Kabanata 11
IBINABA ko sa isang gilid sa loob ng elevator ang mga supot ng pinamili kong grocery sa tulong na rin ni Mang Isko na buhatin ang ilan, ilang araw matapos ang pangyayari sa labas ng Goose House.
Hindi ko pa rin nakikita si Unit 131, simula nang may mangyari sa amin noong gabi na iyon.
Napahinga na lang ako nang malalim nang maalala ko pa, at saka napatitig sa sahig ng elevator.
Siguro katulad lang rin si Unit 131 ng ibang lalaki. Gagamitin ka lang pamparaos. O, kaya naman ay kapag nakuha na nila ang gusto nila sa iyo, donr project na. Ipapasa ka na sa ibang boys. Pangdagdag koleksyon ba?
Inaamin kong some part of me regrets what happened that night-pero hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na tila longing sa kaniya, when in fact, isang beses lang naman namin iyon ginawa.
It's a mystery to me, how he can just simply make me weak for me. Make thirst for him, just like a new born vampire na kakatikim pa lang ng dugo, naadik na agad.
He's making me a vampire-and that's toxicity he's putting in me. Nagiging kanser ako ng lipunan dahil parang nahahayok ako sa-katulad ng term ni Astatine, totnak-niya.
And I don't think I need that now-that kind of toxic relationship, kasi may anak ako na kailangan kong bantayan.
May anak ako na kailangan kong alagaan. Hindi na ako dalaga na kahit kailan ay pwedeng-pwede lumandi.
Pasara na ang metal doors ng elevator nang may kamay agad na humarang sa tiyak na pagkasara noon. Agad akong napaangat ng ulo upang makita kung sino ang nangahas.
Unit 131.
Napatikhim agad ako nang magsalubong ang mga tingin namin.
Ang lahat ng mga iniisip ko ay tila dumiretso na sa basurahan-ni wala na akong maalala sa mga iniisip ko kanina, dahilan para maging awkward sa akin ang mga sumunod na segundo.
Hindi mapakali ang isip ko, pero wala naman itong tiyak na iniisip. Tila naglalakbay lsng, humahapyaw sa bawat pahina, pero walang naiintindihan.
Pakiramdam ko ay manlulumo ako sa hiya sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako ang may karapatang mahiya, e siya itong nang-iwan sa akin matapos nong isang gabi na iyon.
"I heard you went there." narinig kong panimula niya.
Hindi ako lumingon. Pinilit kong manatiling nakatitig sa nakasaradong metal doors.
Pero iba ang takbong isip ko, parang may humihila rin sa mga mata ko-invisible forces, pinipilit akong tignan siya.
Wala akong nagawa, tila ba awtomatiko ring lumingon ang mga paningin ko upang tignan siya.
"Saan?" tanong ko sa kaniya. Imbes na normal na boses ay umimpit ang tono ko. Gusto ko na lamang ibaon ang sarili ko sa hukay sa pagtraydor niya sa akin.
"There." sagot niya agad at may pagtip pa ng ulo.
Alam ko kung ano ang sinasabi niya, pero baka mamaya ay hindi naman talaga sa Goose House ang pinapatungkulan niya, dahil imposibleng makilala ako ng bouncer noon, dahil una, hindi naman ako nagpakilala doon.
Puwede rin kasing unit niya ang tinutukoy niya. Mamay ay may recorder ot hidden camera ang peep hole niya para makita kung sino ang dumadaan o kakatok at tatawag sa kaniya, hindi ba?
"Elaborate?" nasambit ko na lang. Laking pasalamat ko naman at nagpantay na ang boses ko.
Nagform ng thin line ang mga labi niya, pero fixed ang mga mata niya sa akin at monotonous ang tingin niya-wala pinapakawalang emosyon.
Hindi ko tuloy madetermine kung may pagkairita ba siyang nararamdaman o pagkayamot dahil sa nakakainis kong tanong.
Ako kasi, para sa sarili ko, kapag tinanong o sinabihan ako nang katulad ng sinabi kosa kaniya ay baka masigawan ko ang kausap ko-pwera na lang kung professor iyon.
"Goose House-unit ko." tipid na sagot niyang ikinalaglag ng panga ko.
So, all of my hypothesis were accepted? Wow. Kung may katawan ang utak ko, nakangiti ito sa akin habang pinapalakpakan na ako nito ngayon.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Ano bang dapat kong isagot? Panagutan niya ako? At saka hindi naman ako buntis diba? Magagalit ba ako, e parehas naman naming ginusto iyon. Alangan namang magthank you ako just because that was the first time I get laid after two years, ano ako hilo?
Wala akong dapat sabihin, hindi ba?
Juat take it as a one night stand. Just a one night stand, parang gano'n lang. No attachment after. No feelings. Just a night to get laid, and done.
Finished.
Bakit ngayon lang pumasok sa isip ko iyon? f**k. Eli, you are out of your mind!
"Eli?" tanong pang muli ni Unit 131 na nagpatayo sa mga balahibo ko.
It's the first time I heard him say my name. I love just how the tip of his tongue touched his alveolar ridge when he say my name.
"Ah, alam mo-" tapos ay biglang nagbeep ang elevator, at siyang bukas nito.
Bali na lang ang pagpapasalamat ko sa elevator, at kung may katawan lang ay elevator na ito, ay nayakap ko na ito properly.
Kinuha ko agad sa flooring ang lahat ng supot ng mga pinamili ko, pero hindi ko mahawakan lahat. Masyado itong marami, kaya nga ako tinulungan ni Mang Isko kanina.
Kung may katawan ang utak ko, ay nasuntok na agad ako nito sa kagagahan.
Kinuha agad ni Unit 131 ang mga supot na hindi ko pa nabibitbit, iniisipan ko pa lang ng paraan para bitbitin, pero hinayaan ko na siya. Hindi na ako tumutol pa. Kung bata pa ako, malamang ay nagtatakbo na ako pabalik sa unit ko dahil sa hiya ko sa kaniya.
Pero hindi na ako bata.
Ang tanging magagawa ko na lanb sa sarili ko ay lunukin lahat ng natitira kong pride para sa sarili at maglakad ng diretso.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang tila timed-bomb ko nang puso dahil sa takot ko na itanong na naman niya ang hindi natuloy kanina.
Pero hindi na siya nagsalita pang muli. Nahalata na rin siguro niyang hindi ko rin gustong sagutin ang tanong niya.
Mas marami ang bitbit ko kaysa kay Unit 131. Kaya naman nang nasa tapat na kami ng unit ko at pinilit kong abutin ang susi ko sa aking bulsa ay hindi ko nagawa dahil sa handful ng hawak ko.
Unti-unti akong yumuko para ibaba ang mga hawak ko nang maramdaman kong sumuot ang mga daliri niya sa loob ng bulsang bilit kong inaabot kanina.
Halos magtayuan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang haplos niya kahit na may saplot pa ako. Halos manlumo ako nang dahil lang sa haplos niya. Tila pa ako pagpapawisan.
"Here." narinig kong sambit niya nang mailabas na ang tatlong daliri sa bulsa ko, tapos ay hawak ang susi. Binuksan niya agad ang pinto ng unit ko at saka ako pinaunang pumasok.
"You are so late, woman-Kuya Brix!" bungad agad ni Trixy nang pumasok ako kasunod si Unit 131.
Nanakbo agad si Trixy para tulungan ako sa mga bitbit kong supot. "Did you buy me something, huh, 'teh?" tanong pa niya habang bitbit ang ilang supot galing sa akin para dalhin sa kitchen island.
"Yep. Yours is the yogurt, as your wish." sagot ko agad sa kaniya bago ko nilingon si Unit 131 na nakatingin lang sa akin. Tila naghihintay na i-command ko sa kaniyang dalhin din iyon sa kitchen counter.
Hindi na ako nagsalita at tinuro ko na lang ang kitchen counter sa kaniya. Agad naman siyang naglakad patungo doon para ilagay ang mga supot doon.
"Hi, baby!" ngiti ko kay Herbi nang nilingon na niya ako.
Nakasalampak siya sa makapal at kulay pulang floor carpet sa gitna ng living room. Hanggang ngayon ay binubuo pa rin nila ni Trixy ang Lego Death Star.
Hindi ko lang alam kung bakit ngayon ay nandito na siya sa bahay at wala na kila Unit 131.
"Let's talk." narinig kong sambit ni Unit 131 nang bumalik na siya patungo sa akin pagkapuwesto niya ng mga supot sa counter.
Napatingin agad ako sa seryosong aura niya bago ako tumango sa kaniya at saka siya niyaya sa labas ng unig.
"What happened that night-" panimula agad ni Unit 131 nang putulin ko siya nang may ngiti.
"Just a one night stand, I know." sagot ko agad sa kaniya na inilingan niya.
"No. We regret doing that. We should forget that happened." paglilinaw naman ni Unit 131 na nagpatikom sa bibig ko.
Agad akong tumango sa kaniya. Tumango lang siya ng slight bago na siya bumalik sa unit niya.
Tila sasabog ang dibdib ko nang mawala na siya sa paningin ko.
Hindi ko alam kung anong klase ng pasisisi ang nararamdaman ko pero sising-sisi ako. Hindi ko lang alam kung saan. Because the s*x? It was great. But his behavior? It's nerve-wracking.
It's stressful and absolutely frustrating.