The President’s Princess Phenomenal Romance Novel by: Joemar Ancheta CHAPTER 65 Kitang-kita ni Janna ang halos sabay na pagkaputla ng dalawa at ang panlalaki ng kanilang mga mata. Sa nerbiyos na naramdaman ni Justine ay nakabasag siya ng baso at sa takot ni Airish na harapin siya ay mabilis din itong tumalikod at may balak umiwas. Ngunit mabilis ang pagkilos ng kaniyang mga paa. Bago nakahakbang si Airish palayo ay nahawakan na niya ito sa balikat. "Kung ayaw mong ipagsigawan ko ang kalandian mo rito, harapin mo ako. Pag-usapan nating tatlo ang kahayupang ginawa ninyo sa akin! Huwag kang duwag! Lumaban ka ng patas! Ahas!" mahina man iyon ngunit may diin. Halatang balot iyon ng matinding galit. "Janna, huwag dito, please!" si Justine. Halata sa mukha ang matinding takot sa multong k

