CLARA'S POV
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako kay Lovemir.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong sa kaniya.
Bigla siyang natahimik.
Parang may naalala siyang hindi niya dapat sinabi.
Agad siyang napalingon kay Ethan na ngayon ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ko habang nakapamulsa, tumigil din siya sa paglalakad dahil sa pagtigil ko.
Tinitigan niya si Lovemir.
Hindi siya nagsalita.
Pero sapat na iyon para manahimik si Lovemir.
"Ah— I mean..." napakamot siya sa ulo. "Excited lang po sila kasi... first time ni sir magdala ng babae sa bahay."
Napakurap ako sa narinig.
"First time?"
Napatingin ako kay Ethan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Lovemir.
Bakit first time? Hindi kapani paniwala!
I mean...
Gwapo si Ethan.
Mayaman.
Successful.
Confident.
Impossible na wala pa siyang nadadala sa bahay nila.
Pero tahimik lang si Ethan. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kotse, pare pareho kaming tahimik at parang may malalim na iniisip.
Hindi ko maibaling ang tingin sa bintana dahil nakatingin ako kay Ethan. Nakatitig siya sa labas ng bintana ng kotse, may malalim na iniisip.
"Ethan?" tawag ko.
Dahan dahan siyang napalingon sa akin.
"Hmmm baby?"
"First time mo nga bang magdala ng babae sa bahay ninyo?"
Naningkit ang mga mata niya sandali bago bahagyang ngumiti.
"Yes."
"Why?"
Napailing ako.
"Bakit parang normal lang iyon para sa'yo?"
"Because it is. It is normal, baby."
Mas lalo akong napakunot ang noo.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang sa sagot niya.
Parang may parte ng kwento na hindi niya sinasabi. Pero bago pa ako makapagtanong ulit ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Nagulat ako.
"E-Ethan—"
"Relax." mahina niyang sabi.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Mahigpit. Pero hindi masakit.
Parang...
ayaw niyang bumitaw.
"You're thinking too much again." dagdag pa niya.
Napairap ako.
"Paano ba naman kasi? Bigla mo na lang akong dinadala sa bahay ninyo tapos sabi pa ni Lovemir excited na raw ang pamilya mo makita ako."
Hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko. Napatingin sa rearview mirror si Lovemir.
Parang pinipigilan niyang matawa.
"Lovemir." malamig na tawag ni Ethan.
"Sorry sir." agad niyang sagot, pero halata pa rin ang ngiti niya.
Napabuntong hininga ako.
Jusko Clara!
Kalma lang.
Hindi ka naman pupunta doon para magpakasal. Dadalaw lang.
Right?
"Baby."
Napalingon ako kay Ethan.
"Hmm?"
"Stop worrying." Mabilis niyang sabi.
"Why?"
"Because they will like you."
Napatingin ako sa kaniya. Napakabilis ng sagot niya. Parang sigurado na siya.
"Paano ka nakakasiguro?"
Ngumiti siya. Hindi iyong pabiro na ngiti niya.
Mas...
malalim.
"Because you're you."
Napalunok ako. Bakit ba ganito magsalita ang lalaking ito?
Parang ang dali niyang sabihin ang mga bagay na kayang guluhin ang isip ko. Napalingon na lang ulit ako sa bintana.
Pero hindi ko napansin na hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
At sa totoo lang.... hindi ko rin naman iyon inalis.
Halos dalawang oras pa ang biyahe namin. Unti unting nagbago ang paligid habang umaandar ang kotse. Nawala na ang mga matataas na building. Napalitan iyon ng mga puno. Tahimik na kalsada. At mas malamig na hangin.
"Malapit na tayo." sabi ni Lovemir.
Napaupo ako nang maayos. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.
Pero parang may kung anong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.
"Ethan..." mahina kong tawag.
"Hmm?"
"What kind of emergency?"
Natahimik siya sandali.Tapos sumagot.
"My grandfather."
Napatingin ako sa kaniya, may pag aalala sa mukha ko.
"Is he okay?"
