Chapter 12

1636 Words
Hindi ko alam kung bakit pero imbes na kabahan ako sa sinabi ng mama ni Ethan ay mas lalo akong na-excite. Weird. Dapat kabado ako eh. Dapat iniisip ko kung anong klaseng pamilya mayroon siya. Dapat iniisip ko kung bakit parang kilala na nila ako kahit ngayon ko lang sila makikilala. Pero hindi. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung ano pa bang hindi ko alam tungkol kay Ethan? “Sino ba ang lolo mo?” hindi ko napigilang itanong kay Ethan habang nakatingin pa rin ako sa mama niya. Mahina lang ang boses ko pero mukhang malakas ang pandinig ng mama ni Ethan. Napansin kong bahagyang nagkatinginan silang dalawa. Tapos natawa ang mama niya. “Wow, straight to the point,” sabi niya habang nakangiti. Napahiya tuloy ako. “A-Ah sorry po—” “It’s fine,” mabilis niyang sagot habang hinawakan ang braso ko. Malambing ang hawak niya. Hindi ko inaasahan iyon. Parang… parang matagal na niya akong kilala. “You’re prettier than I expected.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “E-Excuse me?” Narinig kong napahinga nang malalim si Ethan sa tabi ko. “Mom.” “Ano?” inosente niyang sagot. Natawa siya bago muling bumaling sa akin. “I’m sorry, I didn’t mean to make you uncomfortable.” “No, ayos lang po,” mabilis kong sagot kahit ramdam kong umiinit na naman ang mga pisngi ko. Jusko! Ano ba itong pinasok ko? Ngayon lang ako nakilala ng mama niya kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo halo lahat ng emosyon sa dibdib ko. Bago pa ako makapag isip ng susunod kong sasabihin ay may biglang boses na sumingit mula sa loob ng bahay. “Is that Ethan?” Isang malakas pero medyo matanda na boses. Napatingin kaming lahat sa loob ng bahay. At doon ko nakita ang isang matandang lalaki na naglalakad papunta sa amin. Matangkad pa rin siya kahit may edad na. Matikas ang tindig. At kahit maputi na ang buhok niya ay halata mong gwapo siya noong kabataan niya. “Ethan,” sabi niya habang nakangiti. Napansin kong agad na nagbago ang aura ni Ethan. Lumambot ang ekspresyon niya. “Grandpa.” Lumapit siya at niyakap ang matanda ng mahigpit. At sa unang pagkakataon mula nang makilala ko si Ethan… nakita ko siyang parang bata. “You made it home..” sabi ng matanda. “Of course, grandpa.” agad na sagot ni Ethan. Napatingin ang lolo niya sa akin. At doon nag doble ang kabang nararamdaman ko. Sunod sunod akong napalunok habang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Pero hindi nakakatakot ang tingin niya. Mas parang… nagmamasid. “So,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “You’re Clara.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi iyon patanong, bagkus ay siguradong sigurado ang pagkakasabi niya nun. “P-Po?” Napalingon ako kay Ethan pero tahimik lang siya, may kakaibang ngiti sa labi niya. Napanguso na lang ako dahil parang normal lang lahat sa kaniya. “O-opo… Ako nga po si Clara.” sagot ko. Natawa ang matanda. “Relax, hija..” sabi niya habang nakangiti. “Hindi naman ako nangangagat.” natatawa niyang sambit. Bigla akong nahiya kaya nag iwas ako ng tingin. Halata pala sa mukha ko na kinakabahan ako. Lumapit siya sa akin at bago pa ako makapag react ay hinawakan niya ang kamay ko. Malakas pa rin ang hawak niya kahit matanda na siya. “So you’re the girl my grandson waited for.” Tumigil ang mundo ko. “p-po?” Napatingin ako kay Ethan at halatang nagulat din sa sinabi ng lolo niya. Napatingin siya sa akin at napalunok bago ibinalik ang atensiyon sa lolo niya. “Grandpa..” sabi niya pagkatapos. “Don’t scare her.” pigil niya sa lolo niya. Natawa ang matanda. “I’m not scaring her. I’m telling the truth.” Napakurap ako. “Wait—” Pero bago pa ako makapagtanong ay biglang may sumingit na bagong boses. “Ethan!” Napalingon kaming lahat sa entrance ng mansion. Isang babae ang tumatakbo palabas ng bahay. May malapad na ngiti sa maganda nitong mukha. Agad kong isinuyod ang tingin sa kaniya at hindi mapigilang mamangha sa kutis niya. Siguro nasa early twenties. Mahaba ang buhok. At kamukha ni Ethan! Nanlaki ang mga mata ko. “May kapatid pala siya?” bulong ko. Narinig niya yata iyon. Tumigil siya sa harap namin at ngumiti. “Yes. I’m his sister.” nakangiting sabi niya. Napahiya ako. “A-Ah sorry—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit. “Finally!” Napakurap ako sa gulat. Humawak siya sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako. “You’re real.” Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos ay napakunot ang noo. “W-What do you mean?” Napalingon siya kay Ethan. “You didn’t tell her?” Napabuntong hininga si Ethan bago sumagot. “No.” “Of course you didn’t,” sabi ng kapatid niya habang umiiling. Napatingin ako sa kanilang dalawa. “Wait… ano ba ang nangyayari?” Natawa ang mama nila sa tanong ko. “Let’s go inside first, you’re all confusing Clara.” sambit niya pa na para bang hindi siya kasali sa dahilan kung bakit ako naguguluhan. “Ako lang ba?” reklamo ng kapatid ni Ethan sabay irap. Natawa ako. Ang cute niya kahit halos magka edad na kami. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanila ngayon. Hindi na ako masyadong kinakabahan. Ang gaan kasi ng aura sa paligid nila eh. Hindi sila intimidating. Parang normal lang silang pamilya. Normal na pamilya na may mansion. Jusko! Counted ba yun as normal? Pagpasok namin sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha. Malawak ang sala. May malaking chandelier sa gitna. Iyong kung may magnanakaw man na makakapasok ay talagang papaldo agad sa chandelier pa lab. May fireplace sa isang gilid. At ang mga furniture ay halatang ang mamahal. Very mahal. Pero hindi siya mukhang mayabang. Mas parang classic siya tingnan. Elegante.. “Wow…” hindi ko napigilang sabihin. Narinig kong natawa si Ethan sa tabi ko. “You like it?” bulong niya malapit sa tenga ko. Napalingon ako sa kaniya. “Ethan, parang penthouse ang bahay ninyo.” “Grabe!” Bulalas ko na naman. “Come,” sabi ng mama niya. Pinaupo niya ako sa malambot at malaking sofa habang si Ethan naman ay umupo sa tabi ko. Napansin kong nakatingin sa amin ang kapatid niya. May ngiti sa magandang mukha at parang may kung anong iniisip. Nanunukso kasi ang tingin niya. Or baka guni guni ko lang? Agad na may nag serve sa amin ng nga meryenda sa mesa. Cookies, chocolates at may slice pa ng cake! Tapos may juice.. Ang daming inilagay sa mesa! Hindi iyon kalakihan kaya punong puno iyon. “So, Clara.” sabi ng mama niya kaya mabilis kong itinaas ang tingin patungo sa kaniya. “Po?” Magalang kong sagot. “What do you do?” “Ahh, I work sa isang company po. Marketing department.,” sagot ko habang may ngiti sa labi. “Marketing?” tanong ng kapatid ni Ethan. “Interesting.” nakangiti nitong dagdag sabay kuha ng isang piraso ng cookie. Napakunot ang noo ko. “Why?” Napatingin siya kay Ethan. “You didn’t tell her?” Napabuntong hininga na naman si Ethan. “No.” Napatingin ako sa kanilang dalawa. “Tell me what?” Nagkatinginan sila ng kapatid niya.Tapos bigla siyang ngumiti. “Nothing.” Naningkit ang mga mata ko. “Okay… that sounded suspicious.” Natawa ang lolo ni Ethan mula sa kabilang sofa. “You’re funny, hija.” sabi niya sa akin. Napalunok ako. Anong funny? Hindi naman ako nag joke. Anong nakakatawa sa sinabi ko? “Ah… sorry po.” sambit ko nalang dahil hindi ko alam kung among itutugon doon. “Don’t be sorry,” sabi niya. “I like you.” Nanlaki ang mga mata ko. Ganito ba talaga sila ka-straightforward? “See?” bulong ni Ethan sa tabi ko. “I told you they’d like you.” Siniko ko siya. “Huwag kang maingay.” namumula ang pisngi kong asik sa kaniya. Natawa siya. At sa sandaling iyon ay bigla kong napansin na tahimik na ulit ang lahat. Nakatingin sila sa amin. Sa amin ni Ethan. Parang may hinihintay sila. “Uhmm, bakit sila nakatingin sa atin ng ganun?”Pabulong kong tanong kay Ethan. Napangiti siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko sa harap ng pamilya niya. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog niyon! Damn this man! Napahawak ako sa dibdib ko sabay tapon ng tingin sa pamilya niyang may ngiti sa labi! Ngumiti ang mama niya. “Because this is the first time we’ve seen Ethan like this.” pahayag nito, mukhang narinig ang tanong ko kay Ethan. Napakunot ang noo ko. “Like what p-po?” Napatingin siya sa anak niya. “Happy.” Napatingin ako kay Ethan. Tahimik lang siya. Pero ang maliit na ngiti sa labi niya ay hindi mawala wala. Nalukot ko ang damit sa bandang dibdib ko dahil humigpit ang pagkapit ko doon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, para ding gumagalaw ang tiyan ko.. Parang.. parang may kung ano sa loob ng tiyan ko.. Ito ba yung.. butterflies in the stomach? Kinikilig ako! Fuck! Ito yung kilig! Ramdam ko din ang pag iinit ng buong mukha ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin.. Napakagat labi na lang ako at napatitig kay Ethan na nakatitig sa akin, na para bang wala sa harap namin ang pamilya niya! Ewan ko na lang talaga sa lalaking to! Bakit ba siya ganito? Bakit niya ba ako ginaganito??!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD