Chapter 49

1241 Words

     NAKAUWI na ang karamihan sa mga pamilya nilang sumugod doon sa ospital matapos malaman ang nangyari kay Lia. Madaling araw na nang makatanggap siya ng tawag mula kay Musika. Ayon sa mga ito ay nahuli na daw si Imee. Dala ang search warrant, naghalughog sa bahay nito ang mga pulis, maging ang kotse na palagi nitong gamit. Gusto sana niyang pumunta agad sa prisinto para personal na tanungin ang babae kung bakit nito nagawa iyon. Pero sa ngayon, mas importante ang asawa niya.          Lumipas ang mga oras, hindi namalayan ni Michael na nakatulog siya habang nakatungo sa gilid ng kama ni Lia. Nagising na lang siya nang maalimpungatan dahil sa pagpasok ng doctor at nurse.          “Kumusta na siya, doc?” tanong niya matapos nito suriin si Lia.          “Mas stable na siya ngayon, any

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD