CHAPTER 58 Bago lumabas si Airish sa kuwarto ay nilingon niya si Justine. Nagtama ang kanilang paningin. "Akala mo ba Justine, maitatago mo sa akin ang mga ginagawa mong ito para lang mapigilan akong makipag-s*x kay Bobby! You are such a loser! Magpakatotoo ka na lang para may patutunguhan ang ginagawa mo kaysa idaan sa kung anu-anong pakulo!" Sa isip lang ni Airish iyon. "Hanggang kailan ko kayo mapipigilan? Ano ba 'tong ginagawa ko! Bakit ba kasi ang hirap magpakatotoo!" iyon din ang tumatakbo sa isip niya habang nagkatitigan silang dalawa. Napaupo siya sa kama nang tuluyang makaalis ang dalawa. Huminga siya nang malalim. Hindi habang panahon ay kaya niyang harangin ang dalawa sa gusto nilang gawin. Pakiramdam niya hapong-hapo siya, hindi sa pagod sa pekeng inspection kundi sa simple

