MALUNGKOT na ngumiti si Lia nang pumasok sa silid ang asawa. Kasalukuyan siyang nagbabasa at nakaupo sa kama ng mga sandaling iyon. Kakauwi lang nito galing sa opisina. It’s already ten in the evening. Dahil sa gulong nangyari kaninang umaga, nagkaroon ng mahabang meeting si Michael kasama ang mga tauhan nito at pinag-usapan ang mangyayaring pag-pull out ng lahat ng shares at investments ni Michael sa kompanya ni Imee. Kasama na rin sa pinag-usapan ng mga ito ay ang tuluyan pagputol ng koneksiyon ng buong Lopez Group of Companies sa mga negosyo ng babae. Dahil doon ay na-delayed ang mga trabaho nito kaya kinailangan mag-overtime para matapos at makahabol sa deadline. Bago ang nasabing meeting ay nakipag-usap sila sa mga abogado nila at tinalakay nila ang mga kasong maaari nilang isampa k

