"Good morning, Monday!" humihikab pang sabi ko.
Isang linggo na pala ang nakalipas since our first day. Grabe ang bilis. Sa sobrang bilis, pati crush ko may gusto ng iba.
Nalaman ko lang naman na si Angel ang gusto nito. Take note, gusto na daw hindi lang crush. Kakabadtrip.
Pano ko ilalaban yung pagka crush ko kay Dustin kung iba naman yung ipinaglalaban nya?
Ano kaya kung gawin ko yung suggestion ni nercy? Baka effective eh.
Pero baka lalo lang nya akong kaayawan? Aishhh! Crush mo lang sya siene, makakalimutan mo rin yung feelings mo.
Pano ko nga ba makakalimutan ang feelings ko? Pano mag moved on sa taong di naman naging kayo?
"Ashi anak, bangon na dyan" kinakatok pa yung pinto na pagkakasabi ni nanay.
"Opo nay!" Medyo malakas na sigaw ko.
Tumayo na ako at saka nagpunta sa cr para maligo.
Pagkatapos ko ay nagbihis na ako ng uniform. Pagkatapos ay nagsuklay na ako ng buhok ko at naglagay ng kaunting liptint.
Matapos ang mahabang pag-aayos ko ay bumaba na ako.
"Good morning, Tay, Nay, Ate, Kuya" nakangiti kong sabi.
"G-ood mo-rn-ing si-st-er" ngumunguya pang sabi ni ate sakin.
"Good morning flat" nakangising pang-aasar ni kuya sakin.
Kahit kailan, di na ako nagkaroon ng magandang umaga pag sila ang kaharap ko.
"Good morning anak, umupo ka na at kumain" nakangiting sabi ni tatay sakin.
"Sige po!" masaya at magiliw na sabi ko bago umupo.
"Kamusta, ang first week ng klase nyo?" tanong saming tatlo ni nanay.
"It was fine and at the same time fun" nakangiti na sabi ni kuya.
"Yeah, the first week was really fun.. I met a lot of new friends po" magalang na sabi ni ate.
Bat ang aarte ng mga to ngayong umaga? Umi english ang mga hinayupak.
Senior na din si ate gaya ni kuya sa school namin, ako na lang ang junior eh.
"Ikaw Ashi, kamusta first week mo?" nakangiting tanong sakin ni nanay.
Hindi po masaya, sobrang nakakainis at nakakabagot ang first week ko.
"Ayos naman po" pilit ang ngiting sabi ko.
"Osya, kumain na kayo para makapasok na kayo" nakangiti pa ulit na sabi ni nanay at tsaka kami nilagyan ni kuya ng kanin sa plato.
Si ate kasi basta pagkain, laging una ayaw magpahuli. Kung alam lang nya.. mukha syang PG sa ginagawa nya hahaha.
Kumain na lang ako ng tahimik, minadali ko kasi baka ma late na naman ako. Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush ako, sunod ay nag liptint ulit kasi nabura kanina at pagkatapos ay humingi na ng baon kay tatay at saka nagpaalam sa mga to.
Andito ako sa antayan ng tricycle. Wala pa rin akong masakyan kanina pa ako dito. Puro puno lahat, nakakabadtrip.
Ilang minuto pa ba ang aantayin ko para makasakay ako? 6:50 na at 7:20 ang klase. Baka malate na naman ako nito, patay na naman ako kay miss.
Ilang minuto pang pag-aantay ko ay nakasakay na rin ako. Yes! Yes! Sana abot ako sa klase. Tiningnan ko ang aking relos at nakita ko na saktong 7 na. Aishhh, wala na bang ibibilis to?!
Lalo pa akong nabadtrip nung biglang tumigil yung driver. Hayysstt. Bakit kasi tumigil pa? Aissh---
Napatigil ako sa pagsasalita sa isip nung makita ko kung sino ang sasakay.
WOW!! is this really happening? Si Dustin ba tong nasa harap ko? What a lucky day, hahaha.
Pero si Dustin, sumakay lang ng di man lang ako nginingitian. Badtrip! Bat ba ayaw sakin nito? Dahil ba sa ugali ko? Aishhh, naaapakan yung pride ko eh.
Hanggang sa makarating at makapag bayad kami di talaga ako pinansin. Naglakad sya ng mabilis. As in SOBRANG BILIS.. Akala mo naman gusto ko kaya syang sabayan hahaha.
Badtrip ka Dustin! Wag ka sanang magustuhan ni Angel. Pero pag sinagot nya si Dustin, kawawa naman to. Kasi isipin nyo pa lang ang magiging name ng loveteam nila. Dustin + Angel= DusA. Oh diba kawawa sya. Kung ayaw nya sakin edi magDusA sya kay Angel.
"Miss Cedeno" sabi nito sabay kulbit sakin.
Nagitla ako.
