Chapter 8

1772 Words
Kahit nahihilo ako ay hindi ako makatulog agad. Inis na inis na ako sa sarili ko dahil panay ang pag ulit ng mga sinabi ni Ethan kanina sa utak ko. Madiin akong pumikit ay sinabunutan ang sarili. "Parang tanga ka naman self! Kainis!" Asik ko at bumangon sa kama. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nasa couch si Ethan doon sa sala. Napabuntong hininga ako at padabog na lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at mabilis na uminom ng maraming tubig. Aalis na sana ako sa kusina nang mapatigil ako dahil nakita ko ang wallet at cellphone ni Ethan sa mesa. Napakagat labi ako at nag debate pa ang sarili kung papabigyan ko ba ang kyuryosidad ko o hindi. Sa huli ay napabuntong hininga ako at nilapitan ang wallet niya. Mabilis ko iyong binuksan at napataas ang kilay nang puro cards ang nandoon. "Ang dami namang cards ng lalaking to." bulong ko pa. Hinahanap ko ang id niya at napangisi nang makita ko iyon. Mabilis na binasa ko ang mga personal na detalye sa kaniya at napanganga nang makita ang edad niya. 27 na nga siya! Matanda na nga talaga siya! "Baka naman peke ang id na to?" hindi pa rin makapaniwalang saad ko. Hindi naman kasi halatang matanda na siya eh. Sinilip ko pa ang ibang bulsa ng wallet niya at napangiwi nag makitang bente pesos lang ang lamang pera nito. "Eh? Ano bang trabaho niya? Hirap ba siya sa buhay? Siguro wala na siyang pambili ng groceries kaya dito nakikain sa akin." sambit ko sabay iling iling. Palusot lang siguro niya yung dahilan niya kanina na para makahingi ng pagkain. Kawawa naman siya, ang gwapo pa naman. Isasarado ko na sana ang wallet niya nang mapatigil ako dahil sa isang bagay. Mabilis ko iyong kinuha at napa singhap nang tuluyang nakita ang card na iyon. "Black card?" gulat kong sambit. Totoo ba to? Agad kong chineck ang mismong card at napalunok. Bakit siya may black card? Mayaman siya? Ano ba talaga? "Baka naman debit card to na itim lang ang kulay?" Naguguluhan kong tanong sa sarili. Napakamot na lang ako sa ulo at ibinalik sa pagkakalagay ang card na kinuha ko bago isinara na ang wallet. Napahugot ako ng malalim na hininga bago napatingin sa cellphone niya. "So much for being curious. Tatanungin ko nalang siya." pahayag ko bago lumabas ng kusina. Napatigil ako sa sala nang makitang nasa sahig na si Ethan. Hindi ko mapigilang matawa dahil naiimagine ko siyang nahulog sa couch. "Kawawa talaga." natatawa kong bulong. Mabilis akong bumalik sa kwarto at kinuha ko doon ang medyo makapal kong comforter. Nagdala din ako ng unan at kumot bago bumalik sa sala. Iginilid ko ang maliit na mesa at inilatag sa sahig ang comforter. Iyon nalang muna ang ginawa kong parang banig. Hindi naman malamig ang sahig dahil may manipis na carpet akong nilagay dati pa. Sinubukan kong gisingin si Ethan sa pamamagitan ng pagtapik sa pisngi niya pero ayaw niyang dumilat talaga. Umuungot lang siya tapos kukunot ang noo then tulog na ulit. Wala akong choice kaya pinagulong ko nalang ang katawan niya papunta sa nakalatag na carpet. Natatawa man ako ay ginawa ko pa rin. Pinagpawisan ako sa ginawa dahil mabigat siya! Ang laki niyang tao eh. "Hayyyy salamat naman lord!" bulalas ko nang maayos na siyang nakahiga sa inilatag kong comforter. Nilagyan ko siya ng unan at kinumutan ko na din. Pagkatapos kong gawin lahat iyon ay napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil bigla na lang gumalaw ang katawan ko at humiga sa kaniyang tabi. Agad akong inantok nang maamoy ko ang amoy ni Ethan.. Magic ba to? O gayuma? Amoy niya lang pala ang makakapag pa antok sa akin eh. This is ridiculous but at the same time, it is effective. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata at mabilis na nakatulog. Nagising ako dahil sa marahang haplos sa aking pisngi. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata at agad na nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Ethan. Nagulat ako at mabilus na napalayo sa kaniya. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa akin eh. "Good morning." malalim ang boses niyang bati sa akin. Tumikhim ako at pasimpleng bumangon. "Good morning. Anong oras na?" bati at tanong ko agad para mawala ang awkwardness sa pagitan namin. "Uhm 9am?" sagot niya at bumangon din. "Kanina ka pa ba gising?" tanong ko at bumaling sa kaniya, tumango naman siya. "Nagluto ako ng breakfast mo. And uh, nag timpla din pala ako ng kape pagkagising ko, masakit kasi ang ulo ko eh. Sorry, bibilhan nalang kita ulit mamaya kapag nag grocery na tayo." mahaba niyang litanya. Gusto kong sabihing huwag na pero tinamad akong makipagtalo sa kaniya kaya naman tumango na lang ako at nag inat inat. Pag tingin ko ulit sa kaniya ay pangiti ngiti na ang mokong. "Anong nakakatawa?" tanong ko agad sa kaniya. Baka mamaya may dumi ako sa mukha o ano. Mabilis kong kinapa ang mukha ko at ang mata ko dahil baka maraming muta kaya siya tumatawa pero hindi naman. "Nothing. You just look so beautiful in the morning, Clara." nakangiti niyang sagot na ikinairap ko. "Ang aga mo namang mambola. Wala pa ngang laman tiyan ko eh." sikmat ko saka ako tumayo at inayos ang kumot. Pina alis ko siya sa comforter para maligpit ko na iyon. Tinulungan niya naman ako kaya agad naming dinala pabalik sa kwarto ko. Palabas na sana kami ng kwarto nang mapahinto siya sa harap ng litrato ng mga magulang ko. "Your parents..?" marahang tanong niya. "Yes." sagot ko naman habang nakatitig din sa litrato. "Where are they?" Natigilan ako nang itanong niya iyon at mapait na napangiti. "They're gone. Na aksidente sila, five years ago." sagot ko, pilit na sinusubukang maging kaswal ang boses ko. "I'm sorry." mabilis niyang saad na agad kong inilingan. "Ayos lang, matagal na din naman iyon." wika ko sa kaniya at inaya na siyang lumabas ng kwarto. Nauna akong naglakad papunta sa kusina at agad na napangiti nang maamoy ang mabangong amoy ng ulam. "Sinigangg?" Hula ko sabay lingon sa kaniya. Tumango tango naman siya at nakapamulsa akong tiningnan. "Wala ng stocks sa ref ah. Saan to galing?" tanong ko pa at agad na naupo sa hapag kainan. "Uhh, bumili ako sa labas ng mga rekados." kaswal niyang sagot at umupo sa kaharap kong upuan. Mabilis akong nag sandok ng kanin at ulam. Paborito ko ang sinigang kaya natatakam agad ako. "Hmmm! Ang sarap ha! Infairness sayo." puri ko nang matikman ang niluto niya. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa gwapo niyang mukha kaya napangiti rin ako. "I'm glad that you like it." wika niya. Ipinag sandok ko siya ng kanin at ulam dahil nakatitig lang siya sa akin at hindi kumikilos. Nahihiya pa yata ang kumag eh siya naman bumili at nagluto nito. Nasa gitna kami ng umagahan nang biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko kaya nagkatinginan kaming dalawa. "Are you expecting someone to visit you here?" tanong agad niya. Mabilis akong umiling at napainom ng tubig. "Baka sina Apple yan? Dahil sa uhm nangyari kagabi dun sa bar?" hindi sigurado kong pahayag. Tumayo ako at nag excuse muna sa kaniya bago pinuntahan ang pinto pero pagbukas ko ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking naka formal wear sa labas ng apartment ko. Hindi ko siya kilala. "Ano hong kailangan nila?" taka kong tanong sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang ako ang may kailangan sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya tumaas ang kilay ko. "Maling apartment ka yata kuya. Hindi kita kilala." pag uulit kong sambit. Tumikhim siya at napakamot sa batok. "I'm looking for, Mr— Ethan. Nandiyan ba siya?" baritono ang boses niya. Sobrang lalim. In short, nakakatakot! "A-Ahh si Ethan.. t-teka lang tatawagin ko." nauutal kong pahayag at isasarado na sana ang pinto nang maisip kong baka isipin niyang disrespectful iyon kaya binuksan ko ulit. "Ah gusto mong pumasok muna? Kumakain kasi siya kaya—" "Hindi na, Miss. I'll just wait here. Thank you." pormal niyang pahayag. Hindi ko na lang isinarado ang pinto at pinuntahan si Ethan sa kusina na kumakain pa. "Ethan, may naghahanap sayo." saad ko na ikinatigil niya. Tumaas ang kaliwang kilay niya bago tumango at dahan dahang uminom ng tubig bago tumayo. Nauna akong maglakad pabalik sa pinto habang nakasunod naman siya sa akin. "Si—" "Love, what are you doing here?" agad na tanong ni Ethan nang makita ang lalaki na nasa labas. Nagulat ako sa tono ng pagsasalita niya. Hindi tuloy natuloy ng lalaki ang sasabihin sana. Napatingin ang lalaking tinawag na Love ni Ethan sa akin kaya agad akong pasimpleng nagpaalam sa kanila at nagpunta ako ulit sa kusina. Pero hindi ako pinapatahimik ng kyuryosidad ko kaya pasimple akong bumalik at nakitang sarado na ang pintuan ng apartment ko. Lumabas sila. Napanguso ako at dahan dahang binuksan ang pintuan ko. Gusto ko lang makichismis eh. Kaano ano kaya ni Ethan ang lalaking yun? At bakit love ang tawag niya? Kapatid niya ba? Seriously, Clara? Tinawag na Love tapos iisipin mong magkapatid sila? Pero baka naman kasi diba? Sweet lang si Ethan kaya ganun ang tawag niya sa kapatid? Pero hindi naman sila magkamukha eh. Tapos mukhang mayaman yung lalaki dahil sa suot nito. Medyo may accent din ang english niya. "You need to go back today, Erhan. I'm here to escort you throughout your travel." "I can't go back today, Love. Tell them, I'll be there next week." seryosong saad ni Ethan na ikinagulat ko. He sounded so different. At ano ang pinag uusapan nila? Anong travel? Aalis ba si Ethan? "Is this because of the little miss? You can bring her if you want. I'm sure your grandfather will be delighted to finally meet someone you like." Little miss? Sino yun? "Love.. I can't. Bumalik kana dun at sabihin mo kay grandpa na uuwi din naman ako." rinig kong saad ni Ethan. "I'm afraid I can't do that, Ethan. Your grandfather made his order clear. I can't go back without you." wika naman ng lalaki. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa tuluyang mag sink in sa utak ko ang mga pinag usapan nila. The way they looked at each other.. Masyadong intense.. Nabitawan ko ang door knob kaya bumukas ang pinto ng bahagya at napalingon sila sa akin. "Clara... kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ni Ethan sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya at napakurap kurap. Tama ba ang naiisip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD