Chapter 10

1499 Words
"Saan?" Taka kong tanong sa kaniya. He gently smiled at muling hinawakan ang kamay ko. "To our house, baby." nakangiti niyang saad. Lumukso ang puso ko sa narinig at mabilis na iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napalunok ako ng sunod sunod. "Ha? B-Bakit?" nauutal ko pang tanong. "Anong gagawin ko doon? I have work, Ethan. Hindi ako puwede." natataranta kong dagdag. "Don't worry about your work, ma'am. I'll handle it." singit naman ni Lovemir kaya napatingin ako sa kaniya. "E-Eh a-anong gagawin ko doon? B-Bakit ako kasama? Hindi mo naman ako girlfriend!" Hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko dahil sa kaba. Natigilan kaming lahat sa huling sinabi ko. Pati ako ay napatigil din at napatakip na lang sa bibig. Hindi ko namalayang lumabas na pala iyon sa bibig ko! Shit! "I'll court you, then." Biglang saad ni Ethan, may determinasyon sa mga mata niya na ikinagulat ko. "H-Ha?" nauutal ko pang tanong. Habang si Lovemir naman ay mahinang natawa. "Do you even know how to court a woman, sir?" natatawa pang tanong ni Lovemir kaya napatingin ako sa kaniya at muling ibinalik ang tingin kay Ethan na nakatitig pa rin sa akin. "I'm a fast learner. I can do it." seryoso niyang pahayag na ikinalunok ko. "From now on, I'm your suitor, Clara." bigkas niya ulit sabay paskil ng matamis na ngiti sa gwapong mukha. Jusko Lord! Kahit kailan talaga ang gwapo niya! Lalo na kapag nakangiti! Makalaglag panty talaga! Napatikhim ako para maibalik sa huwisyo ang sarili. "Hindi puwede. May trauma ako sa manliligaw. Hindi ako nagpapaligaw." mabilis kong asik at tinalikuran siya. "Do you think you have a choice, baby? Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. I won't touch you, kiss you or do anything that you don't want. I know you like me too, Clara.." confident niya pang sambit. Natigilan ako sa paglalakad. Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Dahan dahan akong napalingon sa kaniya. Nakatayo pa rin siya roon, parehong kamay nasa bulsa ng pantalon niya, pero ang mga mata niya... diretso lang sa akin. Parang binabasa ako. Parang alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. "Paano ka nakaka sigurado?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Humakbang siya ng isang hakbang palapit sa akin. "Because you didn't push me away." agad niyang sagot. Napakurap ako. "You had every chance to stop me, Clara. But you didn't." Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatakot. Dahil may punto siya. Kung tutuusin, matagal ko na siyang puwedeng layuan. Matagal ko na siyang puwedeng iwasan. Pero hindi ko ginawa. "Basta hindi ako nagpapaligaw." giit ko para lang may masabi. Ngumiti siya. Hindi iyong pabiro na ngiti niya. Mas... mabagal. Mas kampante. "That's fine." Kumunot ang noo ko. "Kung hindi ka nagpapaligaw, ayos lang" ulit niya. Tapos lumapit na naman siya ng isang hakbang. Halos magdikit na ang katawan namin. "But I'm still courting you." Napalunok ako ng sunod sunod. Ano bang klaseng logic iyon?! "Baliw ka ba?" napailing kong sambit. "Only when it comes to you. You make me crazy. You make me this crazy, Clara.." Napairap ako. Jusko naman. Bakit ba ang dali niyang magsabi ng mga ganitong bagay na parang wala lang? Parang normal lang. Parang wala siyang pakialam kung mabaliw ako kakaisip sa kaniya. O baka naman kaya niya ginagawa ito dahil gusto niyang mabaliw din ako? Napatingin kami kay Lovemir nang tumikhim siya. Nakasandal siya sa kabinet habang pinapaikot ang susi sa daliri niya. "Lalabas ba muna ako?" inosente ang mukha niyang tanong. Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Yes please. Kanina mo pa dapat ginawa." Mabilis na sagot ni Ethan at agad na ibinalik ang tingin sa akin. Inirapan ko silang dalawa. "Lumabas na kayong dalawa." Pahayag ko sa kanila. Halos sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang pagnguso ni Ethan na parang bata, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili at napanatiling seryoso ang mukha. "Bakit kasama ako?" reklamo niya pa. "At bakit hindi? Nasa kabila lang ang apartment mo, Ethan." sikmat ko pa. Nababaliw na siguro ako kasi naiisip ko pa din na cute siya. "Huwag na muna tayong mag groceries, baby. Aalis tayo agad bukas." marahan ang boses niyang suhestiyon. "Pumayag na ba ako?" taas ang kaliwang kilay kong tanong sakaniya kaya napanguso na naman siya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Lovemir pero hindi ko siya nilingon. "Hindi pa.." humina ng kaunti ang boses niya kaya hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi. Ang kawawa niya tingnan. "Pag iisipan ko pa, Ethan." saad ko at napabuntong hininga. "Okayy. Take your time, baby." rinig kong pahayag niya. "Sir, bukas daw ang sabi ng lolo mo kaya—" Hindi natuloy ang sinasabi ni Lovemir dahil sinenyasan siya ni Ethan. Naalala ko ang pagkain sa mesa kaya napalingon ako kay Lovemir. "Kumain kana ba?" tanong ko sa kaniya. Agad na napatingin si Lovemir kay Ethan na para bang humihingi ng permiso. "Ah yes, ma'am." sagot niya kaya napatingin ako kay Ethan na inosenteng nakatingin sa akin. Naningkit ang mga mata ko bago sila inirapan. "Fine. Makakaalis na kayo." sambit ko bago naglakad papuntang kusina. "Baby, hindi pa tayo tapos kumain." habol ni Ethan sa akin kaya napangiti ako. Muli akong umupo sa pwesto ko kanina habang agad ding bumalik sa upuan niya si Ethan. Napatingin ako kay Lovemir na nakatitig sa mga pagkain sa hapag. Kawawa siya tingnan at halatang nagugutom. Kaya tumayo ako ulit at kumuha ng isang pinggan at utensils. "Kumain ka, Lovemir. Huwag kang mahiya." asik ko sabay lapag ng pinggan at utensils sa mesa. Mahina akong natawa nang makita ang pagkislap ng mga mata niya pero nang mapatingin sa kaniya si Ethan ay naging seryoso agad ang mukha. "Busog pa ak—" "Huwag mong pansinin iyang si Ethan. Halika na." Sikmat ko pero hindi pa rin siya gumalaw. Tinitigan ko si Ethan kaya napanguso na naman siya bago tinanguan si Lovemir. Pagkatapos ng almusal namin ay iniwan ko silang dalawa sa kusina dahil sila ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan. Dumiretso ako sa kwarto para maligo at mag ayos ng sarili. Habang ginagawa ko iyon ay pinag iisipan kong mabuti kung sasama ba ako o hindi. May trabaho ako eh. Pero ang sabi naman ni Lovemir ay siya na ang bahala. Nacucurious tuloy ako kung anong gagawin niya? Like paano niya ako ipagpapaalam sa boss ko? Haynaku. Napailing iling na lang ako at nagulat nang makita ang sariling may hawak na maleta. What the f**k? Nag iimpake na pala ako! Madiin akong napapikit at kinaltukan ang sarili. Gusto ko sanang ibalik iyon pero sobrang dami nang damit ang nailabas ko sa drawer at nasa higaan ko nakalapag. Hindi ko man lang namalayan ang ginagawa dahil sa lalim ng iniisip ko. "Arghh fine!" inis kong bulalas at ipinagpatuloy ang pagpipili ng damit na dadalhin. Hindi ko alam kung ilang araw kami doon kaya saktong mga damit lang ang inimpake ko. Good for two days. Maliit naman ang maleta ko kaya hindi mabigat. Saktong pagkatapos ko sa ginagawa ay narinig ko ang doorbell mula sa labas kaya agad akong nagpunta doon at nakitang nakatayo sa labas ng pintuan ko si Ethan at Lovemir. "Bakit?" agad kong tanong sa kanila. "Are you coming, baby?" marahang tanong ni Ethan. Agad kong napansin ang kakaibang aura sa gwapo niyang mukha. Mukhang hindi siya mapakali... kahit kalmado ang ipinapakita niya ngayon, nababasa ko ang emosyon sa mga mata niya. "Uhm.. yes?" hindi ko siguradong sagot. Nakahinga siya ng maluwag bago sumilay ang ngiti sa labi. But there's something in his eyes that tells me. "What happened, Ethan?" tanong ko naman sa kaniya. "We have to go now, baby. May emergency sa bahay eh." sagot niya naman sa akin. Mabuti na lang at nakapag impake na ako. "Nasa kwarto pa ang gamit ko, kunin ko muna." paalam ko sa kanila bago sila tinalikuran. Habang papalapit sa kanila at dala dala ang mga gamit ko ay bigla akong nahiya. Hindi naman halatang ready ako diba? Nag init ang magkailang pisngi ko nang makita ang malapad na ngiti ni Ethan pero pinilit ko nalang na hindi iyon pansinin. "Hindi ko kasi alam kung ilang araw tayo doon kaya ano.. ganito ang dala ko?" nahihiya kong sambit. That's perfect, baby. Let's go?" agad na anyaya ni Ethan sa akin, mukhang napansin niya ang pagkahiya ko. Si Lovemir ang nagdala ng mga gamit ko habang wala kaming dala ni Ethan. Kawawa nga siya eh, pero hindi naman siya nagrereklamo at confident pang hila hila ang pink kong maleta. Ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents niya? "You should loosen up, miss. You look tensed. They are all excited to meet you so don't worry too much." pahayag ni Lovemir sa akin na ikinagulat ko. Anong ibig niyang sabihin? Kilala na ba ako ng family ni Ethan????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD