CHAPTER 73 "Hayaan mo na, ihatid mo na lang ako uli do'n Rap. Huwag mo na lang siyang patulan." Ngunit walang narinig si Ralph. "Sa loob ka na muna ng sasakyan, please. Mag-uusap lang kami. Kailangan lang naming magkaliwanagan ng pinsan ko. Huwag kang lalabas do'n" mahina ngunit may paninindigang utos ni Ralph sa kaniya. "Huwag na, ihatid mo na lang ako pabalik," sagot ni Airish. Hinawakan na siya ng braso ni Ralph at muli siya nitong pinapasok sa sasakyan. Malakas ang mga braso ni Ralph. Ramdam niyang hindi din ito makikinig kahit pa makikiusap pa siya. Pagkasara niya sa sasakyan ay hinarap niya ang noon din ay nanggagalaiting si Justine. "Ano ha? Magpapakabayani ka na naman?" singhal ni Justine. "Tang-ina naman kuya! Pangingidnap na ang ginagawa mo! Ganyan ka na ba kadesperado p