Nagkatinginan sila ni Lovemir sa harap.Isang segundo lang iyon. Pero napansin ko.
"Yes." sagot niya pagkatapos. Pero hindi ako kumbinsido lalo na at nababasa ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang bumagal ang takbo ng kotse.
Napatingin agad ako sa labas at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Malawak na gate ang nasa harapan namin. May dalawang guard sa magkabilang gilid niyon at nang makita nila ang kotse ay agad nila iyong binuksan.
Pumasok kami sa loob at doon ko tuluyang nakita ang bahay nila.
Hindi.
Hindi pala bahay.
Mansion.
Mansion iyon!
Malawak na hardin.
May fountain sa gitna ng driveway.
At sa dulo ay isang napakalaking bahay na parang galing sa mga pelikula. Napaawang talaga ang bibig ko sa mangha.
"What the hell..."
Hindi ko napigilang sambitin iyon.
Narinig kong natawa si Ethan sa tabi ko.
"You like it?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Like it? Ethan, parang resort ang bahay ninyo!"
Ngumiti lang siya.
"Welcome, baby."
Napailing ako.
Jusko!
Ano ba itong pinasok ko?
Huminto ang kotse sa harap ng main entrance. Agad na bumaba si Lovemir para kunin ang maleta ko. Samantalang ako naman ay nakaupo pa rin sa upuan ko. Hindi gumagalaw.
"Clara."
Napalingon ako kay Ethan.
"Yes?"
"You look like you're about to run away."
Napairap ako.
"Baka nga."
Natawa siya tapos bigla siyang bumaba ng kotse at pumunta sa side ko. Binuksan niya ang pinto at inabot ang kamay ko.
"Come on."
Napatingin ako sa kamay niya tapos sa mukha niya.
Ngayon lang nag sink in ang mga cards na nakita ko nung naglasing kami. Iyong black card! Totoo pala iyon! Mayaman nga talaga siya!
"Relax."
Mahina niyang sabi.
"I'm here."
Hindi ko alam kung bakit... pero parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Inabot ko ang kamay niya at bumaba ng kotse.
Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng bahay ay biglang bumukas ang pinto.
May isang babae na halos kasing edad ng mama ko ang lumabas.
Eleganteng babae.
Maganda.
At may pamilyar na features.
"Ethan!"
Masaya niyang tawag. Agad siyang lumapit sa amin at yumakap kay Ethan.
"My son, you're finally here!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Son?
Oh.
Mother niya pala. Bakit parang ang bata pa ng mother niya tingnan? Nakaka starstruck ang ganda niya. Para siyang artista.
"Hi mom." kalmado lang na sagot ni Ethan.
Tapos bigla siyang napatingin sa akin.
At doon ako mas kinabahan. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Pero hindi masama ang tingin niya.
Mas...curious?
"Ethan," sabi niya.
"Is this...?"
Biglang hinawakan ni Ethan ang kamay ko.
Mas mahigpit. Tapos ngumiti siya.
"Mom," sabi niya.
"This is Clara."
Parang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa paraan ng pagsabi niya ng pangalan ko.
Parang... napakaimportante nito.
Ngumiti ang mama niya sa akin.
Malambing.
"Hello, Clara." sabi niya.
Parang gusto kong matunaw sa kaba.
"H-Hello po."
Tumingin siya kay Ethan ulit.Tapos sa akin.
Tapos ngumiti siya nang mas malawak.
"So you're the girl my father keeps talking about."
Nanlaki ang mga mata ko.
"What?"
Napalingon ako kay Ethan.
Pero siya?
Ayun, tahimik lang.
At sa unang pagkakataon... parang may kung anong misteryo sa mga mata niya na hindi ko mabasa.
Something tells me...
may mas marami pa akong hindi alam tungkol sa lalaking ito.
Pero imbes na kabahan ako ay mas lalong na excite nag loob ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon talaga ang naramdaman ko.
Excited akong unti unting makilala ang pagkatao ni Ethan..
Sino nga ba talaga siya?