“AND we’re done!” malakas na sigaw ng photographer. Nagpalakpakan ang buong staff at inabot kay Lia ang isang bungkos ng assorted flowers. Iyon ang huling schedule niya bago simulan ang maternity leave. She’s now on her seventeen weeks of pregnancy. Unti-unti nang lumolobo ang tiyan niya, lahat ng mga naka-pending niyang photoshoot ng mga lingeries at sleepware ng Silhouette ay natapos na niya, maging ang photoshoot para sa ibang brand ng make-ups, clothing, at perfumes na kanyang ineendorso. “Thank you! I’ll see you guys next year,” sabi pa niya. Niyakap siya ng mga staff ng Silhouette na noon pa man ay naging malapit na niyang mga kaibigan. Pagdating sa dressing room ay may inabot sa kanya si Sofie na maliit na itim na box at may ribbon iyon sa ibab

