Kabanata 19
"You should be prepared for what's about to come, Eli."
SAMBIT ni Astatine sa akin, "You asked for this."
Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko lubos maisip kung anong meron sa akin.
It's clear that he just wants me for s*x-nothing more. And I think, it's for sure now, na hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. Ilang beses na naming pinakawalan ang isa't isa. And clearly, ako lang ang palaging naghahabol sa kaniya.
The toxicity is killing me-but it's making my attraction for him stronger.
"Hindi naman ako nagsisisi, Asta." pagtataboy ko naman ng mga salita niyang ayaw kong marinig. Ayaw ko lang na mas ipamukha niyang mali ang naging desisyon koa mali na pumayag ako sa kasunduan namin.
"Hindi nga ngayon-pero ikaw ang matatalo, Eli."
Napailing na lang ako sa kaniya, "We'll both get benefits from this relationship, Asta. It's a win-win." sagot ko na lang sa kaniya at saka ko siya binigyan ng reassuring smile. Hindi na siya nagsalita pa. Pero alam ko ang mga tingin niya. Hindi niya gusto ang desisyon ko, at seryoso siya doon. Dahil kung may nakikita pa siyang kahit katiting na chance for me and Brix, hindi siya magiging ganito kaseryoso.
"A win-win, then." sambit na lang niya at saka ako binigyan ng isang ngiti. Nakapila kasi kami sa isang stall para bumili ng pearl coolers bago kami tuluyang umuwi.
Pilit kong inalala ang nangyari noong gabing iyon.
"No past, no future-just the present." sambit ni Brix habang nakatingin siya sa akin. Seryoso ang mga mata niya na tila ba gusto niyang itatak ko lahat ng sasabihin niya sa akin. "We're both not allowed to ask personal questions-even when one is obviously hiding something."
Napakunot ako sa huli niyang sinabi, "What do you mean by that? Like, another affair?"
His lips were tightly closed. Wala siyang isinagot sa akin.
"Like, that girl na kasama mo kanina?" dagdag ko pa na nagpaigting ng mga panga niya.
"If I agree with you, magbaback out ka ba?" tanong niya ng may kunot ang mga noo. Napatikom ko ang mga bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"See, that's what I'm saying, Eli. I can't be committed to you. I'm committed to some-"
"Is she your wife?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang namutawi mula sa bibig ko. Huli na ang lahat para mabawi ko pa dahil biglang nagdilim ang paningin niya. Not that he's mad-but more like a glaxy with no stars again.
Blank like a void.
Like he's in the depths of the ocean, shackled there-surrounded by darkness. He can never hear my voice, and I can never lift him up. I can't drown myself trying to save him, when I know where my limits lies.
I can never give a hand to a man who doesn't want help-a man that I know is beyond saving.
Lulunurin ko lang ang sarili ko, at ako lang ang mapapahamak sa dulo.
"See, that's the reason why we can't do this, Eli. We aren't compatible. You ask too many questions, and I want privacy."
Napapikit na lang ako.
We've been smooching around, bodies touching. Been more than what intimate really is-but he wants privacy.
Doon ko lang narealize kung ano ba talaga ang nasa harap ko.
It's modern romance. As what Astatine's term, totnak-ito lang iyon. Totnak-totnak lang. Pero walang relationship na mas angat don. Dito wala kang future. Ano bang ginagawa ko? Hindi ba't ito rin yung pinaglalaban ko dati? Walang masasaktan kasi kaming dalawa lang ang naggagamitan sa isa't-isa. So anong pinuputok ng bucchi ko ngayon?
Nang dumilat ang mga mata ko, nakita ko agad ang mga titig niya na tila alon na agad umagsak sa akin.
He's right here. He's waiting for my answer. Siya naman ang naghihintay ngayon. And I don't settle down with him-kung pipiliin kong magquit na lang, it will really be over.
Siya na iyong nagtatanong e. Buo na ang isip niya.
"Magba-backout ako." mahinang sambit ko at saka siya nginitian. "I can’t do this with you kung may girlfriend ka. Hindi ko ta-traydurin 'yung babae sa laba-"
Nagulat ako nang biglang sinunggaban niya ako ng halik. Tapos ay agad na sinipsip niya ang ibabang labi. Pakiramdam ko ay nanlumo ako nang gawin niya iyon, pero pinigilan ko ang sarili kong bumagsak na naman sa kaniya. Hindi ko kayang manira ng isang relasyon.
Hindi ako ganoong klase ng babae-hindi ako sobrang hindot na maging pag-aari ng iba ay aagawin ko na mapadali lang ang buhay ko at maging masaya.
I'm not that kind of person.
"She's not a girlfriend-" he said against my lips. Napakadiin ng pagpikit ng mga mata niya habang hawak ng kanang kamay niya ang batok ko.
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik nang marinig ko ang sinabi niya. "-not a wife, either."
Pakiramdam ko ay naging malandi ako ng mga segundong iyon, dahil pagbitiw na pagbitiw niya ng mga salitang iyon ay kusang mga paa ko na ang tumalon pataas upang ipulupot sa kaniya ang dalawa kong binti.
"I'm a five-year celibate-but I want to break that with you now."
***
"Mommy!" malalakas na katok ang narinig ko sa labas ng kuwarto nang maalimpungatan ako. Kanina pa yata katok ng katok si Herbi.
Nananakit ang ulo ko dahil sa amount ng alak na nainom namin ni Brix kagabi.
I can't move my right hand, when I was about to rub it against my eyes. Pakiramdam ko ay nagmuta ang mga mata ko. Hinila ko ito paalis kung saan ito nakasandal, pero tila ako nakagapos doon.
"Fuck." namutawi agad sa bibig ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. "Brix!" madiin ang boses, pero pabulong na pagtawag ko kay Brix nang hirap akong buksan ang mga mata kong tila dikit na dikit sa muta.
"f**k it, Brix!" muli ko pang sigaw nang puwersahin ko nang binuksan ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang mga namumuong muta sa gilid ng talukap ng mga mata ko nang dumilat na na ito. Nakita ko agad si Brix na natutulog nang nakadapa sa tabi ko.
Tapos ay nakita ko ang kanang kamay kong nakaposas sa metal bars ng kama. Sa kalasingan kokagabi ay hindi ko na maalala kung paano siya nagkaposas-o kung saan iyon nanggaling.
"Brix!" pasigaw kong bulong muli sa kaniya bago ko pilit na hinihila ang kamay ko paalis sa pagkakaposas pero lalko lang itong namanhid. Gumuguhit lamang ito sa wrist ko sa tuwinh mas hinihila ko papunta sa akin.
"Mommy!"
Napapikit na lang ako nang paulit-ulit nang sumigaw si Herbi sa labas ng pinto.
"Brix!" muli kong bulong na pasigaw sa kaniya tapo ay inangat ko na ang isa kong paa para sipain na siya nang magising na.
"Brix!" muli kong pagtawag tapos ay tinulak ko siya nang pagkalakas-lakas dahilan para malaglag siya sa kama.
"Fuck." singhap niya nang dumiretso siguro ang mukha niya sa lapag.
"Serves you right!" nanggagalaiting bulong ko tapos ay agad kong kinalampag ang kamay ko sa metal bars ng bedrest ng kama ko. "Susi, nasaan? Umiiyak na si Herbi!"
Tumayo agad ang naka-underwear lang niyang katawan at saka agad na pumunta sa jeans niyang nasa ibabaw ng night stand.
"You seem quite good at roleplaying." kumento pa niya bago nilabas sa jeans ang susi ng posas. Tapos ay napangisi siyang bumalik sa kama sa tabi ko. "Ano ngang sabi mo kagabi?"
Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko nang ipaalala niya ang nangyari kagabi.
"Mommy!" tumawag na naman si Herbi na nagpabuntong hininga kay Brix. Kumindat na lang siya sa akin tapos ay binigyan ako ng isang halik bago niya tinanggal ang posas sa kanang kamay ko.
"Mr. Soldier, ride me. Fuel me with all your love-faster, and we'll reach the heavens above." narinig ko ang boses niya na tila iniimitate ang boses ko. Nanlaki agad ang mga mata ko bago ko hinangis sa mukha niya ang posas.
"Stop it." I hissed at him tapos ay nagmadali na akong kuhainang damit ko para daluhan si Herbi sa labas.
Narinig ko lang ang malakas na tawa niya pagdating ko sa pinto.