05🌻

2008 Words
"So, today friday, wala tayong klase" sabi ni miss amie. Totoo? Bakit kaya? "Miss, bakit po?" tanong ng president namin. "Mag-aayos tayo ng room kasi sa monday foundation week natin, so technically wala tayong klase ng isang linggo next week" pagpapaliwanag ni miss. Yes!!! Foundation week na! Bat ba nakalimutan ko na foundation week namin next week? Aisshh, masyado kasi akong nabwiset kay christian nung monday pa. "So i'm hoping na maglinis tayo ngayon, and maglalagay tayo ng decoration sa room" sabi ni miss. "Pero miss, wala po kaming nadalang pang decorate" sabi ng president namin. "No worries may dala naman ako" nakangiting sabi ni miss at saka inilabas yung mga dala nyang pang decorate. Wow, ang daming dinala ni miss na pang decorate.. "Miss, magde decorate na po ba?" tanong naman ni lyka. "Yes, simulan na natin" nakangiti pa ring sabi ni miss. Hindi na kami nagsalita pa at nagsimula ng maglinis at magdecore. Grabe, yung stress ko ng dalawang week may rest pala ng one week. Magiging masaya naman siguro yung foundation week ko.. "Hoy siene" pag tawag sakin ni nercy habang nagpupunas kami ng bintana. "Ow?" tanong ko dito pero yung mata ko nasa kamay ko na nagpupunas ng bintana. "Excited ka na sa foundation week?" nakangiting tanong nito sakin. "Oo" "Ako din, sobra pagka excited ko.. Baka di ako makatulog ng maayos sa weekend kakaisip sa foundation week" excited pang sabi nito. Tungek talaga to kahit kailan. "Hindi ka excited.. You're O.A." medyo mataray na sabi ko. "Grabe naman to sa O.A. masaya naman kasi talaga yung foundation kasi naka civillian tayo" masayang sabi nito. Ayy, oo nga pala naka civillian kami.. Pero hindi ko alam ang isusuot ko.. Taon taon naman kaming naggaganto pero lagi akong naka jeans, ano kaya yung maiba naman ngayon? Aisshhh, ewan ko. "Nga pala, anong susuutin mo?" interesadong tanong nito sakin. "Hindi ko pa alam" mahinang sagot ko. "Dapat alam mo na.. Sa monday na yon eh" may halong inis yung pagkakasabi nya. "Eh hindi ko pa nga alam" medyo naiirita na ring tono ko. "Lagi kang nakapantalon.. Bakit kaya hindi ka mag short o mag palda" suggestion nito sakin. "Titingnan ko pa" "Sige, para maakit mo si dustin" nakangising sabi nito. "Gago ka ba? Kadiri naman pinagsasabi mo eh" inis na sabi ko. "Psh, arte.. Btw, anong plano mo kay dustin sa foundation?" biglang pag-iiba nito ng tanong. Ano nga kayang pwedeng iplano? Ayytt bat ko ba pinagpaplanuhan yon eh, crush naman non si angel. Sure akong nagpaplano na rin yon ng gagawin nya kay angel. Magsama sila, mga hangal. "Wala" maikling sagot ko. "Bakit?" curious na tanong nito. "Wala nga lang" "Baka naman kasi iba na ang gusto mo" pang-aasar nito sakin. "Ano?" may halong inis na pagtatanong ko. "Baka ang crush mo na, eh si christi--" "Hindi! Hinding-hindi ako magkakagusto sa garapatang yon" inis na singhal ko dito. "Chill brad, masyadong nahahalata" pang-aasar nito sakin. "Hindi ako natutuwa nercy" seryosong sabi ko. "Joke lang, alam mo namang love kita eh.. I love you" sabi nito at nag finger heart pa sakin. Kadiri. "I love you mo yang mukha mo" "Matagal ko ng mahal ang mukha kong maganda siene hahaha" sabi nito sabay tawa. Hanep sa self confidence eh. "Kapal ng mukha mo eh" "Alam ko.. Lahat naman kasi ng tao makapal ang mukha" nakangising sabi nito. Masaya na sya nan? "Masaya ka na nan?" tanong ko dito. "Kakainis ka naman, eh ngayon nga lang kita binabara" nagmamaktol na sabi nito. "Wala akong planong makipag daldalan sayo.. Tara dun naman tayo sa kabila" sabi ko dito. "Asan nga pala si sheena?" tanong ko dito habang nagkukuskos ng basahan sa isa ng bintana. "Nasa G.O." "Anong ginagawa don?" "May ipinapagawa si sir guevarra eh" "Ano naman?" "Nagpapatulong atang magpa check ng mga papel ng g8" "Ah" yun na lang ang naisagot ko at naglinis na lang ng bintana. "Dun muna ako sa kabilang bintana ah, dyan ka na" paalam nito at iniwan ako. No choice, nagpunas na lang