Kabanata 10

1362 Words
Kabanata 10 KINAGABIHAN nang masiguro kong tulog na si Herbi ay kumuha ako ng night robe at saka lumabas ng unit para pumunta kay Unit 131. Ilang araw na mula nang may mangyari sa amin. Pagkatapos no’n ay hindi na muling nagkrus pa ang landas namin. Hindi na rin siya pumupunta sa kuwarto tuwing gabi. Hindi ko alam kung bakit bigla ay parang nawala na lang siya nang parang bula. Itinali ko ang night robe sa akin ng mahigpit at saka kumatok sa kaniyang pinto. “Brix?” pagtawag ko sabay katok sa pinto, pero walang sumasagot. “Brix!” sumigaw na ako dahil baka mamaya ay tulog na pala siya, tapos ay kumatok pa ako ng ilaw beses, pero walang nagpunta sa pinto. Tinignan ko ang wrist watch ko upang i-check ang oras. 11:32 p.m. na pala. Pero may kutob ako na gising pa siya, dahil iyon ang kadalasang oras na bumabalik siya sa unit niya matapos ko siyang gamutin. Alam ko na gising pa siya. “Brix!” muli ay pagsigaw ko sabay ng ilang katok sa kaniyang pinto nang bigla kong marinig ang pagding ng elevator. Napalingon agad ako upang tignan kung sino ang lalabas mula sa elevator, baka nalate lang siya ng dating, o baka naman ay may ibang pinuntahan, only to find out na cleaner lang pala iyon na may push cart na naglalaman ng panglinis ng hallway. Napangiwi na lang ako bago ko ibinaba na ang kamay kong nakakamao na katok nang katok sa pinto niya. “Ah, hinahanap niyo ba yung tenant diyan sa 131?” usisa agad ng cleaner nang makita ako. Napabuntong hininga ako bago ko siya tinanguan. “Umalis ho iyon, ‘ta nakita ko ho kanina.” sambit pa niya na tinanguan ko ulit, tapos ay nagpasalamat na lang ako bago dapat ay babalik na ako sa unit nang bigla niya akong pigilan. “Nako, Ma’am, kung ako sa inyo huwag ninyo hong syotain ‘yun.” dagdag pa ng babae na nakapukaw sa interes ko. Nilingon ko ang elevator para makita kung may lalabas ba tapos ay tinanong ko siya, “Bakit?” usisa ko sa kaniya. Naipurse niya ang labi niya bago niya binitawan ang hawakan ng push cart niya at saka lumapit sa akin. “Nakita ko na hong lumaban sa Goose House 'yon. Illegal po ang trabaho no’n.” bulong niya sa akin na biglang ikinadry ng lalamunan ko. Alam ko. Pero bakit iba ang dating kapag sa iba galing? Bakit parang lumalabas na ang sama-sama niyang lalaki? “Saan ba ‘yung Goose House?” Hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko, pero huli na ang lahat dahil nakasagot na siya. “Sa kabilang kalsada lang. Diretso mula po dito hanggang dulo, ta’s pagliko, nandoon na.” sagot ng babae. Napatango na lang ako sa kaniya, kunwari ay wala akong interes patungkol doon. Tapos ay pumasok na ako sa loob ng unit. Tila nanlulumo akong naupo sa sofa pagbalik ko sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ganitong kaba ang nararamdaman ko patungkol kay Unit 131. Ibang takot nang sa iba ko narinig. Ibig kong sabihin, wala naman na akong nararamdamang takot para sa kaniya sa tuwing umuuwi siya nang duguan—pero ang ganito na marinig ko sa iba? May kaba, may takot. Sa tingin ko ay hindi na siya ligtas pa. *** Hinigpitan ko ang yakap sa aking sarili nang makababa ako sa metal ladder na nakakunekta sa likod ng Emerald Apartment. Ang fire exit na dinadaanan lagi ni Unit 131 sa tuwing pumupunta siya sa kuwarto ko. Ngayon ko lang napagtantong ang bintana niya ay nasa face ng hotel, habang ang bintana ko ay sa back ng hotel. Dahilan para mawalan ng fire exit or metal ladder ang labas ng bintana ni Unit 131. Isang rason na rin siguro kung bakit sa kuwarto ko siya dumaan noon. Yumuko pa ako ng bahagya habang naglalakad upang walang makapansin sa akin—kung sakali mang may nakakakilala pala sa akin dito. Mabuti na lang at may kalakihan ang suot kong jacket na may hood. Dahilan para magkaroon ng mas malaking space ang hood dahil pangmalaki itong tao. Dahilan rin para mas maitago ko ang mukha ko. Nakita ko agad ang kumikislap na neon colors ng Goose House sign. Napangiwi ako ng makita ko ang hitsura nito. It doesn't seem like may nagbubugbugan sa loob nito dahil napaka friendly ng dating niya. Resto-bar, hindi iyong inakala kong may mga sumasayaw na hubad na babae sa loob. Sabagay, maganda rin ang pangalan ng establishment nila. Kung maooffend lang ang babae kapag pumasok doon, e dapat titulo pa lang ay pinalitan na nila ng explicit na pangalan.  Lumapit ako sa building at saka nagmasid mula sa labas. Glass kasi ang walls kung kaya’t nakikita ang mga nangyayari sa loob. Tila ay normal na resto bar lang ito, at may piano pa sa loob—mukha wala naman ditong nakapuwesto na malaking cage na paglalabanan ng mga fist fighter. Masyadong payapa sa loob. “Come on, dude. It’s Abel’s fight night, how could you be so cruel?” Natigilan ako nang marinig ko ang iritang sambit ng babae sa isang bouncer sa labas din ng establishment ng Goose House. Napakunot noo ako nang marinig ko ang pangalang Abel. Abel—like, Brix? Si Unit 131 kaya ang tinutukoy niya? Minatyagan ko ang sila gamit ang peripheral view ko. Nakita kong naglahad ng kamay ang bouncer tapos ay nag-abot ng pera ang babae bago binuksan ng bouncer ang hinaharangan niyang gate pa pala. I pursed my lips. I never felt this kind of thrill before. Of course. It’s an illegal organization, therefore, secret ang place nila—and they will find a place ba super normal lang kapag tinitignan. Just like Goose House. Of course, how can I be so dumb? Muli ay tinignan ko ang wrist watch ko upang tignan ang oras. 11:58 p.m. na. Dalawang minuto na lang ay hating gabi na. Sana ay hindi magising si Herbi. Sana pala ay pinatulog ko na lang si Trixy sa bahay para kahit papaano ay may titingin kay Herbi. Hindi, okay lang ‘yan. Malapit lang ako, anak. Hinigpitan ko ang yakap sa sarili ko nang lapitan ko ang bouncer. Hindi ko alam kung bakit malamig ang simoy ng hangin sa gayong Summer season na. Siguro ay dahil na rin sa katotohanang ang San Juan ay nakalocate sa mataas na lugar just like Tagaytay and Baguio, kaya malamig pa rin dito kahit Tag-init na. “Pupusta ako sa Underground Fight.” sambit ko sa bouncer nang makalapit ako sa kaniya. Binuno ko ng pagkaseryoso at pagkasinsero ang boses ko para maniwala siya sa akin. “Nagsisimula na ang Round One. Nagpustahan na.” matabang na sambit ng bouncer na tila wala talagang balak na pagbuksan ako ng gate. Huminga ako ng malalim bago ko tinanggal ang hood ko. “Gusto ko lang mapanood si Abel, okay? Gabi-gabi na lang nagpapatalo siya. Please, he need to win now.” madiin kong sambit sa bouncer na nagpakunot sa noo niya. Nanatili siyang nakatitig sa akin, tila kinikilala ang mukha ko. “Ngayon lang kita nakita dito.” madiin niyang sambit tapos ay nakita ko ang pagkapa niya ng kung ano na nakatuck sa pants niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng baril na hinugot niya sa pagkakaipit sa pantalon niya. Monotonous ang tingin niya sa akin. Napataas agad ako ng magkabilang kamay ko sa takot. “Hindi ako pulis!” sambit ko agad. Ramdam ko ang mabilis na pagtulo luha ko sa takot sa kaniya. Agad na pumasok sa isip ko si Evans na naka-uniporme at may hawak na baril. Naalala ko agad ang unang araw na sinaktan niya ako gamit ang baril niya. Ang sakit lang isipin na ang ganda ng tandem namin noon dahil Pulis siya at Nurse ako. Parehos kaming tinatry ang buong makakakaya namin para magligtas ng mga taong nasa bingit ng kamatayan, pero nagbago siya—siya na dapat sumasagip sa akin, siya pa itong nananakit sa akin. “Woah, easy there big girl. Umuwi ka na lang sa inyo.” sambit ng bouncer at saka tinuro sa akin ang kalsada. Sa takot ko ay wala akong nagawa. Nagmadali na akong makaalis sa lugar na iyon para umuwi kay Herbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD