Chapter 7

1842 Words
Napa atras ako nang humakbang siya papalapit. I bit my lower lip when he grabbed me by the waist and sniff my neck. My god.. Wala yatang pinipiling lugar ang lalaking to! Nasa elevator kami for pete's sake! Bahagya ko siyang itinulak dahil may cctv dito sa loob ng elevator! "Ethan.. may cctv dito." bulong ko sa kaniya. Napangisi siya at marahang hinaplos ang pisngi ko. His touch sent shivers to my spine. Halos manginig ang tuhod ko sa antisipasyon! "Good. May audience tayo kung ganun." nakangisi niyang bulong. "Gago ka." bulong ko pabalik sa kaniya, pero hindi ko mapigilan ang pag ngiti. I looked at his eyes, then his lips, back to his eyes and I saw how he swallowed repeatedly by that. He was about to reach for my lips nang biglang huminto at tumunog ang elevator kaya awtomatiko kaming naghiwalay. May mag asawang matanda ang pumasok at nanlaki ang mga mata ko nang makilala sila. "Oh, Clara! Ikaw pala iyan, hija. Muntik na kitang di makilala." nakangiting pahayag ni lola Lydia. Kasama niya ang asawang si Mang Roberto. "Ah, magandang gabi ho, lola." nahihiya kong bati sa kaniya. Alam kong nakita nilang dalawa ang huling posisyon namin ni Ethan kanina. "Bert, naaalala mo pa ba si Clara?" tanong pa ni lola Lydia sa asawa niya. "Oo naman, makakalimutan ko ba ang batang iyan eh binasted niya ang apo natin." natatawang pahayag ni Mang Roberto kaya napangiwi ako. Medyo magkalapit lang ang apartment namin kaya palaging bumibisita ang apo nila dati sa kanila. Sumubok na manligaw si James sa akin pero kasi hindi ko iyon type kaya binasted ko agad. "Ka gwapong lalaki naman nito, ikaw ba ang boypren ni Clara, hijo?" Mabilis akong napatingin kay Ethan nang tinanong siya ni lola Lydia. Pasimple ko siyang inilingan pero ang gago ay ngumisi pa! "Ahh opo. Salamat, lola at na appreciate niyo ang kapogian ko." ngiting ngiting pahayag ni Ethan na ikinausok ng ilong ko. Huminto ang elevator sa floor namin at hinatid muna namin silang mag asawa sa harap mismo ng apartment nila. "Salamat sa inyong dalawa ah. Ang babait niyong bata." pahayag ni Mang Roberto na ikinatango namin pareho. Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ng apartment nila ay malakas kong hinampas sa braso si Ethan. "Ouch! What's that for?" nakangiwi niyang reklamo sabay hawak sa braso niya. "Bwesit ka! Nag sinungaling ka pa talaga sa dalawang matanda!" asik ko at naglakad na sa hallway pabalik sa apartment ko. Mabilis naman siyang humabol. "Eh baka anong isipin nila sayo kung sasabihin kong hindi. Nakita nila tayong muntik maghalikan, Clara." paliwanag niya. May point naman siya. Pero inirapan ko pa din siya. Huminto ako sa harap ng sarili kong apartment at mabilis na kinuha ang susi ko sa bag. Pagkabukas ko ng pinto ay nilingon ko siya at tumaas ang kilay ko nang makitang nakanguso ang gwapo— este gago! Ang cute niya. "Anong ginagawa mo dito? That's your apartment, Ethan." Sambit ko sabay turo sa pintuan sa kabilang hallway na nasa harap lang ng apartment ko. "Can I crash in?" bigla niyang sambit kaya masama ko siyang tiningnan. Alam ko na ang plano nito. Gusto lang maka score. "No." tipid kong sagot at pumasok na sa loob ng apartment ko. "Uh, nagugutom kasi ako.. and wala akong kahit isang grocery na pwedeng lutuin or kainin. I was busy whole day and I forgot to buy groceries..." Napapakamot sa batok niyang pahayag. Naningkit ang mga mata ko at tinitigan siya. He looks like a child. Mukhang nagsasabi din naman siya ng totoo. "Promise, I won't do anything na hindi mo gusto." dagdag niya pa at may sasabihin pa sana nang biglang tumunog ang tiyan niya. "Hear that? Gutom na talaga ako." wika niya kaya napabuntong hininga na lang ako at wala nang nagawa kung hindi papasukin siya. This is my thank you na lang din sa pagtulong niya sa akin dun sa bar. Tsaka may sugat din sa gilid ng labi niya dahil sa suntok ni Marcus kanina. Iginiya ko siya papasok sa apartment ko at pinaupo muna sa couch. I looked at the wall clock and noticed that it's already eleven pm. Napabuntong hininga ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng ice pack at first aid kit. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang kaming nakamasid sa isa't isa. "Hawakan mo." utos ko sa kaniya habang nakadampi sa kaniyang pisngi ang ice pack. Agad niya naman iyong sinunod kaya sinimulan ko agad na linisin ang sugat niya sa gilid ng kaniyang labi. "Hindi ba masakit?" kunot noo kong tanong. Nag halikan kami kanina ng bongga ah. "Kinda— ouch! Mahapdi, baby." bigla niyang sambit na ikinatigil ko. Did he just.. Give me an endearment??? Baby? Nababaliw na ba siya? Ramdam ko ang pag bilis ng t***k ng puso ko kaya agad kong kinalma ang sarili. "Mukhang hindi ka naman nasaktan kanina ah, todo halik ka pa nga eh tapos ngayon aaray aray ka diyan!" walang preno kong asik. Sumilay ang ngiti sa labi niya. "That's another story.. naka focus kasi ako sa halik that time." nakangiti niyang pahayag. Inirapan ko siya at tinapik ang kaniyang pisngi. "Ayos na yan. Keep the ice pack like that para hindi magkapasa ang mukha mo bukas. Maiwan na muna kita dito at magluluto ako ng pwede mong kainin. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan mo." mahaba kong pahayag sa kaniya habang nililigpit ang mga ginamit ko. Pagkarating ko sa kusina ay agad akong nagtungo sa ref at napabuntong hininga ng makitang halos wala na din iyong laman. Shit. Kailangan ko na ding bumilu ng groceries bukas. "Pwede tayong magsabay mamili ng groceries bukas.." Mabilis aking napalingon nang marinig ang boses niya sa likod ko. Ibinalik ko ang tingin sa loob ng ref at kinuha ang natitirang spam doon at hotdogs. Iyon lang ang pwede kong lutuin ngayon dahil wala ng ibang laman ang ref ko. "Pag iisipan ko."masungit kong pahayag. "Oh come on, Clara. Sasama ako." pursigido niyang sambit na ikinairap ko na lang. Kahit naman siguro humindi ako eh sasama pa rin ang kumag na to. And oh, gagawin ko na lang siyang taga bitbit ng mga pinamili namin. Malalaki naman muscles niya sa biceps eh. "Okay." tugon ko habang nagluluto na. Pagkatapos kong magluto ng ulam ay agad kong inihanda iyon sa mesa. Buti na nga lang at may kanin pa akong natira sa rice cooker kaya inihain ko din iyon. Magkaharap kaming nakaupo sa mesa ko. "Kain ka na." anyaya ko sa kaniya. Agad naman siyang sumubo at natawa na lang ako dahil kawawa siya tingnan. Akala mo naman wala siyang kinain buong maghapon! "Dahan dahan naman, Ethan. Baka mabulunan ka." natatawa kong pahayag. "Kumain ka din." aya niya pa pero mabilis akong napailing. "Hindi naman ako nagugutom." sagot ko saka tumayo at kinuha ang nag iisang bote ng mamahaling wine sa counter top. Natawa ako habang tinititigan ko iyon. Regalo ko dapat iyon kay Marco noong valentines night. After ng dinner namin sa labas ay plano kong anyayahan siya dito sa apartment, movie marathon while drinking this wine.. "Buti na lang di kita binigay." bulong ko sa wine bago ako kumuha ng dalawang baso at naupo ulit sa kaharap na upuan ni Ethan. Nagulat siya nang makita ang dala ko. "Iinom ka pa?" tanong niya. "Nabitin ako dun sa bar eh." simple kong sagot bago naglagay ng