CHAPTER 66 "Bigyan ko kayo ng kahihiyan. Umupo tayong tatlo na parang isang barkada. Magkakaharap na kakain, hindi yung kayong dalawa lang ang nagkakainan ng pasikreto." Hinila niya si Airish at buong lakas niya itong hinila at pinaupo. Napalunok si Airish. Naroon na yung takot ngunit batid niyang malulusutan pa rin nila ni Justine ito. Pagkatapos nilang mag-usap na tatlo. Humanda-handa si Justine dahil siya naman ang kakausap dito. Naupo na rin si Justine. Hindi nga lang niya kayang iharap ang mukha niya sa dalawa. Huminga ng malalim si Janna. Kailangan niyang maging kalmado kahit galit na galit na siya. Hindi siya makakapag-isip ng tama o walang mabuting lalabas sa kaniyang labi kung hahayaan niyang mangingibabaw ang galit. Ngunit paano ba niya iyon kokontrolin? Uminom siya ng tu

