CHAPTER 67 “Tinatanong kita, bakit hindi mo magawang hiwalayan si Airish? Mahal mo na ba siya?” "Hindi ko alam, Jha!" "Hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Airish at Justine. Huminga ng malalim si Airish. Nasaktan siya sa narinig. Hindi alam ni Justine kung bakit siya nito hindi magawang iwan. Kulang na lang sabihin niyang wala lang ang lahat. Lumingon siya sa noon ay nakatayong si Ralph. Nakatingin ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang pagkaawa ni Ralph sa kaniya. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang tumayo at yakapin ang kaibigan. Ibuhos ang lahat ng sakit. Muli na naman ba siyang itatanggi ni Justine? Ngayon pa na sobra na niyang mahal ito? "May sapat kang kita, may matatag na trabaho kaya malayong pera-pera lang ang lahat ng ito. Justine,