"Miss!" Nagugulat na sabi ko dito.
"Pasensya kung nagulat kita" parang naiilang na sabi ni miss.
"Ayos lang po yon, miss" nakangiting sabi ko.
"Pakidala mo nga itong manila paper ang dami ko na kasing dala" nakikisuyong sabi nito.
"Ah sige po, miss" magalang na sabi ko.
"Salamat" nakangiting sabi ni miss.
Nginitian ko na lang sya, dahil di ako sanay makipag usap sa mga teachers.
Pinagmasdan ko ang ipinadala saking manila paper. 1-5 math problems ang activity namin. Pinagmasdan ko yung mga tanong. Madali lang sya. As in sobrang dali.
Nang makarating kami sa room ay nagsi tahimikan na yung mga kaklase ko. Inilapag ko yung manila paper sa table at saka umupo. Pero bago ako umupo ay tiningnan ko pa si Dustin. Di sya nakatingin sakin at parang tanga sya.. kasi sa blackboard sya nakatingin. Sa sobrang inis ko ay naiiwas ko ang tingin ko. Pero sa sobrang malas ko, kay Christian pala ako napatingin.
Nakatingin na pala sya sakin. Seryoso yung tingin nya, kaya tinaasan ko sya ng kanang kilay. Pero si garapata, ayun! Ngingisi ngisi habang Umiling sakin.
Para saan yon? Epal talaga to sa buhay ko kahit kailan.
Di ko na sya tiningnan at naupo na sa upuan ko. Nagsimula na si miss magturo. Madali lang yung tinuturo nya, mabilis ko din itong na gets, kaya di na ako nakinig.
Btw, yung arrangement ng upuan namin binago, kaya di ko katabi sina nercy.
Kinulbit ko na lang yung katabi ko sa sobrang bored.
"Bakit?" tanong sakin ni Kurt.
"Naintindihan mo naman diba?" tanong ko dito.
"Oo kanina ko pa naintindihan" mahinang sabi nito.
"Good"
"Bakit mangongopya ka sakin mamaya no?" nakangising tanong nito.
"Aba'y hindi, good kasi may kadaldalan na ako" may halong inis na sabi ko.
"Ah, kala ko eh mangongopya ka.. Oh anong pagkukwentuhan natin?" tanong nito sakin.
"Gusto talaga ni Dustin si Angel?" curious na tanong ko.
"Bat mo naman naitanong?" nagtatakang tanong nito.
Patay! Di nga pala nito alam na crush ko si Dustin.. Mahuhuli ako nito pag di ako umayos eh.
"Wala naman, napapansin ko lang" nakangiting sabi ko para di halata.
"Ah! Oo may gusto nga si Dustin kay angel" sabi nito.
Aww! Medyo masakit sa heart ko yon.
"Maganda naman kasi yon" pilit ang ngiting sabi ko.
"Mas maganda ka nga don, mas matalino din, at mas mabait ka don" nakangiting sabi nito.
Awitt! Na touch yung heart ko, hahaha.
"Thanks kung compliment yon" natatawang sabi ko.
"Ang ganda ng ngiti mo" nahihiyang sabi nito.
"Ay, crush mo ko Kurt?" pang-aasar na tanong ko dito.
"Aba'y hindi.. Ideal type ko lang yung mga kagaya mo" nakangiti ng sabi nito.
"Ahh"
"At tsaka marami ng nagkakagusto sayo, ayaw ko ng dumagdag"
"Sakin? Madaming nagkakagusto? Asa!" kunwaring namamanghang sabi ko.
"Madami ngang nagkakagusto sayo" natatawang sabi nito.
"Sino naman yon, aber?" kunwari di ako interesado pero gusto kong malaman kung sino.
"Secret, hahaha!" tawa nya ng malakas.
Kaya napatingin samin ang buong tao sa room.
"Anong nakakatawa sa discussion ko, Mr. Sandoval?" mataray na tanong ni miss.
"Wala po miss" magalang na sabi ni Kurt.
"Nakikipag tawanan ka ba kay Miss Cedeno?" tanong ulit ni miss.
Teka, bat nasama ako? Sabagay kasama naman talaga ako.
"Hindi po miss, may naalala lang po kasi ako" nakayuko ng sabi ni kurt.
"Tigilan mo muna yang iniisip mo at makinig ka sakin, pwede?" mataray na tanong ni miss dito.
"Opo miss, sorry po ulet" sabi ni kurt at umupo na ulet.
Nagsimula na ulit si miss sa pagdi discuss. At nakinig na rin ulet yung mga kaklase ko.
"Pasalamat ka di kita sinumbong" nakangiting sabi ni kurt sakin.
"Bat ako magpapa salamat eh, wala naman akong sinabi na wag mo kong isumbong" nakangising sabi ko.
"Ang pilosopo mo" natatawang sabi nya at nakinig na lang ulit kay miss.
