Kabanata 18

2044 Words
Kabanata 18 NAALIMPUNGATAN ako. Hindi na ako makabalik pa sa pagtulog nang ipinikit ko ang mga mata ko dahilan para lumabas ako ng aking kuwarto. Ayon sa digital clock ay 1:47 a.m. na. Mukhang aantukin ako nito mamayang umaga sa trabaho. Pumunta agad ako sa kitchen counter upang kumuha ng isang bag ng tsaa sa box ng Lipton. Napaisip agad ako kung gising pa kaya si Mang Isko. Hindi naman kasi iyon umaalis sa puwesto niya doon dahil may maliit na opisina sa gilid no'n na tinutulugan niya. May pumapalit lang sa kaniya sa tuwing tapos na ang shift niya. Malabo rin kasi ang shift ni Mang Isko, may oras na panghating-gabi, at may oras na pang-umaga naman siya. Napangiti ako at saka imbis na isang bag lamang ang kunin ay dinalawa ko na. Tapos ay nilagay ko ang tig isang bag sa dalawang tea cup at coaster na inilabas ko sa kitchen rack. Kinuha ko agad ang electric heater at sinalinan ng tubig upang magpakulo. Habang kumukulo ang tubig ay kinuha ko na ang maliit na tray malapit sa kitchen rack, tapos ay doon ko pinlace ang dalawang tea cup na may tea bag na at saka ko hinintay na kumulo ang tubig. Bumalik ako sa aking kuwarto upang magsuot ng night robe, nakapajama at sando lang kasi ako. Parang hindi ako kumportableng bumaba nang nakaganito lang. Naalala ko rin kasi na bubuksan na ang swimming pool sa roof top dahil Summer season na naman. Sa day off ko ay dadalhin ko doon si Herbi nang makalangoy naman siya. Kaso hindi ko pa alam ang schedule ng pagbukas, kaya itatanong ko na rin kay Mang Isko nang mauna kami. Sa init ba naman e, at sa dami ng tenants dito, ay baka mag-overcrowd sa pool. Dlawang pool lang kasi iyon. Isang pambata, at isang may kalaliman. Tapos ay isang slide para sa kiddie pool. Sa pitong floors ng Emerald Apartment na may kabuuang 155 units, ay hindi ko na lang alam kung hindi sumabog ang swimming pool. Kaso ay wala namang limit ang pagpapapasok. Noong nakaraang taon kasi ay kahit anong floor ang tinutuluyan ay sama-sama sa paliligo. Pero maigi na rin iyon, dahil masyadong maayos kapag scheduled sa paliligo ang bawat floors. Hindi naman kasi lahat ay gustong magbababad-nadedelay lang at dehado ang mg nasa dulo, lalo na kung hindi naman magbababad ang mga nasa unahan na nakaschedule. Tumunog na ang isang mahinang beep ng electric heater, dahilan para humahangos na bumalik ako sa counter table para hilahin ang wire ng heater paalis sa saksakan, tapos ay nagsalin agad ako ng mainit na tubig sa tea cup at saka naglagay ng dalawang tea spoons sa gilid ng coaster bago ko binuhat ang tray at nagtungo na palabas ng unit ko. Nakarinig agad ako ng ilang kaluskos mula sa labas. Nangunot ang noo ko at hindi muna binuksan ang pinto. Ano kayang meron sa labas at madaling araw na? Pumasok agad sa isip ko si Brix na katapat ng unit ko ang tinitirahan dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko. Tila ba biglang nagising sa alaala sa kaniya. Anong meron? Napalunok ako bago ko unti-unting nilapit ang mga mata ko sa peep hole upang silipin kung anong meron sa labaz ng apartment. Pakiramdam ko ay nagdry ang lalamunan ko nang may makit akong kausap si Brix na isang babae. Fisheye ang lens ang gamit sa peepholes dito, dahilan para magfocus sa gitna ang kung saang bagay nakasentro ang makikita. Medyo nagwide ang mukha ng babae dahilan para hindi ko madescribe ang mukha niya-pero alam kong napakaganda niya. Tumikhin ako upang alisin ang bara sa lalamunan ko, pero parang ayaw nitong umalis. Pakiramdam ko tuloy ay nagkaka-adam's apple ako. Halos mapakagat na lang ako sa ibaba ng labi ko nang makita ko ang paglapit ng mukha ni Brix sa mukha ng babae. Bumubuka ang mga bibig nila, pero hindi ko marinig ang sinasabi-nagbubulungan yata sila. Hindi rin naman kasi sound proof ang mga units dito. Pakiramdam ko ay magdudugo na ang