HINDI binibitiwan ni Michael ang kamay ni Lia habang wala pa rin itong malay na nakahiga sa kama. Panay ang haplos niya sa mukha nitong may pasa at sugat. It’s been more than four hours since the incident happen. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot niya sa dibdib. Makakahinga lang siya ng maluwag kapag tuluyan na itong nagising. Nang tanggalin ng doctor ang stethoscope sa tenga ay saka siya tumingala at tumingin dito. “Doc, kumusta na po ang asawa ko?” nag-aalala pa rin tanong niya. “You don’t have to worry now, she’s out of danger. Medyo marami ang dugong nawala sa kanya, pero mabuti na lang at naagapan n’yo at nadala siya agad dito sa ospital. Kung hindi, maging siya ay malalagay sa peligro. Nagkaroon siya ng dalawang stab wounds

