Kabanata 28 "Are you all aware that Phelps is one of the most capable Neurosurgeon here in our hospital?" TAPOS ay naupo sa ibabaw ng kaniyang mesa ang Chief Executive Office na si Ferdinand San Juan habang nakahalukipkip at nakaharap sa amin ni Camille. Nanatili akong nakatitig sa name tag ng CEO na nasa gilid na bahagi ng kaniyang inuupuan. Hindi ko na yata siya kayang matitigan muli, matapos kong iulat sa kaniya ang nangyari. Halata sa kaniyang mga mata na hindi niya iri-risk si Phelps kahit pa narinig na niya ang kuwento namin. "What Phelps' attitude towards you both doesn't have anything to do with my hospital, so, I don't think I have a care about that. Phelps is making me money-and that's more important, my nurses." Pakiramdama ko ay halos madislocate na ang mga panga ko nang m