ibaba kong labi sa higpit ng pagkakagat ko dito habang pinapanood ko ang dalawa sa labas na nag-uusap. Ngumiti ang babae sa kung anong binulong ni Brix, tapos ay naglean in ito. Sobrang lapit-hindi ko alam kung bumulong lang ba siya o humalik na. Nakita ko agad ang paghawak ni Brix sa beywang ng babae dahilan para manginig ang kamay ko. Hindi ko napansin ang pagdulas ng kamay ko at agad kong nabitawan ang hawak kong tray. "Ouch!" napasigaw ako sa sakit nang tumapon sa paa ko ang kakukulo lang na mainit na tubig. Nabasag agad sa tiled floor ang isang tea cup. Napaupo agad ako sa sahig upang punasan ang paa ko gamit ang night robe ko dahil sa hapdi ng paa ko. Nakarinig ako ng malalakas na katok habang pilit kong pinapaypayan ang paa ko. Nagna-numb ang pakiramdam ko hindi ko alam kung bakit tila hindi ako makatayo para pumunta sa CR at kuhain ang first aid kit. Sa unang pagkakataon, bilang isang nurse, ay natakot yata ako para sa sarili ko-nang dahil lang sa isang paso. "Eli!" nakarinig akong muli ng malakas na sigaw ni Brix, kasabay ng mga sunod-sunod na pagpound niya sa pinto. Napabuntong hininga na lang ako. Pinagpapawisan ako ng malagkit. Itinaas ko ang kamay ko at saka inabot ang seradura ng pinto upang pihitin. Binigyan ko ng kaunting awang ang pinto at saka sumilip mula sa ibaba dahil sa pagkakaupo. "Anong nangyari?" kunot-noo niyang tanong. Ngayon ko lang yata nakakitaan ng pag-aalala ang mga mata niya. Agad akong napailing sa kaniya at dapat ay isasara na ang pinto nang itulak niya iyon pabukas tapos ay agad siyang pumasok. Umiwas agad ako ng tingin nang makita niya ang sitwasyon ko, pinilit ko na agad na makatayo upang hindi ako magmukhang nakakaawa sa kaniyang paningin, pero bago pa man ako tuluyang makalakad ay agad na niya akong binuhat para dalhin sa couch sa sala. Pakiramdam ko ay naputulan na naman ko ng dila. Hindi ako makapagsalita sa presensiya niya. Nanatili na lang akong nakatikom ang bibig habang nagroroam around ang paningin niya. "Where's your first aid kit?" tanong niya agad sa akin nang pakiramdam niya ay hindi niya mahahanap ang first aid kit sa pagtingin lang sa buong paligid. Hindi ako sumagot. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung bakit nandito siya. At saka, may babae siyang kasama, hindi ba? Bakit iniwan niya 'yung babae niya sa labas para pumasok dito? No wonder, pinatigil niya yung nangyayari sa amin kasi ay may girlfriend siya. No wonder ayaw niya ng higit pa bukod sa s*x-siguro noon pa lanh ay may iba na talaga siya. Tapos ay ginamit niya lang akong parausan kasi alam niyang madali na kong maakit dahil nagkaanak na ako. Of course. Tama nga si Astatine. Hindot nga ako. "Answer, Eli. If you don't treat that, scalding ang abot mo. May trabaho ka pa." narinig kong snap niya. Katulad na katulad ang boses na gamit niya noong araw na nakilala ko siya. Same old bastard. "As if I don't know that. Nurse nga ako diba?" iritang sagot ko naman pabalik sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. "Where's your first aid kit?" pag-uulit niya ng tanong niya pero hindi ako kumibo, "Do you even have tongue depressors? Antibiotic ointments?" tanong pa niyang muli na akala mo ay doktor ko siya. Napaclick ko na lang ang dila ko-alam kong mas lalo siyang nairita sa ginawa ko. "f**k it." narinig ko ang mahinang bulong niya tapos ay nagmadali nang naglakad paalis sa unit ko. Pinanood ko lang siyang umalis bago ako napabuntong hininga. Alam ko namang aalis din siya dahil hindi ako nakiki-cooperate sa kaniya. Siguro iyon din ang gusto kong mangyari-ang umalis siya dito. Pinilit ko nang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa para pumunta sa fridge at makakuha ng isang ice tray para sa cold compress. Hindi pa kasi ako nakakabili ng bagong antibiotic ointment dahil hindi rin masyadong nagagamit. Mukhang kailangan ko nang mamili ng bagong laman ng first aid kit ko. Bitbit ang ice tray, ay dinala ko iyon sa CR at saka ko inabot ang first aid kit sa itaas na cabinet para kuhain ang cold compress bag doon. Nang makuha ko ay isinalin ko agad ang mga ice cubes na galing tray at saka ako naupo sa toilet bowl upang dampian ng cold compress ang dalawa kong paa. Napabalikwas ako nang makarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko alam na nakaidlip pala ako sa pag-upo sa toilet, pero nakapatong pa rin ang cold compress sa dalawa kong paa. Nagulat ako nang makita ko si Brix pagbukas niya ng pinto ng CR. May dala siyang paper bag at agad dumalo sa akin pagkakita niya sa hitsura ka. "Bakit nandito ka pa?" naitanong ko agad nang lumapit siya at agad na ipinulupot ang isang braso sa beywang ko para buhatin ako. Hindi siya nagsalita, kaya nanatili lang akong nakatitig sa kaniya habang tuluyan na niya akong binuhat at agad dinala palabas ng CR. "You should take care of yourself," narinig kong sambit niya nang iupo niya ako sa sa couch tapos ay ipinatong niya ang dalawa kong paa sa magkabila niyang balikat habang umaayos siya ng pag-upo sa lapag, sa tapat ko. Pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ba kasi nandito na naman siya? Ipinatong na niya sa magkabilang hita niya ang dalawa kong paa nang mag-Indian seat siya sa lapag. Tapos ay binuksan niya ang papel na supot na naglalaman pala ng isang box ng tongue depressors at isang kahon din ng Polysporin. Mayroon di siyang biniling isang pack ng bandage. "Nag-abala ka pang bumili. Kaya naman ng cold compress 'to." mahinang sambit ko nang sinisimulan na niyang pahiran ng antibiotic ointment ang paa ko gamit ang tongue depressors. Hindi siya nagsalita, nakafocus siya sa ginaganawa niya. Napabuntong hininga na lang ako at saka sa bintana na lang ipi-nocus ang tingin. "You know what, Brix?" sambit ko sa kaniya habang nakatitig ako sa malayo. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong tila kirot yata sa puso ko. Bakit pakiramdam ko ay lumulukot ang boses ko? Iyong tila ba paiyak na? Sinubukan kong lumunok para mawala ang tila naumumuo na namang bara sa lalamunan ko, pero nandoon a rin iyon. Ayaw matanggal sa lalamunan ko. "The moment you decided to walk out, wala ka na dapat dito e." dagdag ko pa. Naramdaman ko na agad ang tila luha na namumuo sa gilid ng talukap ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit tila nitong nakaraan lang ay asang-asa pa rin ako sa kaniya dahil binibisita niya si Herbi kay Rose-pero that moment na nakita kong may babae naman pala talaga siya, bakit pinanghinaan na agad ako ng loob? Gusto ko ba siya dahil gusto ko siyang mahalin? O gusto ko siya dahil attracted lang ako sa kagwapuhan at kabaitan niya? Magkaiba kasi iyon. Maraming types ang love-pero hindi ko alam kung nasaan ang nararamdaman ko doon-o kung nandoon na nga ba ako talaga ako. "I can't just let you go," narinig ko ang mahina niyang bulong hababg patuloy sa pagpahid ng antibiotic ointment sa kabilang paa ko naman. Nabendahan na niya ang una. Tila nagpakawala ng tawa ang lalamunan ko nang marinig ko ang sambit niya. Lumandas ang mga tingin niya sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita na naman ang emosyon sa mga mata niya. Worried? Passion? Hindi ko alam, pero as if just a moment in that time, parang nakita ko ang buong galaxy sa mga mata niya. No void. But there are so many stars. Ilang beses akong napalunok nang magdry ang lalamunan ko dahil sa nakita ko ang emosyon niya-at least one time in my life. I saw a life in his eyes. Nanatili siyang nakatitig sa akin, at ako rin sa kaniya. Tapos ay bigla siyang lumapit, ang mukha niya sa mukha ko. "Let's set some rules." mahinang bulong niya bago niya ako siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD