The President’s Princess Phenomenal Romance Novel by: Joemar Ancheta CHAPTER 75 Kinaya ni Airish na tiisin si Justine dahil pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya kahalaga. Ang paghahabol ni Justine ang dahilan kung bakit mas nagiging matatag siya. Lalong nabuo ang kaniyang pagtitiwala na mahal siya ni Justine nang lumuhod ito sa harapan niya para lang kausapin siya at patawarin. Nakangiti siya sa gabing iyon bago siya iginupo ng antok. Sa wakas alam at nasubok na niya ang kahalagahan niya kay Justine. Gustung-gusto na niyang mag-umaga para muli niyang masilayan si Justine. Mabubuo na silang muli. Si Janna na ang kusang nagpalaya sa pag-iibigan nila at wala nang dahilan pa para ipagkait niya ang pagtitiwala, pagpapatawad at pagmamahal kay Justine na patuloy na nagpapakita na siya an

