CHAPTER 83 Nanginginig ang mga kamay ni Airish. Kinuyom niya sa kaniyang kamay ang sulat. Puno ng luha ang kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala. Gusto niyang tumakbo ng tumakbo palayo. Magpasagasa o mamatay na lang. Pinunit niya ang sulat. Ibinato niya iyon. Nagkalat ang mga pira-pirasong papel. Sinikap niyang tumayo kaya lang nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Nanghihina ang mga ito dahil sa sobrang sakit na hindi niya mailabas sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang muling napaupo ngunit mabilis siyang hinawakan ni Ralph. Pinilit siya nitong yakapin ngunit itinulak siya ng humihikbing si Airish. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may balak pa rin pala silang ikasal? Anong klaseng kaibigan ka?" Singhal niya sa gitna

