bc

HIS REAL IDENTITY

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
HE
fated
powerful
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
serious
bold
small town
poor to rich
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Nakatitig ako ngayun sa lalaking dalawang araw ng walang malay, tila itong isang anghel mayroong maputing balat na tila hindi nasisinagan ng araw, may itim at medyo kahabaang buhok na nagtatakip sa noo nito, may mahabang pilik mata, matangos na ilong at may kulay rosas na labi. Sumimangot ako dahil napakaperpekto ng mukha at may matipunong katawan ang lalaki. Kung hindi lamang sa laki ng katawan nito ay iisip kung ito'y lampa dahil sa ito ay maputi at tila hindi man lang nasisinagan ng araw.Nakaramdam ako ng inggit para sa aking sarili kung ito ay may makinis na mukha ang akin naman ay hindi gaano, hindi din gaanong matangos ang aking ilong at ang aking kulay ay kayumanggi dahil araw-araw na nasisinagan ng araw.Mukha siyang anghel na nahulog sa langit, mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha para matitigan ito ng maigi dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at tila naakit ako sa mga mata nito na kulay asul °°°°°"This is my first time na nakakain nito""T-talaga ba? ma-masarap diba""Yeah masarap lalo na't labi mo ang unang gumamit nitong kutsara"°°°°°"I really really like you""G-gusto mo ako?" "Yeah and I badly want you""I want to court you" "P-paano kung ayaw k-ko?""Hindi ako tumatanggap ng hindi""Simula ngayon manliligaw muna ako and I will make sure that you'll be mine"

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
JAZMEN's POV Nakatitig ako ngayun sa lalaking dalawang araw ng walang malay, tila itong isang anghel mayroong maputing balat na tila hindi nasisinagan ng araw, may itim at medyo kahabaang buhok na nagtatakip sa noo nito, may mahabang pilik mata, matangos na ilong at may kulay rosas na labi. Sumimangot ako dahil napakaperpekto ng mukha at may matipunong katawan ang lalaki. Kung hindi lamang sa laki ng katawan nito ay iisip kung ito'y lampa dahil sa ito ay maputi at tila hindi man lang nasisinagan ng araw. Nakaramdam ako ng inggit para sa aking sarili kung ito ay may makinis na mukha ang akin naman ay hindi gaano, hindi din gaanong matangos ang aking ilong at ang aking kulay ay kayumanggi dahil araw-araw na nasisinagan ng araw. Mukha siyang anghel na nahulog sa langit, mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha para matitigan ito ng maigi dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito at tila naakit ako sa mga mata nito na kulay asul "Who are you?" Ani nito Agad akong napabalikwas at natauhan "Where I am?" "I-itay!" agad namang pumasok ang aking nakababatang kapatid sa sigaw ko "Tay! Tay gising napo ang estranghero" ani ng kapatid kung si Justin Pumasok naman si itay na may dalang mga dahong gamot na pinakuluan, pa simple naman akong tumingin sa lalaking nakakunot na ngayon ang noo at iniinda ang kaniyang sugat sa tagiliran. Hindi lamang sa tagiliran ang kaniyang sugat mayroon din sa kanang bahagi ng kanyang ulo at may mga galos din siya sa ibang parte ng katawan. "Ayos ka lang ba iho? May masakit ba sayo?" marahang ani ni itay "Ito inumin mo para kahit papaano ay gumaling kana" Inabot ni itay ang gamot ngunit tinitigan lamang ito ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa ipapainom ni itay sa kaniya, kahit nag-aalangan kinuha padin niya iyon. "Anong pangalan mo kuyang estranghero?" kuryusong tanong ng aking kapatid "Pangalan ko?" kumunot ito lalo at tila iniisip ng mabuti kung sino siya "I-i don't know" "Ano daw ate?" "Hindi mo ba matandaan ang pangalan mo iho?" "No" bulong nito "Nako tay mukhang hindi pa ata marunong magtagalog ang lalaking ito, dudugo pa ata ang ilong ko kaka ingles nito eh" ani ko na hindi naman nito pinansin "Pasensya kana iho, kung hindi ka namin dinala sa hospital, malayo kasi ito at mahal din" "Hayaan mo bukas o sa ikalawa puwede tayong bumaba sa bayan para ipatingin ka sa doctor" "Sa ngayon magpahinga ka muna at nga pala anong itatawag namin sayo?" "Tay alam ko na po! Tawagin nalang po natin siyang anghel! Tutal naman po ay mukha siyang anghel" ngumiwi ako sa mungkahi ni Justin "H*ck anghel" bulong nito, mura ba yun?mukhang hindi niya gusto ang tawagin siyang anghel, sabagay kahit ako ay hindi sang-ayon kung iyun ang itatawag sa kanya mukha siyang masungit kaya mas bagay kung tatawagin siyang sungit "Justin kung ano anong pinag-aano mo riyan mabuti pa manguha ka nalang ng panggatong" "Itay naman eh! Ah alam ko na Cupid nalang ang itawag natin sa kanya!" "Ayos po ba kuya Cupid? Ako nga pala si Justin ang pinakapoging anak ni itay!" "Pinakapogi? Kilabutan ka nga" suway ko "Ito naman si ate Jazmen! Ang kuntrabida sa buhay ko" agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran "Tama na yan, Jazmen magluto kana at ikaw naman Justin tulungan mo ang ate mo" "Magpahinga kana muna Cupid" "It's so hot, don't you have a electricfan" "Tsk! Pwede ba tigil-tigilan mo yang kakaingles mo, dudugo na ilong ko sayo eh" hindi ko na napigilan ang aking sarili "Jazmen" mahinahon na suway ni itay "Pasensya kana iho marunong ka bang mag tagalog?" "Oo, sorry" "Ayos lang kung gusto mong magpahangin pwede kang lumabas at mahangin sa labas" "Salamat" maikling ani ni Cupid kuno Lumabas kami ni itay sa kwarto kung saan si Cupid, dumiretso ako sa kusina upang magluto ng panghapunan "Itay sigurado po ba kayo na dito muna iyun tutuloy?" tanong ko "Oo, bakit hindi? Mukha namang mabait iyon eh" "Pero itay, paano kung masamang tao pala iyon-" "Jazmen masamang manghusga ng tao" bumuntong hininga ako, tama naman si itay ngunit hindi ko lamang maintindihan ang aking sarili Pagkatapos ng tagpung iyon ay akin ng inihanda ang lulutuin kung ginataang talong. Pagkatapos kung magluto naghain na ako "Justin yayain mo na munang pumarito si Cupid at kakain na" "Opo tay" Pagkalipas ng ilang minuto bumalik si Justin at sa likod naman niya naka sunod ang lalaki, napansin ko ang katangkaran nito, hindi ko naiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng puting t-shirt na bakat na bakat sa kanyang katawan dahil ipinahirap lamang iyon ni itay kaya maliit iyon sa kanya, napunta ang aking mga mata sa braso niyang malalaki napakurap-kurap ako ng mapansin ko ang aking sarili na titig na titig rito, napalunok na lamang ako Maliit lamang ang aming hapag kainan nasa dulo si tatay, nasa kaliwa naman ako nito at nasa tabi ko si Justin nasa kanang bahagi naman umupo ang lalaki at kaharap ko ito. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya na sakto ring paglingon niya sa banda ko, agad naman akong napaiwas ng tingin "Kain na" nagsimula ng kumain sila itay "What's this?" tukoy ng lalaki sa niluto ko, agad namang kumunot ang aking mga noo dahil naririndi na sa kakaingles niya "Magtagalog ka wala kaming translator dito" "Atsaka nasa probinsiya ka wala ka sa america" inis na ani ko "HAHAHA ang sungit ni ate" tawa ng kapatid ko ganoon din si itay "Okay, ano to?" "Yun oh, marunong naman pala magtagalog eh" nanunuya kung sagot "Gulay ano pa nga ba?mukha bang karne to? Oh baka hindi kapa nakakakita ng gulay sa pinanggalingan mo?" ani ko pa "Hindi kapa po ba kuya Cupid nakakain nito?" "Hindi" "Tikman mo masarap yan, masarap ba naman magluto itong si Jazmen" saad ni itay "Kung ayaw mo huwag kang kumain" saad ko habang nakatingin sa pagkain ko, naramdaman ko naman ang pagtingin niya sa banda ko, nagsimula na siyang kumuha ng ulam "Ano masarap ba kuya?" "Yeah, masarap" "Masungit lang talaga si ate pero masarap naman siyang magluto" "Alam mo kuya ngayon lang yan si ate nagsungit, hindi naman yan masungit sa iba" "Talaga?" "Oo! sayo lang ata siya nagsungit eh" sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa mga pinagsasabi nito sa lalaki "Kain kapa iho magpakabusog ka" "Salamat ho" "Maari mo pala akong tawaging tay Juan" ngumiti naman ang lalaki at tumango "Pagpasensyahan mo na pala itong bahay namin maliit lang" "Ayos lang tay Juan" kitang-kita ko naman ang tuwa ni itay dahil sa lalaki "At nga pala kung maliligo ka nandoon sa likod ang gripo, mayroon din doong maliit na banyo" "Opo" "Wala naman bang masakit sayo?" "Wala naman tay Juan" "Ayos lang ba sayo na sa sunod na araw ka nalang muna magpatingin sa doctor?" "Ayos lang ho" napairap nalang ako sa kawalan dahil sa pag-aalala ni itay sa lalaki gayung wala pang isang linggo ito dito Kinabukasan maagang umalis si itay para pumasok sa pinapasukan niyang trabaho "Sino iyon?" tukoy ng kaibigan kung si Bea kay Cupid "Halaa! Ang gwapoooh" saad naman ng isa ko pang kaibigan na si Celine "Hah iyon ba yung lalaking nakita ni Tay Juan na sugatan at walang malay?!" "Oo" mula dito sa aming taniman ng gulay ay kitang-kita si Cupid kasama ang aking kapatid "Angg gwapoo para akong nakakita ng anghel!" "Ang iingay nyo, sige isigaw nyo pa" "Ang gwapoo!!!" agad namang nanlaki ang aking mga mata sa sigaw ni Celine, binato ko ito ng aking tsinelas natawa naman si Bea "Ang ingay umuwi na ngalang kayo" tumayo ako at naglakad palayo, tinatawag naman ako ng dalawa na agad namang sumunod na sa likod ko "Ipapakilala mo pa nga kami" "Ipakilala mo kami jazzz" pangungulit ni Celine ngunit nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa "Ang kisig ng katawan nang iinit ako" hirit nanaman nito na ikinairap at iling ko "Hoyy Celine baka nakakalimutan mong may Eli ka!" saway naman ni Bea "Biro lang! di naman mabiro eh!" "Wait! tika-tika mukhang papunta ditooo" bulong nanaman nito na parang kilig na kilig "Bea ayos ba tong suot ko?" "Anlandi mo, tignan mo tong si jazz unaffected ang peg" napangisi nalamang ako dahil sa dalawa "Hello ate Bea ate Celine" bati naman ng kapatid ko "Sino iyang kasama mo Justin ipakilala mo nga kami ito kasing ate mo mukhang walang balak ipakilala kami" Tumingin ako sa lalaking kasama ni Justin at agad ding napaiwas ng magtama ang aming mga mata "Si kuya Cupid po pala!" "Hi Cupid, Celine nga pala!" maligalig na pagpapakilala nito at naglahad ng kamay, nakipag kamay naman ang lalaki "Bea din nga pala" ngumiti din ito at nakipagkamay "Ang ganda ng pangalan mo bagay na bagay sayo Cupid" puri ni Celine "Thanks, si Justin ang nakaisip nun" "Paanong si Justin ang nakaisip nun?hindi mo ba maalala kung sino ka?" kuryusong tanong ni Bea "Yeah" "Ang galing mong makaisip ng pangalan Justin bagay na bagay sa kanya" tuwang-tuwang ani ni Celine at nag-apir pa ang dalawa "Ako pa ate!" pagyayabang naman nito Nang kinahapunan umuwi narin ang dalawa, umuwi naman si itay ng mag aalas 7 na at ibinalita na maaari ng makapagpatingin sa doctor si Cupid dahil may sapat na kita na siya pangpahospital nito "Maraming salamat tay Juan, I don't know how to pay you" "Nako ayos lang iho, kailangan mong magpagaling" "Jazmen bukas samahan mo itong si Cupid" "Opo tay" "Gusto ko ding sumama!" "Hindi pwede hindi ba't may pasok ka bukas Justin" Kinaumagahan maaga akong gumising para maghanda ng pagkain dahil papasok si Justin ganuon din si itay sa kanyang trabaho "Good morning" nagulat ako sa pagdating ni Cupid "M-magandang u-maga" kinurot ko ang aking sarili dahil sa aking pagkautal "Ang..ang aga mong nagising" "Yeah" naramdaman ko ang kanyang titig sa aking likod, nilingon ko siya, nakasandal na siya sa kawayan naming dingding "Ikaw palaging nagluluto?" "Hindi ba halata" hindi ko napigilang sagot "Hmm" nilingon ko ulit siya at sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi na agad din namang nawala "Ang sarap mong magluto" puri nito "S-salamat" Dumating na si itay na bagong gising lang ganuon din si Justin "Good morning" bati ni Cupid sa dalawa "Oh ang aga mong nagising" ani ni itay Pagkatapos kumain nagpaalam na si itay at Justin, sabay silang umalis, at nag-iwan din ng mga paalala si itay naghanap din siya ng mas maayos na damit na pwedeng gamitin ni Cupid Naghahanap na ako ng damit na maaari kung suotin, ng makahanap lumabas na ako para pumunta sa banyo nakita ko din si Cupid na mukhang maliligo, huminto ako lumingon naman si Cupid sa akin "Ikaw na munang maligo" ani niya "Hindi ikaw na" "Ikaw na dito nalang ako sa gripo" tumango ako bilang pagsuko, naglakad ako palapit sa kaniya dahil nasa likod niya ang banyo, isang metro ang layo ko sa kanya ng maamoy ko ang mabangong pabango niya 'pabango niya?wala naman kaming pabango, pero bakit ang bango niya?nababaliw na ata ako' Nauuna akong maglakad sa likod ko naman naka sunod si Cupid at ramdam na ramdam ko ang kanyang titig sa aking likod "Malayo pa ba ang lalakarin natin?" tanong nito "Bakit pagod ka na ba agad mag lakad?" balik kung tanong "Hindi naman" "Nasa baba pa ang sakayan ng tricycle" ani ko 5 minuto ang lumipas ng makarating na kami sa sakayan ng tricycle "Jazmen!" sigaw ni manong Esko na madalas kung sakyan sa tuwing tutungo sa bayan "Magandang araw po manong Esko" bati ko "Magandang araw din" agad naman itong napalingon sa kasama ko "Ohh sino itong kasama mo? boyfriend mo ba?" "Nako hindi po! si Cupid" "Magandang umaga po" saad ni Cupid "Magandang umaga din iho, taga san ka?" usisa nito "Ah mang Esko magpapahatid po kami sa bayan" ani ko, dahil mukhang balak pa nitong makipag kwentuhan "Ah oh sige sige pasensya na HAHAHA" Pumasok na ako sa loob ng tricycle nagulat ako ng pumasok din si Cupid, umusog ako upang makaupo siya ng maayos, pasimple namang lumingon si Mang Esko at ngumisi. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ng magkadikit ang aming braso, damang-dama ko ang init ng kaniyang braso, napalunok na lamang ako ng laway dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam Nagtanong si Mang Esko kay Cupid ng kung ano ngunit wala doon ang atensyon ko, napansin ko nalang na nagkakatuwaan na ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan Pasimple akong lumingon kay Cupid mula dito ay kitang-kita ko ang magandang pagkakahulma ng panga nito, ang kanyang matangos at mahabang pilik mata Sa tagal kung titig ay siya namang paglingon niya, isang pulgada ang layo ng aming mga mukha damang dama ko din ang hininga nito na tumatama sa ilong ko "Nandito na tayo" napakurap-kurap ako ng marinig ko iyon, agad naman akong kumuha ng perang pambayad kay Mang Esko ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay medyo nanginginig ang kamay ko kaya nahulog ang barya agad ko din naman iyong pinulot ngunit pinulot pala iyon ni Cupid kaya ang kamay ko ay nakahawak sa kamay nito, nanlaki ang mga mata ko at agad na binawi ang kamay ko "Nakoo para lang akong nanonood ng teleserye dito ah" biglang saad ni mang Esko, naramdaman ko naman ang pag-init ng aking mukha sa sinabi nito "Sige mauna nako ingat kayo" "Salamat Mang Esko" paalam ni Cupid, hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa kahihiyan na natamo Nang makaalis na ang tricycle ni mang Esko agad naman na akong naglakad naramdaman ko din ang presensya niya sa gilid ko, nilingon ko siya at bigla akong nanliit sa aking sarili dahil sa tangkad niyang taglay, hanggang balikat lamang ako nito matangkad naman ako ngunit dahil sa tangkad niya nagmumukha akong duwende sa aking paningin Iniikot ko ang aking paningin at napansin ang maraming mga kababaihang nakatingin sa katabi ko, ang ilan ay nagbubulungan habang kinikilig ang ilan naman ay nakaawang na ang labi kakatitig tila nakakita ng ginto, hindi ko na lamang iyon pinansin "Andami sayong nakatingin" bulong ng katabi ko, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, pansin din pala niya "Ano?" wala sa sariling tanong ko "Wala sabi ko bingi ka" "Narinig ko" tumaas