CHAPTER 68 Sa panahong iyon, walang kinalaman kung sino ang boss niya, doon lang siya sa tama. Ayaw niyang kumampi ngunit kahit saang anggulo tignan ay si Janna ang kinawawa, ang biktima at tanging yakap lang niya ang alam niyang makapagpapagaan sa sakit na pinagdadaanan nito. Nang napatayo na niya si Janna at nakayakap ito sa kaniya habang humahagulgol ay tumingin siya sa noon ay nakayukong pinsan niya. Sana nakikita niya ngayon ang bunga ng kaniyang ginawa. Sana tibagin siya ng kaniyang konsensiya. "Tama na Jha. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan?" wika ni Justine. Nakatayo ito malapit sa kanila ni Ralph. Tumingin si Janna kay Justine. "Kaya mo ba sa akin inilihim ang relasyon ninyo dahil ayaw mong makita akong nagkakaganito? Putang ina mo! Tinanong na kita no'n sabi mo, walang

