Kabanata 13

1294 Words
Kabanata 13 "How did you know?" TANONG ko agad kay Unit 131 habang naglalakad kami. Pang-isahan lang kasi ang scooter ko kaya hindi ko siya maiaangkas, dahilan para ako ang magbitbit ng supot ng pinadry clean niya. Kaunting damit lang naman at magaan lang. Habang siya naman ang naglalakad sa scooter ko, hawak ang dalawang handle. "It's a long walk." iyon lang ang nasambit niya habang nakatigin sa napakahabang daan na lalakarin namin para makauwi. Hindi niya na pinansin pa ang tanong kong naiwan lang na naka-hang sa ere. Hindi na lang rin ako nagsalita at napayakap na lang sa supot na hawak ko habang naglalakad. "Is he abusing you?" muli ay pagtatanong niya nang makaliko na kami sa kabilang kanto. Nilingon ko agad siya. Nakatiti siya sa akin, at pakiramdam ko ay may spark ng sincerity doon, pero napakabilis at napawi agad-para bang naghallucinate lang akong muli. "Si Doc Phelps?" tanong ko pa bago ako napahugot ng malalim na hininga. "Ngayon lang siya naging ganiyan. May galit sa akin." naging sagot ko na lang. Hindi na siya nagsalita pang muli, at tahimik na ulit kaming naglakad. "Be safe." muli ay narinig ko ang mahina niyang boses. Napalingon agad ako sa kaniya. Hindi niya ako nilingon nang sinabi niya iyon, diretso ang tingin niya. Pero hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Siguro dahil parang naramdaman kong may concern siya sa akin. "There's a kid waiting for you to come home, you know." dagdag pa niya na nagpapurse ng labi ko. Of course, out if concern for Herbi. Pero ngumiti na lang rin ako para magpasalamat sa kaniya. "Brix. . ." hindi ko alam kung bakit ko sinambit ang pangalan niya. Siguro ay gusto ko lang ang pagroll ng dila ko sa tuwing sinsabi ko ang pangalan niya. "Brix," Mula ngayon, Brix na ang itatawag ko sa kaniya. Kakalimutan ko na ang Unit 131 na ipinangalan ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin nang sambitin ko ang pangalan niya. Nakaangat ang dalawa niyang kilay nang magtama ang tingin namin. Napatitig agad ako sa iris niya. Kulay light brown. Inisip ko agad kung bakit walang kinang sa mga mata niya-ang sabi kasi nila, kumikislap ang mata ng mga in love. Napaisip ako agad kung meron kayang napupusuan si Brix? Nagmahal na kaya siya? Pakiramdam ko ay puno ng lungkot ang mga mata niya. Pakiramdam ko ay marami siyang pasan. Pakiramdam ko ay hindi pa siya nakaramdam ng saya. Nangunot ang noo niya nang hindi ako magsalita, nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. "Eli," sambit niya, tila kinukuha ang atensyon kong nasa kaniya naman nakatutok. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang marinig ko ang boses niya-ang pagtawag niya sa pangalan ko. Eli. I really love how the tip of his tongue touched his alveolar ridge whenever he say my name. "Magnanakaw!" nakarinig agad kami ng sigaw ng isang babae kasabay ng pagtulak sa akin ng sinasabing magnanakaw. Agad akong tumilapon patungo kay Brix nang itulak ako ng nagmamadaling magnanakaw, dahilan para agad na saluhin ako ng kanang kamay ni Brix, habang sa handle ng scooter naman ang isa niyang kamay. "f**k," mahinang sambit niya habang nakatitig sa aking napakalapit na mukha sa kaniya. Nakita ko ulit ang mabagal na paglunok niya kasabay ng pagbaba at taas ng kaniyang Adam's apple. Tumaas ang tingin ko patungo sa mga mata niyang titig na titig sa akin. Nakakunot ang noo niya. Hindi ko sinasadyang napakagat ako sa ibaba kong labi nang dahil sa nag-aapoy na naman niyang tingin. "Anak ko!" narinig kong muli ang boses ng babaing nanakawan, at tila doon lang bumalik ang ulirat ko. Napalayo kaagad ako kay Brix at the same time ay nabitawan niya ako. Tapos ay napalingon ako sa babae na sumigaw, at agad na nakita ang batang kasama niya na nakahandusay sa kalsada. Bitbit ang supot ay nanakbo agad ako papunta sa babae. Nakita ko namang sumakay si Brix sa scooter ko at saka iyun pinaandag patungo sa direksyong tinakbuhan ng magnanakaw. "Magko-collapse na yata ang baga ng anak ko!" sigaw niya sa akin. Puno ng panic ang hitsura ng babae at agad ko siyang ainabihang kumalma lang. Mabuti na lang at natapat pa siya sa poste ng ilaw. May ilan na nakuha ang atensyon sa sigaw ng babae dahilan para makiusisa. Kung may katawan ang utak ko ay malamang nasuntok na sila nito isa-isa. Nakikiusisa pa, mani tumulong sa paghabol sa magnanakaw! "Collapse? Any medical history po?" tanong ko agad bago ko chineck ang pulse rate ng bata at saka naglean in upang pakinggang ang hininga niya. Sana ay nagkakamali ako sa iniisip kong sakit niya. Not Pneumothorax, please. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam agad ako ng lungkot para sa bata. "Pneumonia." sagot agad ng ina ng bata na nagpasampal sa akin sa katotohanan. "Pulse rate, 137 per minute. No breathing sounds." sambit ko matapos kong check ang bata. Agad akong tumikhim bago ko sinigawan ang mga nanonood na tumawag ng ambulansiya. Ang iba sa kanila ay agad namang naglabas ng kani-kanilang cellphone. "Pneumothorax, I think." sambit ko sa ina ng bata bago pina-exhale ng pina-exhale ang bata, pero pinapigilan kong mag-inhale. Ang tanging kailangan niya ngayon ay magrelease ng hangin dahil napupuno na ang lungs niya-at kung magkataon, katulad ng sabi ng kaniyang ina, ay magko-collapse na ang kaniyang baga. Hindi basta-basta mamamatay ang bata, hindi siya life-threatening, only if left untreated lang dahil magiging fatal ang breathing problem niya. "Your bag, miss." narinig ko ang hinihingal na sambit ni Brix pagbaba niya sa scooter ko bitbit ang bag ng babae. Ilang bese na nagpasalamat ang babae kay Brix bago ako muling dinaluhan sa pagpapa-exhale ko sa bata. "Pneumothorax?" tanong agad ni Brix nang tignan niya ang ginagawa ko. Napalingon lang ako sa kaniya saglit at saka tipid na nalatango. He's smart, I know it. He has medical knowledge, and-yep, not everyone knows it because they settle with layman's term, but Brix is different. Napapaisip tuloy ako kung bakit pinili niyang mabuhay nang nakikipagbugbugan sa kabilang kanto malapit sa tinutuluyan niya, kaysa ang magkaroon ng mas maayos na trabaho. I mean, who knows, that he can even become a doctor, right? Why do I feel like, parang sinayang niya ang buhay niya? Nakarinig ako ng sirens na papalapit. Bali na lang ang pagbuntong hininga ko nang ipasok na ng Emergency Medical Responder ang bata sa loob ng ambulansiya sakay, matapos ko ring ibigay sa isa sa EMS ang diagnosis ko. *** "You should probably go, anong oras na 'to," panimula na naman ni Brix nang makaliko na ulit kami sa isa na namang kanto. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko rin iyon kanina pa, na kailangan ko nang makauwi kay Herbi dahil anong oras na ito-pero hindi ko maiwanan si Brix. Hindi ko alam kung hindi ko maiwang mag-isa, o hindi ko kayang umalis dahil gusto ko siyang kasama. "Okay," mahinang sambit ko sa kaniya at ay agad na ipinasa ko sa kaniya ang supot niya. That's right. Kailangan ko nang makauwi. Tama na ang landi, dahil hindi na ako dalaga. Sinipa niya muna pababa ang stand ng scooter ko upang mabitawan niya ito, at saka niya kinuha sa akin ang supot na bitbit ko, tapos ay inabot niya sa akin ang susi na nasa kaniyang kamay. Hindi ko alam, pero agad akong napalunok nang maramdaman ko ang kamay niya nang kuhain ko ang susi ko. Napatingin agad siya sa akin, na tila ba naramdaman niya rin ang kuryente na nilikha nang magdikit ang mga kamay namin. All of a sudden, nag-aapoy na naman ang mga mata niya. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko at agad akong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD