A WEEK has quickly passed by. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat ni Lia, nakakatayo na rin siyang mag-isa, nagkakalakad, at nakakababa ng hagdan, pero naroon pa rin ang dobleng pag-iingat. Gumagaling man ang kanyang mga sugat, ngunit ang sakit na dulot ng pagkawala na naman ng kanilang anak ay tila malayo pa rin sa kagalingan. Or maybe, a mother who lost her children will forever grieve. Ngunit ang pagkakaiba ng pinagdaraanan niya ngayon kumpara noong mawala si Avery. She already has Michael beside her. Sa loob ng isang linggo na iyon, hindi siya iniwan ng asawa. He stayed and never left even once. Muli itong nag-work from home. Lahat nang mga meetings na nauna nang naka-schedule ay pinakansela nito sa Sekretarya. He only attends meetings or conference onli

