Bakla ba si Ethan?
Nagpabalik balik sa isip ko ang sinabi ng lalaki na,
'I can't go back without you'
Iyon lang yata ang tumatak sa isip ko.
"Clara—"
Mabilis kong itinaas ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.
Napatingin ako sa lalaking tinawag niyang love na hindi makatingin sa akin ng diretso.
"I'll leave you two for the mean time." seryoso nitong pahayag.
"No need, Mister." seryoso kong sambit kaya napatigil siya. Hinarap ko si Ethan at napabuntong hininga ako. Magsasalita na sana ako pero may namataan akong dalawang taong papalapit sa amin, dadaan sila tapos nakaharang kami dito sa hallway.
Kaya naman sinenyasan ko silang dalawang sumunod sa akin at pumasok ako sa apartment ko.
I let them settled in the couch bago ako humugot ng malalim na hininga ulit, pinipilit kong ikalma ang sarili dahil sa mga narinig.
Wala naman akong karapatang magalit ng sobra dahil hindi naman ako girlfriend ni Ethan.
Sa pagkakaintindi ko sa mga narinig kanina ay mukhang kailangang sumama ni Ethan kay Leo dahil gusto silang kausapin ng lola niya.
Kung tungkol saan man yun ay labas na siguro ako doon. Pero bakit kailangang magsinungaling ni Ethan sa akin?
Dahil ba may nangyari na sa amin?
Gusto kong malaman ang dahilan niya bakit niya hindi sinabi sa akin.
May kaunting kirot akong naramdaman sa loob dahil nasanay akong nasa tabi tabi lang siya. Nasanay ako sa maliliit naming interaksiyon sa nakalipas na mga araw pero mabilis ko iyong winawaksi dahil wala naman akong karapatan.
Casual lang ang kung ano mang namagitan sa aming dalawa.
"Clara, it's not what you think." depensa agad ni Ethan kahit wala pa naman akong sinasabi.
Naupo ako sa upuan na nasa harap nilang dalawa.
"Hindi mo naman kailangang itago sa akin, Ethan. Maiintindihan naman kita eh. Why w-would you.."
Napatigil ako sa pagsasalita nang manginig ang boses ko. Mabilis akong tumayo at tumalikod sa kanilang dalawa dahil ramdam kong malapit ng tumulo ang luha ko.
"I-I'm sorry, baby.. I-I.."
Naninikip ang dibdib ko nang marinig ang sinabi ni Ethan. Tapos hindi pa siya makapagsalita ng maayos.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko kaya mabilis ko iyong pinunasan.
What the f**k am I doing? Bakit ako umiiyak?
Idiot, Clara!
Nakalimutan ko yatang nasa syudad ako. Normal ang casual dating dito. Normal ang situationship.
Damn it!
"You have nothing to explain, Ethan. Sige na, umalis na kayo." pahayag ko habang nakatalikod pa sa kanila.
"No." seryosong wika ni Ethan kaya humarap ulit ako sa kanila.
"May kailangan ka pa ba, Ethan?" tanong ko sa kaniya. Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang siko ko.
Parang may humaplos agad sa puso ko nang maramdaman ang hawak niya.
Kinailangan ko pang iremind ang sarili sa sitwasyon namin ngayon para hindi madala sa hawak niya.
"Let me explain first, baby.. please.." sobrang rahan ng boses niya habang sinasabi iyon.
Kahit sinong babae ay manghihina kapag narinig ang tono ng boses niyang iyon.
"Huwag na. Naiintindihan naman kita eh." pahayag ko at tiningnan ang lalaking kanina.
"Naiintindihan ko naman kayo. And I'm not against LGBTQ." kalmado ang boses kong sambit.
Bahagya natawa ang kasintahan ni Ethan sa sinabi ko kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
"I can sense some misunderstanding." nakangisi niyang pahayag. Pagtingin ko kay Ethan ay nakaawang lang ang bibig niya at hindi makapaniwala akong tiningnan.
"What exactly are you talking about, baby?" tanong niya sa akin.
"Ethan naman.. do I really need to say it out loud?" sambit ko at napabuntong hininga na lang. Walang sumagot sa kanila kaya napairap ako.
"That you two are.." saad ko at isinenyas ang daliring magkadikit.
Kumunot ang noo nila parehas.
"Na magkasintahan kayong dalawa! Ano ba yan! Hindi niyo na kailangang itago, narinig ko kayo kanina." inis kong asik sa kanilang dalawa.
"f**k this!" natatawang bulalas ng lalaki kanina at napakamot pa sa ulo.
Tinaasan ko ng kilay si Ethan na nanatiling nakatitig sa akin. Naka awang ng bahagya ang bibig niya. Siguro sa gulat.
"Oh f**k, baby.. that's f*****g gross.." sambit ni Ethan nang makabawi siya.
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. Pag tingin ko sa lalaki kanina ay natatawa siya habang umiling iling.
Hinapit ni Ethan ang bewang ko at narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako sa kaniya.
"A-Anong.. bakit ka tumatawa? Bakit kayo natatawa?" naiinis kong tanong sa kanila.
"Damn, she's one of a kind huh.." Rinig ko pang bulalas ng lalaki.
"Damn right." sang ayon din ni Ethan at sinapo ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa aking mga labi.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at napatingin agad sa lalaki pero busy na siya sa pag tingin tingin sa mga naka display sa sala.
"Eyes on me, pretty." marahan niyang bulong, may ngiti pa rin sa mga labi.
Mabilis na umigkas ang kamay ko at tinampal ang tiyan niyang matigas.
Mahina siyang natawa.
"Why would you do that!" pabulong kong asik.
"What's running in that little head of yours huh?" ngingiti ngiti niyang tanong sabay halik sa sintido ko.
Napakurap kurap ako at nag iwas ng tingin.
“W-Wala!” asik ko pa dahil medyo iba ang titig niya sa akin. Mahina siyang natawa at marahang hinawakan ang baba ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong hinahabol!
“Hmm.. I don’t believe it. Come on, baby. Tell me. Ask me anything. I think we’re having a misunderstanding here.” marahan ang boses niya.
Bakit parang naglalambing siya? Or guni guni ko lang yun?
“B-Bakla ka? I mean, it’s not a bad thing but—“
“I’m not, baby. Straight ako.” mabilis niyang sagot habang titig na titig sa akin.
“Me too. I’m straight.” sabat namn nung lalaki kaya napatingin ako sa kaniya.
“Eh bakit love ang tawag mo sakaniya?” tanong ko kay Ethan. Nagkatinginan sila habang may ngiti sa labi.
Naghintay ako sa sagot nilang dalawa pero ang tagal! Natatawa lang sila! Nakakainis!
Umirap ako at tatalikod na sana pero hinila ako pabalik ni Ethan.
“Don’t turn your back on me, baby please.” natatawa niya paring saad. Ipinag krus ko ang dalawang braso ay napabuntong hininga.
“Sige, tumawa nalang muna kayo diyan.” naiinis kong asik kaya mabilis silang umayos.
Napansin ko ang pag senyas ni Ethan sa lalaki kaya lumapit ito sa akin.
Bahagya akong napaatras nang bigla niyang inilahad ang kanang kamay sa aking harapan.
“I’m Lovemir Reigo, miss ma’am. It’s a pleasure to finally meet you.” pakilala nito.
Tinitigan ko lang siya dahip hindi ko alam kung anong gagawin.
Anong connect ng pangalan niya sa frustration ko?
“Clara Santos.” pakilala ko din sa sarili ko at aabutin na sana ang kamay ni Lovemir pero mabilis na gumalaw si Ethan at siya ang nakahawak sa kamay ko.
Natawa lang naman si Lovemir kaya…
Teka..
Lovemir?
As in.. LOVE.. MIR?
Napasinghap ako nang tuluyang marealize ang pangalan niya.
“Lovemir? Kaya Love ang tawag sayo ni Ethan kasi pangalan mo yun?” gulat kong tanong. Sabay naman silang tumango tango kaya napanganga ako.
Shit!
Gusto kong tampalin ang ulo ko.
Bigla akong tinamaan ng hiya at ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko.
Parang gusto ko nalang kainin ng lupa ngayon din! Or biglang maglaho dahil sa kahihiyan!
Jusko!
Napatingin ako kay Lovemir nang may kinapa siya sa bulsa niya. Kinuha niya ang wallet niya at binuksan iyon. Pagkatapos ay may inilahad siya sa aking card.
Tinanggap ko iyon at nakitang id pala!
Lovemir nga pangalan niya!
Mas nadagdagan pa ang kahihiyang naramdaman ko.
“S-Sorry.. I-I..”
Nagkanda utal utal kong saad. Hindi ko alam kung anong sasabihin!
Naramdaman ko ang hawak ni Ethan sa kamay ko.
“It’s okay, baby..” Nakangiting saad ni Ethan. Ibinalik ko kay Lovemir ang id niya at napakagat labi na lang.
“M-Magkaibigan kayo?” nahihiya ko pang tanong.
“Yes, baby. But he works for my grandfather too. Kaya siya nandito ngayon.” sagot naman ni Ethan.
“You’re coming with him?” tanong ko na naman. Tinitigan ako ni Ethan ng matagal.
“Yes, baby… and you’re coming with me.”