ang kilay nito sa sinabi ko "Agaw pansin ka kasi kaya madaming nakatingin" ani ko pa "Ako ba yung agaw pansin?sayo nakatingin iyong mga lalaki" sinundan ko naman ng tingin kung saan siya nakatingin, agad ko namang natanaw ang ilang mga kalalakihan na nagtutulakan habang nakatanaw sa banda namin "Mas madami sayong nakatingin na kababaihan akala mo nakakita ng ginto" narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito na subrang ganda sa aking pandinig "But in my eyes your the must beautiful" mahinang bulong nito na hindi ko gaanong narinig dahil sa pagtawag ni d***o sa pangalan ko "Jazz!!" tumakbo ito palapit kaya huminto ako sa paglalakad "d***o" ngumiti ako "Magandang araw" sabi nito sabay kamot sa kaniyang batok "Kumpleto na ang araw ko nakita na kita" biro pa nito at namumula pa ang tinga "Bolero" napansin naman niya ang presensya ng katabi ko "Sino sya?" "Cupid" bago pa man ako makapagsalita nagsalita na si Cupid "Ikaw sino ka?" balik na tanong naman ni Cupid "d***o kababata ni Jaz at manliligaw din" para akong nabilaukan ng sarili kung laway sa narinig, tinignan ko silang dalawa at kita ko ang pagsusukatan nila ng tingin "A-ahh d-d***o mauna na kami may pupuntahan pa kasi kami" nauutal kung ani dahil sa nararamdamang tensyon "May pupuntahan kayo?" sa wakas nakuha ko narin ang kanyang atensyon "Yeahh paulit-ulit" pilosopong sabat ni Cupid, nilingon ko ito at sinamaan ng tingin tanda na manahimik "Saan kayo pupunta?kaano-ano mo siya?" tanong ni d***o "Sa malapit na clinic lang" ani ko "Bakit?may masakit sayo?" "Wala wala" "d***o!" sigaw ng amo ni d***o, dahil ito ay nay tratrabaho "Ah po!" kumamot nanaman ito sa kanyang batok na parang nahihiya "Ah pala Jazmen para sayo" sabay bigay niya ng isang plastic, inabot ko naman iyon at tinignan ang laman "Bibingka" masayang bigkas ko "Oumm alam ko kasing paborito mo iyan" "Maraming salamat Dil" "d***o!!" ulit pa ng tumatawag dito "Ah sige Jaz mauna nako" ngumiti ito saka tumakbo palayo "Hindi kayo bagay" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cupid "Anong sabi mo?hindi kami bagay?" "Mukha pang bata yung Dilfo na yun" para akong matatawa sa pagbanggit niya sa pangalan ni Dil "d***o iyon hindi Dilfo" pagtatama ko "At anong mukhang bata?magkaidad lamang kami nun at anong ibig mong sabihin? na mukha akong matanda ganun ba??" "No I mean" inirapan ko ito at nauna ng naglakad Nang kalaunan nakarating nadin kami sa clinic, pumasok ako at nasa likod ko naman nakasunod ang kasama ko pansin ko ang pagkatigil ng ilang mga nurse sa kanilang ginagawa dahil napapatingin sa kasama ko Sakto naman at nandoon si Doc Hance, agad naman itong lumapit ng nakangiti "Jazmen napadalaw ka" ani nito "Magandang araw po doc Hance" "Magandang araw din huwag ka ng mag po para namang subrang tanda ko na" natatawa nitong saad "Magpapatingin kaba?" saad pa nito "Hindi ako yung kasama ko" napatingin naman siya Kay Cupid na mukhang ngayon lang niya napansin na may kasama pala ako "Cupid tama ba?" nagtataka naman ako kung bakit alam nito ang pangalan ni Cupid "Sinabi na sakin ni Tay Juan" sagot niya sa tanong ko na mukhang nabasa niya "I'm Doctor Hance Waston" pagpapakilala nito at naglahad ng kamay "Halika sumunod kayo" yaya nito, pumasok kami sa isang silid, pinaupo niya si Cupid at ako naman ay umupo sa hindi kalayuan at nakamasid "Hindi mo ba talaga natatandaan kung sino ka?" tinig kung tanong nito kay Cupid "No" Maya-maya ay may pumasok na isang magandang nurse na may dalang mga gamit panlinis ng sugat, sinundan ko ito ng tingin kitang-kita ko ang malalagkit na titig niya kay Cupid "Hi" bati nito sa malambing na tono, tinanguan naman ito ni Doc Hance tinignan ko naman si Cupid na ngayon ay nakatingin sa banda ko 'anong tinitingin-tingin nito?' ani ko sa aking isip "I will check your wound I-i mean we" ani ng nurse at namula pa ang pisngi Tumingin nanaman sa banda