“E-Ethan…” pabulong at nauutal kong sambit habang tinutulak siya ng bahagya.
Napangiti lang siya at mas lalo pa siyang lumapit.
“Hmm?” sagot niya, parang wala talagang ginawang kalokohan.
Naningkit ang mga mata ko.
“Ang kapal mo.” bulong ko sa kaniya para bahagya siyang umayos pero walang epekto iyon.
Natawa pa siya.
At imbes na lumayo ay lalo pa siyang naging komportable.
Jusko lord! Tulungan mo naman ako dito. May balak ba akong patayin ng lalaking to?
Para na akong aatakehin sa puso eh!
“Clara, dear.” tawag ng mama niya.
Napalingon ako agad.
“Yes po?” mabilis kong sagot, parang estudyanteng nahuling nagche-check ng crush sa classroom.
Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya.
“Relax ka lang. Loosen up a bit and feel at home. We won’t do anything to harm you.” sabi niya sa akin.
Napanguso ako.
“O-opo…”
Narinig ko ang mahina pero malinaw na tawa ni Ethan sa tabi ko.
Siniko ko siya ulit.
“Tumahimik ka nga.” asik ko sa kaniya.
Hindi niya man lang ako tinutulungan! Eh parang kanina sa kotse ina-assure niya pa ako!
“Ang cute mo kapag naiirita,” bulong niya.
Napatigil ako sa narinig at muli na namang nag react ang buong katawan ko. Para akong teenager na kinikilig pa!
Bwesit!
Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
“Wait a minute, did we introduced ourselves already? Or.. nah? I can’t remember.” pahayag ng lolo ni Ethan at doon namin na realize lahat na hindi pa pala.
Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila.. Napangiwi ang mama at kapatid ni Ethan kaya bahagya akong napatawa.
“Oh right, hindi pa pala. I’m your tita Alondra, dear..” pakilala ng mama ni Ethan sa akin. Napatango naman ako.
Ang ganda ng pangalan niya, bagay sa kaniya.
“I’m your grandpa Felixberto, hija. Just call me grandpa.” kaswal na pakilala ng lolo ni Ethan sa akin.
“Ethyl here!” pakilala din ng kapatid ni Ethan.
“Like the alcohol, Ethyl.” dagdag pa nito sabay irap na tila ayaw niya sa pangalan niya. Nagtawanan ang lahat kaya napanguso ito. Pati ako ay mahinang natawa na din.
“Oh, come on, dearest, 20 years ka ng nagrereklamo sa pangalan mo.” natatawa pang saad ni tita Alondra.
“Because you guys are so cruel, mom!” nakanguso niya pa ding reklamo.
“Blame your dad.” natatawang sagot ni tita Alondra.
Speaking of dad, nasaan ang daddy ni Ethan? Napakagat labi ako dahil gusto kong magtanong tungkol doon kaso baka maging awkward ang atmosphere kaya winaksi ko nalang sa isipan ko.
“So,” biglang singit ng kapatid niya.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
Nakatingin siya sa amin na parang nanonood ng teleserye.
“Are you guys uhmm like, together?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi—” sabay naming sagot ni Ethan.
Nagkatinginan kami.
Tapos lumapad ang ngiti niya. Habang ako ay nataranta dahil alam ko ang ngiti niyang iyon.
May binabalak siya!
“Hindi— I mean.. hindi pa— I mean—” napahawak ako sa noo ko.
“Jusko, Clara. Ano bang sinasabi mo?!” bulong ko sa sarili na alam kong rinig nila dahil malakas ang pandinig nila.
Narinig kong natawa ang lahat. Pati ang lolo niya.
“Relax, hija,” sabi nito.
“Hindi ka namin iju-judge, we’re family here.”
“Hindi po sa gano’n—” napailing ako.
Napatingin ako kay Ethan para sana humingi ng tulong pero naiinis ako kasi ang kalmado ng aura niya!
Pangiti ngiti lang ang gwapo— ay este gago!
Gagong gwapo!
Parang wala lang sa kaniya na ini-interrogate na ako ng pamilya niya!
Parang wala siyang balak iligtas ako sa kahihiyan.
“Ethan!” bulong ko.
“Hmm?” sagot niya, casual pa rin.
“Say something!” asik ko.
Ngumisi siya. Tapos inilagay niya ang braso niya sa likod ko.
Hindi niya ako hinawakan pero sapat na iyon para maramdaman ko ang init niya.
Para maramdaman kong nandiyan siya.
“We’re not together,” sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag.
Finally.
“But—”
Napatingin ako sa kaniya.
Bakit may but?!
“I’m courting her.”
Napanganga ako at napatingin sa kaniya na parang gusto ko siyang sakalin.
“Ethan!” hindi ko napigilan ang pagsinghal.
Natawa ang kapatid niya.
“I knew it!” bulalas pa nito.
Napahawak ako sa noo ko.
“Hindi pa nga ako pumapayag—”
“You will,” sagot niya agad. Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.
Napatingin ako sa kaniya at inirapan siya.
Naningkit ang mga mata ko.
“Excuse me?”
Ngumiti siya. Hindi pabiro. Hindi nanunukso.
Confident.
“Eventually.” dagdag pa niya.
Napalunok ako.
Bakit parang sigurado siya?
“Grabe ka naman, kuya, hindi mo man lang tinanong kung gusto ka niya?” sabi ng kapatid niya.