Kakabadtrip wala na akong magawa. Si miss nagdi discuss pa rin at nababagot na ako. Sumulyap pa ako saglit kay dustin pero nakita kong nakatingin sa akin ito. Kaso bigla syang umiwas.
Totoo ba yon? Tiningnan talaga ako ni dustin? Wahhhhh!!! Kilig ako.
Ayy hindi ako pwedeng kiligin ng ganon, di naman ako inlove. Pero para san yung tingin ni dustin? Mahirap umasa kaya di ako aasa. Malay ko ba kung kay kurt pala sya nakatingin? Aisshhh ayoko talaga umasa.
"Okay class, answer this on one whole sheet of pad paper" sabi ni miss habang dinidikit yung manila paper sa board.
"Mam, 1/4 po?" tanong ni lyka.
Tanga ba sya? One whole na nga, gusto pang gawing 1/4. Ewan ko ba kung tanga sya o sadyang bida bida eh.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?" Mataray na tanong ni miss.
"Narinig po" magalang na sabi ni lyka.
"Narinig mo naman pala, bat nagtatanong ka pa?" mataray ulit na sabi ni miss.
"Sorry po miss" sabi nito at tsaka naglabas ng 1 whole sheet.
Meron naman pala sya, bat gusto nya 1/4? Para matagal maubos papel nya? Aishh pake ko ba sa buhay ng iba? Magsasagot na lang ako.
Mabilis akong naglabas ng papel at nagsimulang magsagot. Mabilis akong natapos. Inaantay ko na lang na matapos si kurt para isabay tong akin.
"Bat ayaw mo pang ipasa?" mahinang tanong sakin ni kurt.
"Ipapasabay ko sayo, tinatamad akong tumayo" nakangiti kong sabi.
Umiling na lang sya at bumalik na ulit sa pagsasagot.
Mga ilang minuto ay may nagpasa na kay miss. At maya maya nga ay natapos na din si kurt at ipinasabay ko na sa kanya yung akin. Umub ob na lang ako kasi inaantok ako.
Ewan ko ba kung bakit lagi akong inaantok. Di ko alam kung puyat ba to o hobby eh.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din lahat ng di pa tapos.
"I'll see you tomorrow, goodbye" nakangiting sabi ni miss.
"Goodbye and thank you, miss amie" magalang na sabi naming lahat.
Kinuha ko na yung bag ko at lumipat na ng upuan para sa english subject.
"Grabe siene! Eto na ata ang pinakamadaling topic ng math ngayon" nakangiting sabi ni nercy sakin.
Lagi naman madali ang mga math topics ah? Anong pinagsasabi nito na ngayon ang ang pinakamadali?
"Madali kaya ang mga topic sa math" nakangiti ko na ring sabi.
"Palibhasa matalino ka eh" nakangusong sabi nito sakin.
Hinampas ko ang braso nya.
"Matalino ka din kaya" may pagka inis na sabi ko.
"Oo na, eh bat naiinis ka dyan?" tanong nito.
Dahil ayoko sa lahat yung dina down yung sarili, kahit di naman sila ganon.
"Wala lang" mahinang sabi ko.
"Ahh, kala ko naman kung ano hahaha" natatawang sabi nito.
Hindi ko na sya pinansin at saka umub ob sa desk. 'Gusto ko na namang matulog'.
Pero dahil nga sa sobrang malas ko, may kumulbit sakin.
"Epal ka sa tulog ko kung sino ka man" naiinis na sabi ko at saka tumunghay.
Sabi na nga ba, epal talaga eh.
"Sa gwapo kong to.. Epal? Asa!" nakangising sabi nya.
"Hindi ka naman gwapo" pagpa pakatotoo kong sabi.
"Anong hindi gwapo? Lahat nga ata ng classmate natin, crush ako" may pagka inis pero nakangisi pa ring sabi nya.
Ayos din ang mukha neto noh? Ang sarap isampal sa pader eh.
"Alam mo.. Garapata ka sa paningin ko"naiinis na sabi ko.
"Ah talaga?" nakangisi pa rin nyang tanong.
"Oo" pekeng ngiti na sabi ko.
Pero nagulat ako dahil bigla nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko.
"Bat di naman yon ang nakikita ko sa mga mata mo? Ang nakikita ko eh, parang ayaw mo ng mawala yung mukha ko sa mata mo" nakangising sabi ulet nito at tsaka bumalik na sa upuan nya.
Ano ba yung ginawa nya? Tanga ba sya? Nag-iisip ba sya?
"Miss Cedeno, gusto mo bang tumayo hanggang matapos ang klase ko?" malumanay na tanong sa akin ni miss joy.
"Sorry po miss" magalang na sabi ko at saka umupo na.
Narinig ko pa ang iba kong kaklase na tumatawa ng mahina. Ano ba yan siene nakakahiya ka.
