Chapter 50

1865 Words

KUNG si Michael ang masusunod, gusto niyang pumasok sa loob ng kulungan na iyon at sakalin hanggang sa mawalan na ng buhay ang babaeng kaharap niya. O kaya naman ay gawin din niya dito ang ginawa nito kay Lia nang sa ganoon ay maramdaman nito kung anong pinagdaraanan nilang mag-asawa. Pero pinagpasa-Diyos na lang niya ang lahat. Wala siyang balak na dungisan ang kamay dahil lang sa babaeng ito. Bago siya pumunta sa presinto ay nakausap niyang muli si Musika. Ayon dito ay tinatanggi ni Imee na ito ang sumaksak kay Lia. Ngunit nang tanungin kung may kasama ito at kung sino iyon ay hindi ito makasagot. Pero nakakuha sa bahay ng babae ang damit na suot nito nang gabing nangyari ang krimen, may bahid iyon ng dugo maging ang manibela ng kotse nito na nag-match sa dugo ni Lia. Tumayo si Imee

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD