ISANG malakas na sampal ang binigay ni Lia kay Benj. She’s raging in so much anger. Wala siyang planong makita ito sa kabila ng pakiusap nito sa mga pulis na tawagan siya at papuntahin doon. Pero kanina, matapos nilang mag-usap ni Michael sa phone, dumating doon si Musika dala ang resulta ng pag-iimbestiga nito kay Imee at Benj. Tama ang hinala niya. Kagagawan ng dalawa ang balita noon sa kanya tungkol sa umano’y relasyon nila ni Benj para sadyang paghiwalayin sila ni Michael. Maging ang pagkokompirma noon ni Benj sa relasyon daw nila ay parte ng plano para magalit sa kanya si Michael at tuluyan silang maghiwalay. Lahat ng iyon ay mula mismo sa reporter na naglabas ng balita noon tungkol sa kanila ni Benj. Tinanong pa daw ni Musika bakit nito siniwalat ang buong katotohanan gayong kaibig