Mabilis tumakbo ang oras at ganon din ang discussion, kaya mabilis din natapos ang klase at nag recess kami.
Ganon din sa sumunod na klase, naging mabilis lahat, ang saya mag-aaral pag ganto. Pero ng matapos ang klase namin ng MAPEH nawalan na ako ng gana.
Dahil ang susunod naming subject ay TLE. About ba naman lahat sa computer, eh ayoko ng computer.
"Hoy siene, tara na" yaya sakin nina nercy.
Di ko na sila sinagot at saka sumabay na sa kanilang maglakad.
Here it comes, andito na kami ngayon sa tapat ng COM LAB!
Pumasok ako ng bagot na bagot at saka umupo sa tabi nina sheena. Wala akong gana makinig. Ayaw ko talaga ng pag e edit, sobra lang ang pasakit sa kamay.
"Since, this is our 2nd week, gusto kong magkaroon kayo ng permanent na seat" nakangiting sabi ni sir.
Hindi pa ba to permanent? Ano tingin nya dito? Wala lang?
"Sir? Diba permanent na to?" tanong ni rain.
"Permanent sya, pero ang gusto ko.. Umupo kayo ng hindi katabi ang mga kaibigan nyo" paliwanag ni sir.
"Pero sir?"
"Sir naman"
"Ang daya"
Kantsawan ng mg kaklase ko.
Kahit ako di payag sa gusto ni sir. Kung hindi ako ma motivate ng sobra nina nercy, ano pa kaya yong iba kong magiging katabi? Aissshhh.
"Wala ng mga side comment, kumuha na kayo ng 1/4 at hatiin pa to sa gitna.. Pagkatapos nyong mahati ilagay nyo ang pangalan nyo at itupe at tsaka ilagay dito sa box na hawak ko" mahabang sabi ni sir.
Aishhh, wala na kaming nagawa at kumuha na lang ng 1/4.. At tsaka ginawa yung pinapagawa ni sir. Nang matapos sina nercy ay ipinasabay ko na yung akin. Wish ko lang na sana, masipag at di buraot ang makakatabi ko.. Kasi pag di sya ganon, aba'y congrats sabay kaming babagsak.
"Since nandito na lahat ng name, magbunutan na tayo" nakangiti at excited na sabi ni sir.
"Mr. Masinas, Ms. Bautista, Ms. Gutierez, Mr. Romualdo, Ms. Marquina, Ms. Landicho, Ms. Galvez, and Ms. Diaz.. You are the row one, umupo kayo by name na tinawag ko" sabi ni sir.
Wawa naman si sheena row one hahaha.
"For the row two.. Ms. Cedeno.." Teka ako yon diba? Bat ako row two? Ang malas ko naman. "Mr. Santos, Ms. Javier, Mr. Ambita, Mr. Barrera, Mr. Estrada, Ms. Galang, and Mr. Oris" sabi ni sir.
FOR REAL? Row two ako? At katabi ko si christian. Ano ba naman yan, kaka wish ko pa lang na ayaw kong katabi yung di masipag tas eto mangyayari? Grabe.
"Hi siene" ngiting-ngiting sabi ni christian.
Arggh, ngayon masasabi ko na talagang ayaw ko ng tle. Ayokong katabi to.. Bwi bwisiten lang ako nito ng grabe.
"Bat ayaw mong magsalita?" nakangiti pa ring tanong nya.
Hindi ba obvious na ayaw ko syang kausap? Boplaks din to minsan eh.
Hindi ko sya sinagot.
"Hoy siene, siene, siene" paulit-ulit na banggit nito sa pangalan ko.
Nakakairita sya sobra pa sa sobra..
"Bakit ba?" inis na tanong ko.
"Magkatabi tayo oh" nakangiti nyang sabi.
"Oh, eh, anong gusto mong gawin ko?" sarcastic na tanong ko.
"Wala naman.." nakangiti nya pa ring sabi.
Sana matampal hangin sya para forever ng maging ganyan mukha nya.
"Ang galing ng fate natin noh? Lagi tayong pinaglalapit" namamanghang sabi nya.
"Anong fate pinagsasabi mo dyan? Hindi to fate.. Ang tawag dito karma ko" inis na sabi ko.
"Ang swerte mo naman sa karma mo.. Ang gwapo ko kaya, matalino, mabango, matangkad.. Pano mo nasabing karma ako?" may halong inis na tanong nya.
"Para kasi sakin, wala kang plano sa buhay kaya.. Karma ka" inis na sabi ko.
"Masama ka.. Pero ayos lang, pababaitin kita" nakangisi nyang sabi at saka tumingin kay sir.
ANO NA NAMAN YON? Ang hilig nyang mag-iwan ng mga kataga na talaga namang iisipin ko ng sobra. Nakakainis.