Kabanata 29 “He’ll be a good father someday.” MAHINANG bulong ni Merlice sa akin nang tignan namin si Brix na hinehele na sa pagtulog si Herbi. Bahagyang napangiti na lang ako. “Why the slight smile? Doesn’t he love you back?” Napangiwi na lamang ako sa tanong ni Merlice bago ko siya hinarap, at saka ko sinabing, “Come on, let’s open your Champagne.” sambit ko bago ako kumuha ng nachosa sa malaking bowl at saka iyon idinip sa cabbage with dressing, bago ako nagpunta sa kitchen upang kumuha ng corkscrew. “He’s already asleep, I guess.” sambit ni Brix nang mapadaan ako sa kaniya. Pinunasan ko agad ang kamay ko at saka ay umakma akong kukunin ko na siya sa pagkakahawak niya ng umiling siya, “Can you just open his door for me?” Tumungo agad ako at saka ay nagtungo na papunta sa pinto ng