“Gusto niya ako,” siguradong sigurado niyang sagot.
Ang kapal ng mukha ha! Buti nalang gwapo siya.
“Hoy!” singhal ko sa kaniya.
Inosente niya lang akong tiningnan.
“You didn’t deny it.”
Napatigil ako sa sinabi niya.
“Ha?”
Napaisip ako.
Wait..
Hindi ko nga dine-deny.
Shit!
Napahawak ako sa noo ko at napakagat labi.
“Hindi ibig sabihin nun—”
“It means something,” putol niya.
Napatingin ako sa kaniya ng masama. Muli akong napalunok dahil sa paraan ng pagtitig niya.
Tinging hindi nang-aasar, hindi din naglalaro.
Seryosong tingin.. Iyong tingin na magrereact talaga lahat ng organs mo sa katawan!
“Okay!” biglang singit ng mama niya.
“Enough of this interrogation.” Napatingin kami sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag.
Salamat naman!
“Clara just got here. Hayaan niyo muna siyang mag-adjust.” marahang pahayag ng mother ni Ethan.
“Sorry, ate.” sabi ng kapatid ni Ethan habang nakangiti.
“Na-excite lang, first time kasi ito.”
Napailing ako.
“Okay lang…”
Hindi ko alam kung nagsasabi ako ng totoo na okay lang pero hindi naman ako uncomfortable.
Nalilito lang at nabibigla sa kanila.
“Are you hungry, hija? Come on, try these treats!” aya ni tita Alondra sa akin.
Napatingin ako sa mesa.
Cookies.
Cake.
Chocolate.
Juice. Napalunok ako sa dami ng mga iyon..
Hindi ba uso ang diet sa kanila? Puro matatamis eh.
“Hindi na po— I mean… medyo po.”
Natawa siya sa sagot ko. Nakakahiya naman kasing tumanggi, plus medyo natatakam ako sa mga nakahain sa mesa.
“Good. Kumain ka. Don’t be shy.” sambit niya pa.
Hindi na ako tumanggi.
Kumuha agad ako ng cookie at kumagat doon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang matikman iyon. Hindi pangkaraniwang cookies ha! Masarap!
Kumagat ako ulit at ninamnam ang kakaibang lasa niyon.
“Ang sarap…” hindi ko napigilang sabihin.
Narinig kong natawa si Ethan.
“Of course, baby.” marahan niyang sambit kaya napalingon ako sa kaniya.
“Bakit?”
“That’s homemade,” sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Talaga?”
Tumango ang mama niya.
“I made those, dear. I’m glad you liked it.”
Napanganga ako.
“Ang galing niyo po!”
Ngumiti siya ng matamis.
“Thank you.”
Napatingin ako kay Ethan.
“Ang swerte mo naman!” nakangiti kong bulalas.
“Alam ko,” sagot niya.
Tapos tumingin siya sa akin ng diretso.
“Pero mas swerte na ako ngayon.” dagdag niyang sabi sabay kindat pa kaya napanganga ako samantala ay napatili si Ethyl.
Mahina ding natawa sina tita Alondra at ang lolo nila kaya agad na nag init ang buong mukha ko.
Ganito ba talaga si Ethan dito sa bahay nila?? Hindi naman siya ganito kalandi ah?
Jusko!
“Clara,” tawag ng lolo niya.
Napalingon ako.
“Yes po?”
“Do you know what Ethan does?”
Napatingin ako kay Ethan. Sumandal siya sa sofa.Parang hinihintay niya ang sagot ko.
“Business po?” sagot ko.
“Anong business?” tanong ng kapatid niya.
Napaisip ako.
“Hindi ko pa po alam…”
Natawa silang lahat.
“Of course you don’t,” bulong ng kapatid niya.
Napatingin ako sa kaniya.
“Why?”
Napatingin siya kay Ethan.
“Because he likes surprises.”
Naningkit ang mga mata ko.
“Anong ibig sabihin nun?”
Ngumiti siya.
“You’ll see.”
“Enough for now,” sabi ni Ethan kaya napatingin ako sa kaniya.
Tumayo siya at inabot ang kamay ko.
“Come with me, baby.” aya niya pa. Napatingin ako sa kamay niya.Tapos sa mukha niya.
“Saan?”
“Ito-tour kita sa buong bahay,” nakangiti niyang saad. Napatingin ako sa pamilya niyang nasa harapan ko.
Ngumiti ang mama niya.
“Go ahead.”
“Enjoy,” dagdag pa ng kapatid niya. Pagtingin ko sa lolo niya ay nakangiti din ito sabay tango sa akin kaya hinawakan ko ang kamay ni Ethan at tumayo na din.
Habang naglalakad kami paalis ng sala ay napansin ko ang hawak niya.
Mahigpit iyon pero hindi masakit. Iyong mararamdaman mong espesyal ka at ayaw ka niyang bitawan, ganun!
“Grabe,” sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
“Ang laki ng bahay niyo, Ethan!” Bulalas ko.
“Hmm.” simple niyang tugon.
“Hindi ka naliligaw dito?”
Natawa siya sa tanong ko.
“No.”
“Sigurado ka?” pangungulit ko pa.
Napatingin siya sa akin.
“I always know where to go, Clara.”
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi lang bahay ang tinutukoy niya.
O baka oa lang ako at nag iisip ng kung ano ano?