wine sa baso ko at baso niya. "Akala ko hindi ka mahilig uminom. Dalawang bote ng beer na naubos mo sa bar tapos bitin pa pala yun." saad niya habang dahan dahan ang pagnguya. Mahina akong natawa at nilagok ang wine sa baso ko. "Bakit mo alam kung ilang beer ang nainom ko ha? Sinasabi ko na nga ba, sinusundan mo ako. Stalker ka." natatawa kong saad. Hindi siya sumagot at napatuloy lang sa pagkain. "Heavy drinker ako, nitong buwan lang hindi dahil sobrang busy sa work." kwento ko pa. "Ako hindi. Hindi ako mahilig sa alak." saad niya naman na ikinataas ng kilay ko. "Weh?" "Hanggang isang bote lang ako. Kapag dalawa ay medyo nahihilo na ako niyan." natatawa niyang kwento. Mabilis kong hinablot ang baso niya. Malakas ang tama ng wine na to eh. "What are you doing?" kunot ang noo niyang tanong. "Huwag ka palang uminom nito, malakas tama nito. Mas malakas sa beer." ani ko at nilagok ang laman ng baso niya. "No, I'll join you." seryoso niyang pahayag at kinuha ang baso niya at siya mismo ang naglagay ng wine doon. Tinitigan ko siyang uminom nun at napabuntong hininga na lang. Ang isang shot ay naging dalawa, tatlo, apat, lima. Hanggang sa nangalahati na kami sa bote. Lumipat na kami sa sala para maayos ang pagkakaupo namin sa couch at binuksan namin ang tv pero hindi naman kami nakakasunod sa palabas doon dahil panay ang tawa naming dalawa. Ang dami niyang kwento! He's more talkative kapag lasing pala. Natatawa na naman ako dahil halatang lasing na siya. Namumula ang leeg pati tenga, pumipikit pikit na din ang mga mata niya. Pero ang gwapo pa rin! "Ano, ayos ka pa ba? Umuwi ka na, lasing kana eh." natatawa kong bulalas. "Noooo! Gusto ko pa, come on, pour me some." nakanguso at parang bata niyang pahayag. Nahihilo na din ako pero alam ko pa ang ginagawa ko. Nilagyan ko ulit ng wine ang mga baso namin at mabilis naming nilagok iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakapikit na si Ethan habang nakasandal sa sandalan ng couch. Mabilis kong hinablot ang baso sa kamay niya nang mapansing unti unting lumuluwag ang hawak niya doon. Shit! "Ethan?" natatawa kong untag sabay tapik sa kaniyang pisngi. Napailing iling ako nang hindi siya sumagot o dumilat man lang. Kahit nahihilo ako ay niligpit ko parin ang kalat namin. Kaunti na lang ang natira sa wine kaya inubos ko iyon bago itinapon sa basurahan ang bote. Pagkatapos kong magligpit ay pinatay ko ang tv bago namewang sa harap ni Ethan. He's too drunk para umuwi sa apartment niya. Mukhang di nga to makakatayo eh kaya inayos ko na lang ang pwesto niya at pinahiga siya sa couch. Napatigil ako nang bigla siyang dumilat at ngumuso. Magkalapit ang mukha namin kaya natawa ako. "Kiss please.." bulong niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ko sinunod ang gusto niya. Mabilis kong dinampian ng halik ang nakanguso niyang labi kaya sumilay ang ngiti sa labi niya. "I missed you, baby... so damn much." bulong niya habang marahang humahaplos ang kamay sa aking pisngi. Napalunok ako sa narinig at napahawak sa dibdib dahil bigla iyong tumibok ng mabilis.. "I missed you too, Ethan.." kusang bumigkas ang bibig ko sa mga katagang iyon. Na realize ko lang na nasabi ko iyon pagkatapos kaya tinakpan ko agad ang aking bibig at napatayo ng tuwid. Shit. Ilang linggo palang kaming magkakilala ah. Pagtingin ko sa kaniya ay nakapikit na siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya naman siguro narinig iyon diba? O kung narinig niya man, hindi niya iyon maaalala bukas dahil lasing na lasing siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD