The President’s Princess Phenomenal Romance Novel by: Joemar Ancheta CHAPTER 70 “Kuya magkaroon ka naman ng pakiramdam! Magkaroon ka naman ng hiya sa sarili mo!" Hindi pa natatapos si Ralph ang mga dapat niyang sasabihin nang biglang nagpakawala ng isang malakas na suntok si Justine. Dumapo iyon sa panga ni Ralph. Sa lakas niyon ay napaupo siya. "Justine ano ba! Anong kagaguhan ang ginawa mo?" singhal ni Airish. Mabilis siyang lumapit kay Ralph. Inapuhap ni Ralph ang bibig niya. May nasalat siya. Basa. Nang tignan niya ang palad niya ay nakita niyang may dugo iyon. Biglang sa isang iglap ay kumulo ang dugo niya, sumabog ang galit na noon pa niya tinitiis at sa pagtayo niya mula sa pagkakaupo ay nagsalubong ang kaniyang kilay. Walang kinalaman ang utang na loob dito, pagod na s