ako ng bintana. Sa loob kami ng room nagpupunas ng bintana, so, nakaharap kami sa corridor. Nakita ko sina dustin, nagkukuskos ng pader sa corridor kaya natawa ako. Para kasi syang inosenteng bata na naglalaro lang sa kalye, ang sarap pagmasdan eh. "Bulaga!" panggugulat sa akin ng taong garapata pero di naman ako nagulat. "Hindi ka man lang nagulat?" takang tanong nito sakin. "Hindi" tipid kong sabi. "Bakit?" tanong nito. "Anong bakit?" balik kong tanong. "Bakit hindi ka nagulat?" tanong ulit nito. "May nakakagulat ba?" pagbabalik ko ulit ng tanong. "Wala ba?" tanong nya ulit. Ano ba to? Bat nauwi kami sa tanungan? "Wala" simpleng sagot ko. "Sabagay.. Pano ka nga ba naman magugulat sa akin, eh nakatingin ka kay dustin" biglaang sabi nito. Kumunot noo ko kaya napatingin ako sa kanya. Teka, nakita nya yon? "Hindi ako nakatingin" pagtanggi ko. "Sige.. Kahit kita ko, haha" sabi nito ng may kasamang pekeng tawa. Epal talaga to. "Eh ano naman kung nakatingin ako?" pagtatanong ko. "Ibig sabihin lang non, crush mo sya" seryosong sabi nya. Halata na ba ako? Ano ba yan siene!! Ang tanga ko talaga. "Hindi ko crush yon" pagtanggi ko. "Wag ako, siene" sabi nito sakin. "Hindi ko nga kasi crush yon" pagtanggi ko ulet. "Halata kasi sayo" mahinang sabi nito. "Hindi si dustin yung crush ko" pag-iiba ko ng usapan. "Sino kung ganon? Ako?" nakangisi na nitong tanong. "Lalong di ikaw, garapata ka eh" "Bakit ba tinatawag mo kong garapata? Siguro yan yung endearment mo sa akin no?" pang-aasar nya sakin. "Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo" inis na sabi ko. "Asus, tanggi pa" pang-aasar pa rin nito sakin. "Tandaan mo tong sasabihin ko sayo.. Hinding-hindi kita magugustuhan kahit kailan" seryosong sabi ko. "Talaga? Sige panghahawakan ko yang sinabi mo.." Nakangiti nyang sabi "pero pag dumating yung araw na nagustuhan mo ko.. Sabihin mo sakin" seryosong sabi nya at saka tumalikod sakin at pumunta kay na dustin na nagpupunas ng pader. ANO NA NAMAN YON? nakakairita ang mga sinasabi nya, hindi nakakatuwa.. Anong sinabi nya? Na kapag nagkagusto ako sa kanya sabihin ko sa kanya? Asa syang magkagusto ako sa kanya.. Pero pano pag nangyari nga yon? Lahat kasi ng nararamdaman nagbabago. Aisshh, ayoko, ayoko, ayoko. "Hoy siene, tama na sa kakalinis malinis na sya" natatawang sabi ni nercy. Inis kong tiningnan si nercy. Di kasi ako nakikipag biruan tapos ganyan sya. "Chill.. Bat ganyan yang mukha mo?" natatawang tanong nito. "Di ako natutuwa nercy kaya wag kang tumawa tawa dyan" seryosong sabi ko at natigilan naman sya. "Ma-y n-agawa ba ako sayo?" kabadong tanong nya. Luka talaga to, hindi naman sa kanya eh. "Hindi ikaw" simpleng sagot ko. "Eh sino?" tanong nya. "Next time ko na sasabihin sayo" "Ayy nagdamot ka na.. Pero sige tsaka mo na ikwento pag pwede na" nakangiti nitong sabi. Nginitian ko din sya dahil sobra ang pag-intindi nya sa ugali kong di naman kaintindi intindi. "Tara sa labas, pahangin tayo" yaya nito sakin. Naglilinis pa kaya kami.. Pwede namang sa recess na lang. "Pwede ba yon?" tanong ko. "Hindi, pero gagawa ako ng paraan hahaha" sabi nito sabay tawa. Hindi na ako nakapag salita ng hilahin nya ako papunta kay miss. "Why, Ms. Agoncillo?" tanong ni miss kay nercy. "Ahm miss, pwede po bang mag cr?" tanong ni nercy. "Go ahead, basta bumalik kayo" sabi ni miss. "Yes po miss, salamat po" magalang na sabi ni nercy. Nginitian lang sya ni miss bilang sagot. Hindi na rin nagsalita si nercy at hinila ako palabas ng room. Ang ingay ng paligd dahil madaming estudyante ang naglilinis at naghahanda para sa foundation week namin. "Ang ingay ng mga estudyante" sabi sakin ni nercy. Wow! Nahiya talaga ako dito eh. "Ikaw rin" mabilis na sabi ko at naglakad ng mabilis papunta sa bench. "Hoy siene! Intayin mo nga ako" sigaw nito sakin. Hahaha, maghahabol na naman tuloy sya. "Isisigaw ko ng malakas na crush mo si ano!" Sigaw ulit sakin nito kaya napaharap ako sa kanya. Wag nyang sabihin na isisigaw nya na crush ko si dustin? Aisshh, hindi pwede.. Ayoko. Bwiset talaga to. "Crush ni siene.. Si.. Chri--" tinakpan ko na kaagad ang bibig nya bago nya pa masabi yung kagaguhang sasabihin nya. Kala ko naman si dustin sasabihin nya, pero lintek mukhang pangalan ni christian yung maririnig ko kung di ko natakpan yon. Buti na lang di ako ganoong kalayo sa kanya. Kahit kailan pahamak tong luka na to eh. "Upo na siene, wag mong hintayin na yung bench ang umupo sayo" nakangisi nitong sabi. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig yon. Hindi nakakatuwa kung joke man yon, Nakakainis. "Nercy, kung di ka titigil sa kakadaldal, ako mismo ang tatanggal nyang bibig mo" inis na sabi ko dito at saka humiga sa bench. Napangiti ako ng makita ko ang ulap at ang ganda ng liwanag ng araw. Ang sarap pa ng hangin.. Nakaka relax. "Ayon, pagkatapos magalit, ngingiti ka dyan, saltek ka rin eh no?" prangkang tanong sakin nito. "Nercy! pag di ka talaga tumigil, umalis ka na sa harap ko bago ko gawing araw yang ulo mo" malumanay pero may inis na sabi ko. "Ay, natakot naman ako don" sarcastic na sabi nya. Kahit kailan.. Nakakainis to, pano ko ba to naging kaibigan, nakakapagtaka. "Nercy, kailangan ko talagang magpahinga ng utak" "Ay taray magpapahinga ng utak, ano bang ginawa ng utak mong iyan?" "Marami akong iniisip, kaya please ayoko ngayong makipag asaran sayo" "Sige na nga mag-isip ka na dyan, behave lang ako dito" sabi nya at saka nag sign pa na kunwari nyang izinipper yung bibig. Hindi ko na sya sinagot at saka tumingin ulit sa ulap at liwanag ng araw. Sa two weeks na nagdaan ang daming nagbago sa buhay ko, lalong lalo na sa sarili ko. Isa na dito ang pagbabago ng closeness namin ni dustin. Kung dati rati partner in crime kami.. Ngayon parang stranger na kami. Isa pa sa nagbago ay yung kilos ni christian. Alam kong close kami dati pero simula nung nag g9 kami maraming nagbago. Pero ng maging classmate ulit kami, ang weird na nung mga kilos nya. Hindi ko maintindihan yung nangyayari sakin ngayon, parang hindi ako ang kumo control ng sarili ko. Para akong sumasabay lang sa mga nangyayari at wala ng pake sa kung ano man ang kalalabasan. Ang gulo. Ang gulo gulo ng tadhana ko ngayon. Bakit kaya? Anong plano sakin ng tadhana? Natatakot ako na baka isang araw masaktan ako ng sobra pa sa inaasahan ko. Yung tipong hindi ko alam kung pano ko haharapin. Natatakot akong baka isang araw pag gising ko, mawala na lang sakin lahat ng tao at bagay na mga nakasanayan ko. "Hoy siene! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin nito. "Ha?" "Kung ayos ka lang kako, natulo luha mo eh" nag-aalala pa ring tanong nya. Shit! Tumulo luha ko? Bakit? Grabe na ba yung naiisip ko kaya nakaramdam ako ng ganon? "Ayos lang ako" malumanay kong sabi habang pinupunasan ng panyo ang aking mukha. "Kung may problema ka, nandito lang ako makikinig sayo" nag-aalala pa ring sabi nya. "Ayos lang talaga ako" "Aishh, ayaw mong magkwento sakin ah, next time dapat ikukwento mo na!" may halong inis na singhal nya sakin. "Oo na" "Alam mo namang ayaw kong naiyak ka ng ikaw lang.. Dapat kapag umiiyak ka ako din" seryosong sabi nito. Ang O.A naman nito hahaha. "Eh pano pag sinabi kong magpapakamatay ako?" nanghahamong tanong ko sa kanya. "Edi magpapakamatay din ako, ikaw nga lang yung tinuturing kong bestfriend tapos mawawala ka pa, hindi ako papayag" sinserong sabi nya. Tumingin lang ako sa kanya. Sobra ang pagiging sincere nya sakin.. Ang swerte ko talaga sa kanya. Pero kung ako din ang tatanungin.. Si nercy lang din yung tinuturing kong bestfriend bukod kay anna. Marami akong kaibigan pero sila lang yung para sakin eh mas totoo sa akin. Di nila ako iniiwan through ups and downs, pati na rin sa kalungkutan at kasiyahan. Bukod sa pamilya at mga pinsan ko.. Isa sila para masabi kong 'I am contented and thankful'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD