CHAPTER 69 "Paano mo alam 'yun kung ikaw mismo di mo kayang panindigan ang lihim mong nararamdaman. Hindi mo kayang panindigan ang pagmamahal mo kay Janna. Duwag ka! Gusto mong maging kagaya kita? Tinatago ang nararamdaman? Ibahin mo ako! Alam ko kung kailan ko puwedeng ipaglaban ang pagmamahal ko. Ngayon pa kung kailan malaya na kami kay Janna? Ngayon pa na inamin mismo ni Justine sa harap ni Janna na mahal niya ako?" "Duwag?" "Oo, bakit masakit marinig ang totoo?" "Hindi kaduwagan ang tawag sa ginagawa ko. Nagpapakatao lang ako. Nakikiramdam, binibigyang halaga ang nararamdaman ng taong nakapaligid sa akin. Airish, maaring hindi tayo pareho, sa estado ng buhay, sa pagtingin sa mga bagay-bagay ngunit gusto ko lang malaman mo na kung duwag ang tingin mo sa akin, ikaw, manhid ka! Napak