ko si Cupid na tila humihingi ng permiso napatango naman ako, napatingin ako sa kawalan at napakunot ang noo kung bakit tila ganito, hindi ko maipaliwanag kaya embes na mag-isip ng kung ano ipinagsawalang bahala ko nalamang ito Tinignan ni Doc Hance ang sugat ni Cupid sa ulo at pinag-aaralan iyon, pagkatapos hinubad ni Cupid ang kanyang pangitaas at tumambad ang kanyang makisig na katawan, para akong nasisilaw sa magandang tanawin Ang nurse naman ay laglag panga na habang nakatingin dito, sabagay hindi ko ito masisi dahil kahit din naman ako ay tila naaakit, napakurap-kurap ako ng mamalayan ko ang aking sarili kinurot ko ang aking palad para magising sa aking pagnanasa 'aray! jusko' bulong ko sa aking sarili Sinusuri na ni Doc Hance ang sugat sa tagiliran ni Cupid pati narin ang mga galos nito, ang nurse naman ay lumapit din at inasikaso din ito Nanatili ako sa aking upuan hanggang matapos ang kanilang ginagawa, nagbigay din nang ilang reseta si Doc Hance na kakailanganin ni Cupid Pagkatapos noon lumabas na kami sa silid "Ah Cupid can I talk to you" biglang saad ni Doc, tumingin naman ito sa akin "In private" tugtong pa nito, kita ko ang pagtataka sa mukha ni Cupid dahil sa akto nito ganuon din ako, bakit anong meron? "Jazmen kakausapin ko lang sandali" tumango ako dahil wala namang problema iyon sa akin Naunang maglakad si Doc Hance sumunod naman si Cupid tumungo sila sa dulong parte ng clinic at lumiko Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang dahilan kung bakit gustong makausap ni Doc si Cupid sa pribadong lugar, inalala ko ang panyayari kanina at agad na nanlaki ang mata ko ng maalala na iba din ang titig ni Doc kay Cupid hindi ko lamang iyon pinansin 'hindi kaya may aaminin ito kay Cupid?at nahihiya siyang malaman ko kaya niya niyaya sa pribadong lugar??' sabi ko sa aking isipan 'may pagtingin si Doc kay Cupid??' 'pero imposible iyon hindi naman bakla si Doc o baka nabakla siya ng makita si Cupid?' "Jazmen?hey what are you thinking?" nagising ako sa aking pag-iisip ng mamalayan kung nasa harap ko na pala si Cupid at kinakausap ako, agad ko namang nilingon si Doc sa likod ni Cupid at ito ay nakatingin kay Cupid "Jazmen" ulit ni Cupid sa pangalan ko, wait teka lang bakit ang ganda ng pagbanggit niya sa pangalan ko? ansarap sa pandinig "Jazmen are you okay?" tanong na ni Doc "Ahh! sorry, oo naman bakit hindi" wala sa sariling sagot ko "Ang lalim ata ng iniisip mo" ani nito "Nako pasensya na" kinagat ko ang aking labi dahil sa kahihiyan "Let's go, gutom nako" ani naman ni Cupid "Maraming salamat Doc mauna na po kami" paalam ko "I told you huwag ka ng mag po" "Ayyy pasensya p- ulit" "Sasusunod hindi ko na tatanggapin sorry mo" nakangising biro nito, pareho naman kaming natawa Nang makapagpaalam sabay na kaming naglakad ni Cupid paalis "You seem so close with that guy" ani ni Cupid, napabuntong hininga nalang ako dahil kahit ata sabihin kung magtagalog siya ay hindi talaga mawawala ang kakaingles niya "Kakilala ko na kasi yun noon pa" "Lahat ata kababata mo" "Hindi naman" "Gutom kana diba?kain muna tayo" ani ko ng maalala na gutom na siya, tumungo kami sa isang karinderya "Anong gusto mo?" tanong ko kay Cupid, agad ko namang naintindihan na hindi siya pamilyar sa pagkain dito dahil sa mukha niyang nagtatanong "Ako nalang ang oorder ng sayo, maupo kana dun" turo ko sa lamesa "I go with you" parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi nito "H-huwag n-na" ani ko at mabilis na naglakad palayo "Sino iyong kasama mo Jazmen?" agad namang usisa ni Aling Hayin na nagmamay ari ng karinderya "Ah si Cupid po" "Ngayon ko lang yan nakita ah, boyfriend mo? mukhang may lahi at mayaman" nakaramdam naman ako ng ilang sa mga sinasabi nito "Oorder po ako....hindi makikipag kwentuhan" sabi ko at binulong ang huling salita "Oh anong order mo?" "Dalawang tapsilog at apat na barbecue po" "Sige teka lang maupo kana dun at ako ng maghahatid" nagtaka naman ako kung bakit siya nag presinta na siya na ang maghahatid ng pagkaing inorder ko gayung kapag kumakain naman kami dito ay kami ang nagbibitbit sa aming order, ngunit embes na magtanong sinunod ko nalamang ito Paglingon ko sa banda ni Cupid may isa ng babaeng nakatayo sa harap nito, marami ding mata ang nakatingin kay Cupid, sumimangot ako dahil kahit saan ata ay agaw atensyon ang lalaki kahit ata may asawa na, at matanda ay naaakit dito dahil mukhang ganuon ang nanyari kay Aling Hayin Lumakad na ako kung nasaan nakaupo si Cupid napansin naman ng babae ang paglapit ko kaya agad itong nagpaalam, matamis itong ngumiti kay Cupid bago lumakad palayo Umupo ako sa bakanteng upuan na kaharap naman ni Cupid, nagtama ang aming mga mata sa pagkakataong iyon hindi ako nag-iwas ng tingin, bumaba ang mga mata niya sa aking labi "Ito na ang tapsilog ninyo" biglang pagdating ni Aling Hayin dala ang inorder kung pagkain "S-salamat po" ani ko, malawak naman itong ngumiti at tinignan si Cupid "Bago ka lang ba dito iho?" "Hmm yeah" "Manliligaw kaba ni Jazmen?" magsasalita sana ako ng agad nanaman itong nagsalita "Nako at napaka swerte naman nitong ni Jazmen" "Aling Hayin kaibigan ko lang po si Cupid" "Cupid pala pangalan mo iho, napakagandang pangalan" pumikit ako ng mariin dahil mukhang wala pa itong balak umalis "May asawa kana ba?ilang taon kana?" sunod-sunod nitong pang-uusisa "I'm single but interested with someone" ani nito, kumunot ang noo ko ng mapaisip paano niya nasabing single siya kung hindi niya maalala kung sino siya? "Aling Hayin tatlong tapsilog nga po!" sigaw ng bagong dating "Huwag kang sumigaw hindi ako bingi!!" balik na sigaw nito "Kain na kayo masarap yan!" ani nito sa amin bago umalis "Paano mo nasabing single ka kung hindi mo naman maalala kung anong buhay mo" hindi ko napigilang sabihin "Malay mo may asawa't anak kana pala" dugtong ko pa "Hmm? I'm sure wala akong asawa't anak" kumunot nanaman ang noo ko "You should eat lalamig na yung pagkain" ani pa nito, hindi ko siya pinakinggan at nanatiling nakatingin sa kanya "This is tapsilog right?how about this one?" tukoy niya sa pagkaing inorder ko "Barbecue" sagot ko, tumango ito at tinikman ang pagkain, bumaba ang aking tingin sa kanyang labing kulay rosas napaka elegante nitong tignan habang ngumunguya, napalunok ako ng dalawang beses "Stop staring I'm not the food so eat" biglang saad nito, napaubo naman ako sa sinabi nito "A-an-g k-kapal mo!" sumilay naman ang maliit na ngiti sa labi nito nakaramdam ako ng pagkainis dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa pagkautal ko Kaya embes na pansinin pa ito ay kumain na lamang ako at hindi na siya tinapunan pa ng tingin Pagkatapos naming kumain dinaanan namin ang butika para bumili ng mga inireseta ni Doc Hance bago umuwi. Naglalakad na kami pauwi ng matanaw ko si d***o sa tapat ng aming bahay "Jaz!" nakangiting salubong nito napatingin siya sa likod ko at kumunot ang noo "Bakit kasama mo pa siya?" "Ahh kasi mmm" hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko sa hindi ko malamang dahilan kita ko rin ang pagtataka kay d***o "I'm staying here" mas lalong nagtaka si d***o sa sinabi ni Cupid "Ano?!" reaction nito ng maunawaan ng mabuti ang sinabi ni Cupid "Bakit? wala ka bang bahay?!" "Tsk don't ask me we are not even close" supladong sagot ni Cupid at pumasok na sa maliit naming bahay "Kainis yun ah Jaz kaano-ano nyo ba yun?" bumuntong hininga ako at inaya siya sa aming bakuran umupo ako sa upuang kahoy ganuon din ang ginawa nito, kwenento ko dito ang pangyayari dahil mukhang hindi niya ako titigilan kakatanong "Ano??!" "Pumayag si Tay Juan na dito iyon tumira?" "Oo, pansamantala" ani ko "Paano kung masamang tao iyon?" "Hindi naman siguro, mukha naman siyang mabait kaya walang problema" linyahan ko "Kahit na-" "Anong oras na