ROSY POV NINE in the evening nang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni kuya Harold and nakita namin si dad and uncle Javier. Wow! Nine in the evening na ngayon lang siya dumating. Ang galing niya. Wala ba talaga si mom para sa kanya? Really? Nakita ko ang mata ni Grandpa na kasamang nakatingin kay dad. Kahit naman siguro ay masama ang tingin sa kanya. Na para bang hindi importante si mom sa kanya. “Javier, anong lumabas sa results ni Frances?” tanong ni Grandpa kay uncle Javier. Hindi niya pinansin si dad. He doesnʼt exist naman. Napatingin sa amin si uncle Javier. “Nandito naman ang lahat.” Nakita ko kung paano huminga nang malalim si uncle Javier. Sinarado niya ang pinto at tumayo lang doon, malapit sa door. “Ayoko kayong matakot at mabahala kayo pero... May cancer si Frances

