CHAPTER 57 Nagpadala siya ng good night text kay Airish kanina pero hindi man lang ito nagreply. Gusto niyang i-text siyang muli ngunit ayaw niyang magmukhang desperado. Ang mahalaga ay malaman ni Airish na bago matulog ay siya ang laman ng isip niya. Hindi kaya si Bobby ang katext niya ngayon kaya hindi ito nagrereply? Lintik na! Ano ba talaga kasi 'to! Bakit gulong-gulo ako! Huminga siya ng malalim. Pinilit niyang ipikit ang mga mata. Kailangan niyang matulog ng maaga dahil maaga din silang magigising na magpinsan para daanan si Airish. Ngunit ilang oras na siyang nakahiga, mukha ni Airish ang kanyang nakikita. Nadale na nga. Kinaumagahan ay okey na sana ngunit nairita siya nang nalaman niyang sasabay pa pala si Bobby sa kanila. Puwede namang sa Batangas na sila magkikita-kita, bakit

