CHAPTER 74 "Please, mag-usap tayo. Ayusin naman natin 'to oh! Lumuluhod na ako sa harapan mo, pagbigyan mo lang ako!" Tinamaan si Airish sa nakita niya. Lumapit siya kay Justine. "Tumayo ka nga diyan." "Ayaw ko, hangga't di mo ako kakausapin dito lang ako." Umupo si Airish. Pinigilan niya ang sarili para di siya maluha sa nakikita niyang ginagawa ni Justine. Hinawakan niya ang palad ni Justine. Tinignan niya ito sa kanyang mga mata. Basa niya ang paghihirap ni Justine. "Kailan ka pa huling nagpahinga at natulog? Kailan ka pa huling humarap sa salamin? Justine, umuwi ka na muna, magpahinga ka. Kakausapin kita kung handa na akong harapin ka. Isa pa, tingin ko, hindi natin maayos ang problema natin kung ganyang kulang na kulang ka sa pahinga at nababalot pa rin ang puso ko ng galit sa

