NAROON pa rin ang galit sa puso ni Lia nang makita si Imee. Hindi pa siya nakikita nito dahil naabutan niya na tulog ito at nakatagilid ng higa, paharap sa pader. Muling bumalik sa isipan niya ang gabi iyon. Malinaw pa rin sa kanyang isipan. Abala at masaya siyang nakikipag-usap, tinutukso pa si Lia ng Ate niya at hipag dahil hindi siya makainom dahil nga sa kanyang kondisyon. Nagtatawanan pa sila noon nang masipat ng kanyang mata si Imee. Humalo ito sa maraming tao, pero ang mata ay nakapako sa asawa niya. Nagpaalam siya sa mga kasama at sinabing pupunta ng CR, pero ang totoo ay nilapitan niya si Imee. Naalala niya na hinablot niya ito sa braso na siyang kinagulat ng babae. Nanlaki ang mata nito nang makita siya. Si Lia ang humili kay Imee papunta sa Fire Exit. Doon ay kinompronta niy

