ko kinulbit man lang!?" Inis na tanong nito samin.
"Eh ayaw mo kaming pansinin eh" mataray na sabi ko dito.
"Eh kasi naman kayo" nakangusong sabi nito samin.
"Ano bang ginawa namin?" inosente kunwaring tanong ko.
"Binabara nyo ko eh" nakanguso pa ring sigaw nito.
"Sinasabi lang namin sayo yung tama" Ngi-ngisi nigsi kong sabi.
"Ewan ko sa inyo" sabi nito sabay inirapan kami ni sheena.
Natawa kaming dalawa ni sheena dahil sa ang pangit nyang mang-irap.
"Siene!" malakas na sigaw ni Christian bago lumapit samin.
"Close pala kayo nyan?" inosenteng tanong sakin ni sheena.
"Di kami close" pagtanggi ko.
Hindi na sya sumagot at nagkibit balikat na lang.
"Hi sheena, hi nercy" pagbati nito sa dalawa kong kaibigan.
Kilala nya si nercy? Pano?
"Kilala mo ko? Pano?" Nakangiti at parang kinikilig si gaga.
Nako po! Wag kay Christian, nercy!
"Ahmm oo, kaibigan ka kasi nina sheena at siene, eh kaibigan ko din ang mga yan" nakangiti nitong sabi.
Duh? Anong kaibigan pinagsasabi nito? Sa pagkakaalam ko di na kami magkaibigan simula nung nag g9 kami.
"Ah! Ang cool naman.. Edi friends na din tayo?" tuwang-tuwang tanong ni nercy.
"Oo naman" nakangiti ring sabi nito.
Ang sarap nilang tirisin, promise!!
"Talaga namang sa harap pa namin ni sheena kayo naghaharutan ano?" sarcastic na sabi ko.
"Bakit nagseselos ka siene?" nakangising tanong sakin ni Christian.
"Ako magseselos? Asa ka, di kita type" sarcastic ulit na sabi ko.
"Sus, baka pagtagal type na type mo na ako" nakangisi ulit nitong sabi.
"Yuck, mukha ka ngang garapata, tapos magiging crush kita? Sorry di ako aso para mapasakin ka" irita ko yong sinabi.
Ang kapal ba naman ng pagmumukha nya.
"Sus, ganyan ka naman sa umpisa.. Di daw type pero pagtagal type na" pang-aasar nito sakin.
"So ano kami dito ni sheena? Extra?" sarcastic na tanong samin ni nercy.
"Oo nga, di naman tayo nanonood ng extra service para maging extra kami" sabi naman ni sheena.
"Umamin nga kayo samin.. Kayo ba ay more than friends dati?" nakangising tanong ni nercy samin ni Christian.
"What do you mean by more than friends, huh?" inis na tanong ko dito.
"Ayy naging boba ka na siene? Ibig kong sabihin mag bf/gf ganon" sarcastic na sabi nito.
"Aba'y hindi" may halong inis na pagtanggi ko.
"Hindi" nakangiting sabi ni Christian.
Aba si tanga nakuha pang ngumiti, bwiset eh.
"Talaga?" nanunuksong tanong ni nercy samin.
"Oo nga" inis na sagot ko.
"Hindi kami naging mag bf/gf.. Pero hayaan mo this time tutuparin ko yan" nakangiti pang sabi nito sabay tingin sakin.
Yuck, ano bang ginagawa nya? Ayoko sa garapatang gaya nya.
"Yieee" panunukso samin ni nercy.
"Sana nga tuparin mo" seryosong sabi ni sheena.
Nginitian lang ito ni Christian at saka bumalik sa upuan nya.
Wala akong masabi, I am speechless promise. Kadiri ba naman yung sinasabi nya.
"Oh, na speechless ka ba?" natatawang tanong sakin ni nercy.
"A-ayoko, ayokong mangyari yon" kinakabahang sabi ko.
"Wala sayo ang desisyon siene, kung yan ang gusto ng fate nyo wala kayong magagawa" tawang-tawa na sabi nito.
"Yuck kadiri ka!" inis na singhal ko dito.
Hindi sya sumagot at tumawa ng tumawa kaya mas lalo akong nainis.
"Tara nga mag recess" pagyaya ko sa kanila.
"Kung kailan andyan na si miss tsaka mo naisipang mag recess.. Kung di ka ba naman nakipag lambingan kay Christian.. Siguro nakapag recess na tayo" mahabang sabi nito.
"Anong lambingan? Walang ganong nangyari!" medyo malakas na sigaw ko buti di nila narinig si nercy at sheena lang ang nakarinig.
"Easy, masyado kang gg eh" nakangising pang-aasar ni sheena sakin.
"Tigilan nyo nga ako" inis na sabi ko sa dalawa.
"Ok" sabay na sabi nila at nakinig kay miss.
Nanggigigil talaga ako dyan sa Christian na yan, di na kami friends tapos aarte sya ng ganyan? Bigwasan ko sya eh.
Nakakayamot kung kailan patapos na ako ng junior high bigla namang lumalabas ang napakalaking problema.
Kung di ako titigilan ng Christian na yan.. Sya ang titigilan ko ng buhay.