CHAPTER 78 "Hirap na hirap ka na bang mahalin ako? Ayaw mo pa bang sumukong intindihin ang paraan ko? Nandoon ako sa bar na iyon para sana makipag-usap kay Bobby. Ginagawa ko ang lahat huwag ka lang maeskandalo at ng buo mong pamilya. Handa kong gawin ang lahat para sa'yo. Magalit ka sa akin, magdamdam, wala akong magagawa basta gawin ko na lang ang sa tingin ko ay tama. Patawarin mo ako Airish. Patawad mahal ko?" maingat niyang hinaplos ang mukha ni Airish saka niya hinalikan ito sa labi. Punum-puno ng luha ang kaniyang mukha. Nasasaktan siya sa kanyang mga plano ngunit alam niyang iyon at dapat at tama niyang gawing desisyon. Lumabas muna siya ng kuwarto at kumuha siya tubig at bimpo. Tinanggalan niya ng sapatos, jacket at pantalon si Airish. Lumantad sa kaniya ang maputi at makinis