hindi kapa ba aalis" pareho kaming nagulat sa nagsalita, lumingon ako at nakitang nakatayo si Cupid hindi kalayuan "Alauna palang naman" inis na ani ni d***o, "Still-" agad namang naputol ang sasabihin pa sana ni Cupid ng biglang sumulpot si Celine at Bea "Magandang araw Jaz and Cupid!!" masayang bati ng dalawa "Oh andito ka din pala d***o!" ani ni Celine "Tamang-tama aayain sana namin si Jazmen gumala sumama na kayong dalawang lalaki" ani naman ni Bea "Bakit naman biglaan yang yaya nyo?" tanong ko "Para saan pa ang pag paplano hindi rin naman nanyayari! mas mabuti na yung biglaan!" excited na pahayag ni Celine "Hindi kami pwedeng umalis hindi alam ni itay paniguradong hahanapin kami nun" tumawa naman ang dalawa at nag apir "Don't worry nagpaalam nako kay Tay Juan kanina! tuwang-tuwa pa nga eh!" ani nanaman ni Celine "Totoo ba yan?" "Bilisan nyo na handa na yung sasakyan!" sabay irap ni Celine "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko "Magbihis kana may binili kaming damit for you" ani ni Bea at hinila ako papasok sa loob ng aming bahay "Cupid, d***o pumunta na kayo sa labas nandon na yung sasakyan dun nyo nalang kami hintayin" ani naman ni Celine, at sumunod sa loob "Suotin mo to bilis!" inabot sa akin ni Bea ang isang paper bag na mukhang bagong bili lang kanina, inabot ko iyon at tinignan, naglalaman ito ng magandang bestida na kulay lila na hindi lalagpas tuhod, at mayroon pang bikini "Ano ito?! hindi ako nito nagsusuot" inilahad ko ito pabalik "Anong! suotin mo na dali na!" pamimilit ni Celine "Ayaw ko!" "Jazmen Agres!" sabay na ani ng dalawa, napairap ko dahil alam kung hindi ako nito titigilan "Woww!!" "Sabi na nga ba at bagay sayo yan!" tuwang-tuwang ani ng dalawa "Tara na!" sabay kaladkad sa akin ng mga ito Pagkalabas namin sa bahay natanaw ko ang sasakyan na pagmamay-ari ni Eli ang boyfriend ni Celine, nag-uusap ang tatlo ng mapalingon ito sa paglabas namin agad akong sinalubong ng malawak na ngiti ni Dil, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa ganuon din si Cupid, agad na nagtama ang mga mata naming dalawa ni Cupid para akong matutunaw sa titig nito, dahan-dahang kumabog ang aking dibdib ng malakas "Ehem!" kunwaring pag-ubo ni Eli at Bea "Baka matunaw kayo nyan kakatitigan" mapang-asar na ani ni Celine, naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa kahihiyan nanamang natamo 'isang malaking kahihiyan ang makita nilang tila naka glue ang mata ko kay Cupid!!!!!!!' sigaw ng aking isipan Agad na lamang akong pumasok sa sasakyan at hindi na pinansin ang mga mapang-asar na titig ng mga kaibigan, sumakay na din naman ang mga ito si Eli ang driver nasa tabi naman nito si Celine, nasa backseat naman kaming apat si Bea ang nasa kaliwang bintana ng sasakyan si Dil naman ang nasa kanang bintana at nasa gitna kaming dalawa ni Cupid "It's suit on you" ani ng katabi kung si Cupid, tumango at ngumiti na lamang ako dahil sa nararamdamang pagkabog sa aking dibdib Maingay ang naging byahe namin lalong-lalo na at napaka energetic ni Celine Pagkaraan ng 30 minutes nakarating nadin kami sa isang water falls, maraming malalaking bato sa gilid at ito ay may magandang view, wala ring gaanong tao, nagrenta kami ng cottage at inilatag ang mga pagkaing dala tulad ng pizza, fries, coke, tubig at iba pa na mukhang binili ni Eli at Celine. "Kain muna tayo bago maligo! gutom nako eh" ani ni Bea, kumuha ako ng isang slice na pizza "Tubig Jaz" "You want coke?" sabay na ani ng dalawang lalaki, nakalahad ang tubig na hawak ni d***o at nakalahad din ang coke na hawak ni Cupid sa aking harapan, tinignan ko ito ng ilang segundo at hindi alam kung ano ang tatanggapin. "Amin na kami na iinom uhaw na.." TO BE CONTINUED... _________ ~Thank you so much for reading my story!! I hope you'll support me and continue reading the next chapter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook