SINONG TUNAY NA MAHAL

2858 Words

CHAPTER 84 Nanginginig niyang binasa ang unang bahagi ng balita. Doon ay malinaw na nakalahad ang petsa, oras ng kasal at kung saan iyon gaganapin. Dahil sa may mataas na katungkulan ang ama-amahan ni Janna sa AFP kaya naman naging mas matunog ang kasalang iyon idagdag pa ang pagkakahila niya sa pangalan ni Justine sa balitang karelasyon niya. Iniwan niya ang tabloid sa inupuan niya. Mabilis siyang sumakay at pagkapaandar niya ay matulin niyang pinaharurot ito. Tinignan niya ang kaniyang pambisig na orasan. Makakahabol pa siya. Mapipigilan pa niya sina Justine at Janna sa kanilang pagpapakasal. Hindi siya makapapayag na basta na lang kukunin ni Janna sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya. Hindi na siya papayag ngayon na walang gagawin. Bahala na! kung hahayaan niyang ikasal si Justine

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD