Kabanata 12

1846 Words
Kabanata 12 "Done for tonight," SAMBIT ko kay NSV pagkalapag ko ng MAR sa kaniyang desk. Tinanguan niya lang ako ng bahagya pero hindi siya lumingon sa akin. "Good night, NSV." Napahinga na lang ako ng malalim bago ako nag-inat at saka nag-exhale bago pumunta na sa locker room at makapaghubad na ng scrubs. Ang huling call ko kasi ngayong araw ay sa MRI Room para mag-assist sa pre and post procedure for Brain Tumor Biopsy ni Mrs. Hill. Ang sabi ni Doc Phelps, ang neurosurgeon na may hawak ng case ni Mrs. Hill, ay halos isang taon na lang daw ang itatagal niya. Napaisip ako sa sitwasyon ni Mrs. Hill. Dati na kasi niyang naikuwento sa akin na may dalawa siyang anak. Isang babae at isang lalaki na mag-isa niyang tinaguyod sa pagpapalaki dahil maagang nawala ang kaniyang asawa. Natawa pa ako sa term niyang nawala noon, dahil ang ibig sabihin pala niya ay maaga siyang iniwan at nangibang bahay. Isang OFW daw sa Qatar at naextend nang naextend ang contract, e nakauwi na ang kasama niya. Doon lang niya nalamang may asawa't anak na pala doon. Pagkauwi ng kasama ng asawa niya, doon na rin ito tumigil sa pagsusustento sa kanila. Ngayon naman ay malayo na ang anak niyang panganay sa kaniya, ang lalaki na siyang naging successful na, pero hindi naman daw tumigil sa pagpapadala. Itong babae naman na anak niya na nagloko noong kabataan, ay may tatlo nang mga anak ngunit nakailang palit na rin ng asawa-hindi siya kasal sa lahat. Nalulungkot lang siyang may taning na ang buhay niya, pero hanggang ngayon ay hindi niya parin nakikita ang panganay niya-kahit miski ang anino lang nito. Wala naman akong magawa upang aluin siya dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Mahirap rin kasing magpaasa kung ganitong may taning na, pero mas mahirap din namang magcrush ng pangarap, dahil baka mamaya ay matuluyan. Bitbit ang maliit na gym bag ko, matapos kong makapagpalit ng damit ay lumabas na ako ng locker room upang makapunta na sa parking lot para sa scooter ko. "Hi," halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng boses sa likuran ko tapos ay hininga nito ay agad dumapo sa leeg ko. Lumingon agad ako para makita kung sino. "Doc Phelps." mahina kong bati kay Doc Phelps na nakasuot pa rin ng lab coat at tila ay may pupuntahan. "Another call?" tanong ko pa agad tila sasabay siya sa akin patungo sa elevator. Pumasok na ako sa elevator pagbukas ng metal doors, ilang segundo nang pindutin ko ang arrow down button. "Nah," he said in an American accent with the slight shake of his head. "Floor?" tanong ko sa kaniya, ngumiti lang siya sa akin kaya hinyaan ko na siya at pinindot ko na ang button one para sa lobby. Hindi na siya pumindot pa, baka doon din ang punta niya. "So," narinig kong panimula niya sa akin nang tumigil ang elevator at saka bumukas, tapos ay pumasok si Nurse Carol, ang dati kong supervisor noong fledgling pa lang ako. "Nurse Carol," bati ko sa kaniya at nilingon naman niya ako agad, dahil nasa unahan ko siya. "Nurse Cecel." bati niya. Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti. Naalala ko pa noon kung gaano siya ka-considerate hindi gaya ni NSV na sobrang gigil palagi. Maayos kaming inalagaan ni Nurse Carol noon at pasensiyado siya, lalo na kay Mariana noon. Naalala ko ngang nagfaint pa si Mariana noon sa sight ng blood noong Assessment Test namin noong nag-aaral pa lang kami ng Nursing. Sa San Juan Medical School kasi ako nag-aral, kaming dalawa ni Mariana, tapos ay sa SJM Hospital kami pinadala at ang naging supervisor namin ay si Nurse Carol. Nang maging registered nurse ako, noong una ay sa isang hospital sa Ignacio, kung saan ko nakilala si Evans. Pero hindi niya ako matutunton sa San Juan, malakas ang paniniwala ko dahil hindi ko naman nabanggit sa kaniya ang mga eskuwelahang pinasukan ko noong nag-aaral pa lang ako. Hindi kami umabot sa punto ng ganoon sa relasyon namin-dahilan kung bakit napaka toxic no'n. Hindi pa nga rin kami kinakasal. Pinaplano pa lang, but when Herbi came, dahil sa mga baby expenses na nadagdag, isinantabi na lang namin pansamantala ang kasal, hanggang sa nakalimutan na ng tuluyan. But Evans know that I grew up in Felomino, which is four towns away from here in San Juan-mas malayong puntahan iyon kapag galing ka sa Ignacio, kumpara sa pagpunta ng San Juan. Napalingon ako kay Doc Phelps nang maalala kong may sasabihin nga pala siya, "Ah, Doc, ano nga ho ulit iyon?" tanong ko kay Doc Phelps nang maalala ko ang naudlot niyang mga salita. Agad napalingon si Nurse Carol kay Doc Phelps sa likod namin. Nakita ko agad ang kakaibang tingin niya kay Doc Phelps na tila ay napansin din kaagad ni Doc Phelps. Tila ba may tension sa pagitan. Sa takot na lang siguro ni Doc Phelps sa aura na pumapalibot kay Nurse Carol ay sinabi na lang niyang, "Forget it." Hindi na ako magtataka pa, dahil noong unang ipakilala kami kay Nurse Carol noon ay halos maihi kami sa salawal sa takot sa kaniya. Malaki kasi siyang babae na may kulot at makapal na buhok. Tapos ay dilated ang mga mata niya, tila sa palaka. At saka maitim ang complexion niya. Naalala ko pa kung gaano natakot si Mariana noon sa kaniya. Nagbeep ang elevator, hudyat na nasa third floor na kami. Bitbit ang kaniyan MAR, bahagyang tumango sa akin si Nurse Carol, tapos ay kay Doc Phelps din sa likod ko, kasabay ng pagbukas ng mga metal doors tapos ay lumabas na siya at saka muling sumara ang metal doors ng elevator. Narinig ko ang pagtikhim ni Doc Phelps, pero hindi ko na lang siya pinansin. Hindi na rin siya nagsalita pang muli hanggang sa makarating kami sa lobby ng hospital. Kinapa ko agad ang keys ng scooter ko paglabas ko sa glass doors na exit ng SJM Hospital para hindi na ako mahirapan mamaya kapag nasa harap na ako ng scooter. "Care for a drink or two?" narinig kong tanong ni Doc Phelps nang makalapit na ako sa scooter ko. Awkward na nginitian ko lang siya sa bigla niyang pagsulpot sa harap ko. "Nako, Doc, may anak po akong naghihintay sa bahay." sambit ko agad sa kaniya. Usually the word anak ay naging pantaboy na ng mga manliligaw o mga nagyayayang lalaki sa akin na katulad nito-maliban kay Rexter na persistent noon. "Oh," tila disappointed na sambit ni Doc Phelps sa akin na parang ngayon niya lang nalaman, "Is that what you say to Nurse Lopez after your date night?" dagdag pa niya habang nagkakamot ng kaniyang baba. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya, "Sauvignon Blanc Night? Rang a bell?" Naipag-igting ko na lamang ang mga bagang ko sa sinabi niya sa akin. Lumaki ang mga ngisi niya. Ngisi ng isang totoong demonyo. "I heard, dinala mo pa siya sa apartment mo?" narinig ko pang dagdag niya, "Tell me, did you two-" hindi niya tinuloy ang balak niyang sabihin. Sa halip ay pinagsalikop niya ang dalawang kamay at saka pinagbukas sara na nagpapahiatig ng s*x. Seryoso ko lang siyang tinitigan. "What do you want?" snap ko sa kaniya na mas lalong ikinalawak ng ngisi niya. "Did you know that you deprived me of a s*x mate after that incident in on-call room?" sambit niya agad tapos ay nakakadiring dinilaan niya ang lower lip niya. "But it's fine, I like your body more than Jane's. Malulusog lang ang t**s niya." tapos ay napakamot siyang muli sa baba niya. Napangiwi ako sa sinabi niya, hindi ko matukoy kung saan lalandas ang mga salita niya-o ayaw ko lang isipin na doon ang bagsak no'n. Dahil paniguradong masasampal ko siya kapag nagkataon. "Kung ayaw na niya sa'yo, hindi ko na kasalanan 'yon." sagot ko sa kaniya. Nawalan na ako ng paggalang dahil sa ugaling inilalabas niya. Demonyong hayop-manyakis na doctor. "Yes, it's all on you, Cecelia." sagot agad ni Doc Phelps at saka ako kinunotan ng noo bago siya naglean in upang makalapit sa mukha ko. Napapigil agad ako ng aking hininga sa takot na bigla niya akong dakmain ng halik. Nakikita ko si Evans sa kaniya-parehas ng apoy sa mga mata niya ang apoy ng kay Evans-tigang, uhaw, galit, pero walang passion. "Had you not tell your friend nurse, hindi ako ibabasura ni Jane, Cecelia. It all falls on you." paliwanag pa ni Doc Phelps na nagpakunot ng noo ko. Si Astatine ba ang tinutukoy niya? Naalala ko bigla ang mga masamang titig ni Jane noong pagpasok ni Astatine tapos ay nag-usap kami patungkol kay Unit 131. Teka. . . Inakala ba ni Jane na siya ang pinag-uusapan namin? Napaigting na lang ang mga bagang ko. Kung takot pala siyang mahuli, e bakit pa niya ginawa ang mali? "Wala akong kinukwento sa iba, dahil wala akong nakita." sagot ko agad kay Doc Phelps tapos ay sumakay na agad ako sa scooter ko. Pero bago pa man ako tuluyang makaupo sa scooter seat ay naramdaman ko na ang palad niyang nakalapat doon na agad dumakma sa pribadong parte ko. Agad na tinabig ko palayo ang kamay niya sa galit. "Come on, let me do that again. Just let me hear your f*****g moan." tapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang kanang kamay kong tumabig sa kamay niya. Hindi ko matanggal ang mahigpit niyang kamay. Out of nowhere ay bumalik ay memorya ko sa basement noong hindi ako makaalis doon dahil sa higpit ng kadenang nakatali sa akin. Naramdaman kong nagsimulang mabalot ng luha ang gilid ng talukap ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay napupuno ng hangin ang lungs ko pero hindi ako makapag-exhale. Tila magko-collapse na yata ang lungs ko. Habang pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko, at pakiramdam ko ay nanginginig na ang katawan ko. Natatakot ako kay Doc Phelps. Pinapaalala niya sa akin si Evans. Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na mabuksan ang bibig ko. Tila pati ang dila ko ay nagtago na sa takot ko sa kaniya. "Come, tuwad ka lang ng isa." malokong sambit niya sa akin bago niya ako hinila papalapit sa kaniya. "Eli." narinig ko agad ang boses ni Unit 131 sa kung saan. Alam kong hindi ako magkakamali, ang kakaibang pagtouch ng tip ng dila niya sa kaniyang alveolar ridge-alam kong siya iyon. Nakita ko agad siya na gilid ng daan sa labas nh parking lot, at may bitbit na malaking supot. Tila nagpadry clean. "Brix." sambit ko sa unang pagkakataon. Pakiramdam ko ay ligtas na ako. Lumuwag ang kapit ni Doc Phelps nang unti-unti nang maglakad si Unit 131 papalapit sa kinalalagyan ko. Unti-unti ring humiwalay ang kapit sa akin ni Doc Phelps. "I should go. Good eve," narinig ko pang bati ni Doc Phelps kay Unit 131 nang makalapit na ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD